Patay na lahat ng ilaw at yung maliit na lampshade nalang ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong kwarto. Naalimpungatan ako sa ilang oras ko palang na tulog ng makarinig ako ng ingay na hula kong nanggagaling sa kusina.
"Ginagaya mo ba talaga kuya mo?" galit at ma-awtoridad na sabi nya na napagtanto kong boses yun ni papa. Pilit kong iniintindi kung anong nangyayari "Wala na kayong ginawang matino!" galit na sigaw nya ulit na rinig na rinig dahil sobrang tahimik na ng paligid
Unti unti ko ng naiintindihan kung anong nangyayari. Gusto kong lumabas pero mas nanguna yung takot sa diddib ko at lalo na nung magsalita ulit si papa "Hindi namin kayo pinalaking ganito" gamit ang isang boses na naghalong galit at hinanakit. I can imagine my mom crying right now and i feel bad for everything I've done lately. Sigurado ako si Drix yun at malamang pinagalitan sya sa pag uwi ng sobrang gabi.
I checked my phone to see what time is it. Alas tres na pala ng madaling araw. I can't sleep after hearing all of those. Sobrang daming bumabagabag sa isip ko. I found myself staring at the ceiling,hinihiling na sana maging maayos nalang ang lahat sa pamilya namin pero napaka impossible ng gusto kong mangyari. My head is throbbing of pain. Malamang sa putol na tulog at sa sobrang dami kong iniisip.
And then slowly without me noticing it nakatulog din ako ulit sa wakas. Mataas na ang sinag ng araw ng magising ako. Pumunta ako agad sa kusina if there's something to do and sa ref may nakadikit na paper of Grocery list. Mamayang konti nalang ako mag gro-grocery sobrang init pa para lumabas at magbuhat ng ilang plastic of groceries
Chineck ko kung umuwi din ba si kuya and di na ko nagulat to find his bed with no one on it. Nakitulog nanaman yun kung kani kanino. How sad mas gusto pa ng kapatid ko makitulog sa ibang bahay kesa sa sarili naming bahay. I felt a pang in my chest sa sariling iniisip kaya minabuti kong umalis nalang doon at dumiretso naman sa kwarto ni Drix. He's still sleeping. He looks so tired and parang iba na sya sa Drix ko nung nasa Pinas pa kami.
Napagdesisyunan kong magluto nalang ng pananghalian naming magkapatid. I wanted to wake him up pero parang wala din sya planong bumangon at kumain dito sa bahay. Gustong gusto ko talagang tinotorture sarili ko sa mga pinag iisip ko pero kasi i'm just stating the obvious. Mas mahirap naman kasing mag expect na ganto ganyan lalo na't alam ko naman yung totoo.
Pinagpapawisan na ko ng makarating akong Grocery store sobrang init! Kahit anong iwas ko wala parin. Kumuha na ako ng isang cart sa mga nakahilera sa may gilid. Tinutulak ko ito habang nagdadalawang isip kung ano ba uunahin kong kunin karne o mga gulay. Dumiretso muna ako sa part ng mga karne at chinecheck kung anong nakasulat sa listahan ng dapat kong bilhin then suddenly nafeel kong nagvibrate yung cellphone ko
"Hmm?" I picked it up habang tinutulak tulak parin yung cart "Asan ka?" he said. Di pa pala kami nag usap simula kagabi ni goodmorning text wala. Kinuha ko na yung chicken wings and legs "Sa Conad nag gro-grocery" sagot ko habang tinitignan kung ano next kong bibilhin.Narinig ko nalang na pinutol na nya yung tawag. I just shrug at dumiretso na sa may mga gulay.
Ilang minuto narin siguro ako doon na pinag iisipan kung anong kukunin ng may humigit sa bewang ko kaya medyo napatalon ako sa gulat at nabitawan yung hawak na gulay. Tumatawa sya at halatang nang aasar kaya sinimangutan ko nga at hinila na yung cart
"What are you wearing?" ika nya kaya napatingin naman ako sa suot ko naka short shorts ako na wrecked sa may bulsa sa harap,naka white converse at fitted white sleeveless wala namang mali sa suot ko kaya di ko sya pinansin at nagtuloy na sa pagtulak
"Sabi ko ano yang suot mo? Bat ganyan?" halata ang pagkairita sa boses nya
"Damit" sagot ko at iniwan na sya doon para hanapin yung mga kulang pa sa mga dapat kong bilhin. Naramdaman ko nalang sya sa likod ko at ng pasimple ko syang nilingon aba't nakasimangot na sya talaga natata tawa naman akong napailing
Hinila nya sakin yung cart at sya na nagtulak di na ako tumutol dahil medyo nahihirapan narin akong maghanap habang tinutulak tulak yun "Sexy!" sigaw nya ng medyo nauuna na ko sakanya para kunin yung mga tissue paper. Di ko sya pinapansin kahit nung naabutan na nya ako "Sexyy" ulit nya di ko parin sya pinansin at pinagpatuloy ang pagkuha sabay lagay sa cart "Sexyyyy" sigaw nya na nagpalingon ng mga tao sa banda namin gago talaga neto
Nilagay ko na sa cart yung last thing sa grocery list ko "Bakit ba!!" naasar na giit ko. Tawa lang sya ng tawa ang sarap hampasin e "Ang ingay mo!! Bat ka ba tumatawa?"
