Yssabelle's POV
Sobrang init talaga dito sa Pilipinas kahit na anong gawin mo sobrang init parin naligo na ko ilang beses pero wala paring nangyari. Summer nanaman kasi kaya kahit na ang init init okay lang kasi pag Summer sobrang daming pwedeng gawin makakalabas ka whenever you want kaya Summer in the Philippines is the best.
Magse-second year high school na pala ako nyan sa pasukan ang bilis kaya naman bago pa mahuli ang lahat punta muna akong school para ayusin clearance ko. Tawagan ko nalang mga pinsan ko para sabay sabay na kaming pumuntang bayan.
Habang nag aalmusal tinawagan ko na sila isa isa at napagdesisyunan naming si kuya nalang maghahatid samin at ipi-pick up nalang namin sila. Kaya kailangan ko pang gisingin yung mokong kong kapatid para ihatid kami.
Mabilis lang akong nag ayos. Nag fitted jeans nalang ako and crop top at tumakbo na sa sasakyan ni kuya. "San tayo una?" ika nya habang nagya-yawn pa "Hmm kina ate Lexy nalang kuya hehe sigee na tulog ka nalang ulit mamaya" sagot ko habang naghahanap ng magandang kanta "may choice pa ba ko?" ika nya habang pailing iling
Ng nasundo na namin sina ate Lexy na kagaya ko maputi,petite at mahabang buhok na kakagraduate lang at ang kapatid nyang si ate Chanel na morena,medium hair at di gaanong payat and incoming 4th year na sumunod naman kami sa mga boys kong pinsan na malayo palang rinig na rinig na ingay nila.
"Nag sleep over kasi silang lahat dyan kina Tito Angelo e" ika ni ate Chanel sabay salpak ng headset at pinili nalang matulog "Bilisan nyo naman dami na nyan tao" sabi naman ni ate Lexy na halatang naiirita na sa mga pinsan kong nagpapagwapo pa.
Nag unahan na silang tumakbo papuntang sasakyan at nag asaran pa dahil sa pag e-effort ni Fritz pinsan kong incoming 1st year hs,matangkad gaya nila kuya at Drix bunso kong kapatid,Josh at Miko dalawa ko pang pinsan na elementary palang
Habang papuntang school tuloy parin ang asaran ng mga mokong "Si Gail at Elisse magbyabyahe nalang daw?" ika ni ate Lexy habang nakatutok sa cellphone nya "Oo daw may dadaanan pa daw ata sila ate" sagot ko naman patukoy sa dalawa ko pang pinsan na di sumabay samin.
Nang nakarating na kami as usual ang dami ng tao nagsisisihan pa mga pinsan ko dahil sa sobrang kabagalan nilang magbihis kanina. Nagkanya kanya na kami at napag usapang magkita kita nalang sa Aloha mamayang gabi. Nitext ko naman si kuya na wag na kaming sunduhin habang patungo ako sa mga prof kong nakahilera na sa may quadrangle ng school.
Nakita ko din mga dati kong kaklase habang hinahanap mga kaibigan ko. Nagsimula na kong magpa-pirma at buti nalang nagawa ko lahat ng requirements kaya mabilis akong natapos. Nakita ko naman sila sa wakas sa may canteen kausap yung isang varsity si Chui.
Yinakap naman ako agad ni Coreen bestfriend ko ng makalapit ako sakanila at nibeso naman ako ni Trish habang pataas taas pa ng kilay. "Hi Yssa" bati naman ni Chui ng mapansin ang presensya ko "uy hello" sabi ko naman habang tipid na ngumiti.
"Tara na?" anyaya ko sa dalawa kong kaibigan na halos makalimutan ng may pupuntahan kami ngayon at gutom na gutom na ko. "Osige" giit naman nila sabay paalam kay Chui.Pumunta na muna kaming Sm para maglunch habang patuloy naman akong pinagbubuntungan ng dalawa dahil daw agaw eksena ako sakanila ni Chui. "Kung alam ko lang namimiss mo kasi si Ong kaya ka ganyan e" pang aasar sakin ni Trish habang nagme-makeface naman si Coreen para inisin ako. Tumawa nalang ako kasi totoo naman. Miss na miss ko na yung g*gong yun nung last months ng school halos di na pumasok dahil pinadala sya ng school sa ibang lugar para magtraining ng basketball kaya halos dalawang buwan na kaming di nagkikita.
Buti nalang dumating na order namin at natahimik na ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".