Summer morning air brushes through me. Nakabukas pala yung bintana magdamag. I looked at him..he's sleeping peacefully. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganto as in ganto kalapit at katagal..pag gising naman kasi sya di ko talaga kayang makipagtitigan sakanya
Ang sarap nyang pagmasdan parang iba sya sa Jacob na harsh at brutal..he looks innocent and nag soften features nya..Kahit labag sa loob ko,dahan dahan kong inalis yung braso nyang nakapulupot sa bewang ko at bumangon na. Ayoko syang gisingin alam ko naman siguro umuwi mag isa,nag tram lang naman kami e
Dumiretso muna ako sa kusina dahil nauuhaw ako pero sana tiniis ko nalang hanggang sa bahay. Pinasadahan nya ako ng tingin sabay ngumiti ng nakakaloko,kapatid nga sya ni Jacob,umiiling iling pa sya habang tumatawa ng mahina. Ang aga aga parang gusto kong manapak. Di ko sya magets! Bakit sya ganyan?
May mali ba sa itsura ko?! Oh crap! Tinignan ko sya "Mali iniisip mo okay? Natulog lang kaming dalawa that's it! Suot ko damit nya kasi ano..ano..ikaw kaya matulog ng naka shorts ang ang init init kaya!" di na nya napigilan at tumawa sya ng sobrang lakas nakakaasar sya! Minura ko sya ng paulit ulit at ang walangya mas lalo pa syang tumawa hindi ba nya nakikita na naiinis na ko?! Bakit ba ang manhid nilang magkapatid?!?
Nagising siguro si Jacob sa ingay naming dalawa. Naka close pa yung isang mata nya ng pumasok sya sa kusina habang ginugulo gulo yung magulo na nyang buhok. May pagtataka at halatang naguguluhan nya kaming tinignan "Ingay nyo" okay ang aga aga magsusungit nanaman sya daig nanaman ako "Bro she's funny" tatawa tawang sabi pa ni James or kuya James i don't know kung iku-kuya ko ba sya
Tinignan ko sya ng masama "What do you want to eat?" singit naman ni Jacob habang tumitingin ng pwedeng iluto sa ref nila "Ikaw daw bro" tumawa silang dalawa and yes even Jacob! "Gusto mo ng hotdog?" tanong nya habang hawak hawak yung isang pack ng hotdog then tumawa sila ulit. There pinagkakaisahan na ko ng magkapatid!
"Yup gusto ko yung medyo crispy hah" sagot ko naman na nagpatawa ng malakas sa dalawa,umiiling iling pa si Jacob habang nagpriprito habang yung isa mukang tuwang tuwa samin. Ang galing galing mang asar kanina pero kakain din pala sya sa hotdog namin ni Jakey baby ko!
Nagbihis na ko pagkatapos ayusin yung kama nya. Ayoko pa sana magpaalam sa kuya nya pero obvious naman na kanina pa nya kami hinihintay sa labas habang naninigarilyo sya. Tinapon nya ito "Balik ka" halatang nang aasar parin sya hanggang ngayon "Sure" sagot ko naman habang sarcastic na tumatawa
Halatang inaantok pa sya nung asa tram na kami. Inakbayan nya ko then umidlip sya sa may balikat ko.
Ng makarating kami sa bahay he gave me a peck at hinintay akong makapasok bago umalis narin. Hindi ko alam kung anong plano nyang gawin ngayon hindi ko narin natanong. Natulog nalang muna ako dahil masyado pang maaga para mag isip ng kung ano ano
Pagkagising ko alas dos na ng hapon. I wonder where he is right now.. Tinext ako ni Pau kung asan daw ako i replied na nasa bahay lang then she told me na magbihis na and we're going to Mm daw kita kita nalang daw sa tram
Agad agad naman akong nagbihis,isang simpleng faded jumper shorts lang suot ko and a white top and a pair of adidas stan smith then tumakbo na ako paalis ng bahay. Tinext ko parin naman kahit papano si mama na umalis ako with my friends.
Akala ko talaga kasama namin sya i mean akala ko kasama nila sya ngayon pero wala sya. Bineso ko sila isa isa at pinigilan ang sarili na magtanong sakanila kung asan yung boyfriend ko. Natatakot ako na isumbat nila sakin na bakit ko sya sakanila hinahanap e dapat nga ako nakakaalam nun dahil ako yung girlfriend
Mabilis kaming nakarating doon dahil malapit lang naman ito and konti lang tao sa tram. It's been so long nung last time akong pumunta dito,it's funny how time goes by andami ng nangyari.
As usual puno ng pinoy and damn namiss ko dito! Foods..yung lugar and all!
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".