"Kala mo naman ikaw yung sinasabihan ko ng sexy" pinaghahampas ko sya sa inis nakakabwisit bakit akala ba nya nagfeeling ako na ako yun ang kapal!
Hinawakan nya ko sa dalawa kong kamay saka ako kinorner sa may hawakan ng cart bale nakaharap kami sa isat isa at nasa likod ko yung cart at yung mga kamay nya nakahawak sa mga bakal nito kaya natrap nya ko "Isa pag di mo ko pinakawalan sisipain kita" banta ko
Tumawa sya ng nakakaloko "Try it" alok nya kaya nagmake face nalang ako at sinubukang umusok pero nahuli nya ko agad "Please Jacob mahiya ka naman mamaya may makakita satin" buti nalang talaga nasa may part kami ng inumin at wala pa namang napapadpad dito "I don't care about them"
Nakikipagsukatan sya ng tingin sakin "pleassseee sige naaaa ano baaa" pagmamakaawa ko. Kinagat nya yung itaas na labi nya kaya nasama yung lip ring nya saka sya ngumingiti ng nakakaloko kaya kitang kita ko yung dimples nya "Jacob isa" parang wala syang balak pakawalan ako
"Dalawa..Tatlo..." pagtuloy nya naiinis na talaga ako! "Ibrebreak kita!" nawala yung nakakaloko nyang ngiti at naging seryoso narin yung mga mata nya "Talaga you'll break up with me dahil lang doon?" sabi nya saka ako pinakawalan
Inayos ko yung sarili ko saka tinulak na yung cart para makapagbayad. Parang nagsisisi na ko na sinabi ko yun dahil di na sya nagsalita after that hanggang sa makalabas kami habang bitbit nya lahat ng mga pinamili ko "Ako na" sabay subok na kunin ang apat na plastik sa kamay nya "Hahatid kita" tumahimik nalang ako at sinundan na sya sa paglakad
"Dito nalang" giit ko ng makarating na kami sa pangatlong shop bago sa apartment, parang wala syang planong bitawan ang mga pinamili ko "Hahatid nga kita diba" halata sa boses nya ang iritasyon "Hindi mo ko pwedeng ihatid hanggang dun" sigaw ko dahil dire-diretso lang syang naglalakad
Tinawag ko ulit pangalan nya pero parang wala syang naririnig kaya tumakbo na ako para maabutan sya "Susi" walang emosyon nyang sabi ng makarating kami sa tapat ng main door "Ako na" pagpupumilit ko kaya tinignan nya ko ng masama
Damn this guy nakakasar talaga! Kahit nagdadalwang isip binuksan ko parin ito sa di malamang dahilan. Halos magdasal na ko na sana walang tao sa bahay dahil patay talaga ako. Nung nasa tapat na kami ng bahay tuluyan ko na itong binuksan at halos mamatay na ko sa kaba ng pumasok na kaming dalawa.
Nakahinga ako ng maluwag mg masigurado kong wala sila. Binaba na nya sa may mesa yung mga bitbit nya saka nilipat ang tingin sa akin kaya nagyuko nalang ako ng tingin para maiwasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa
"Salamat." pahabol na sabi ko ng lumabas sya sa kusina. Di ko alam gagawin dapat ba mag sorry ako? Sya naman talaga nauna e. Sya nang asar so bakit ko kailangan mag sorry? Para saan? Ng makatapat na sya sa pinto parang gusto ko syang hilahin at wag munang paalisin pero parte ng utak ko nagsasabi na di sya pwede magtagal dito and besides ni hindi nga nya ako kinakausap
Sobrang bilis ng pangyayari halos mahigitan ako ng hininga nung hinila nya ko at tinulak sa may pinto naramdaman ko sa likod ko yung matigas na pinto at halos mabaliw na ko nung hinawakan nya ko sa pala pulsuhan at sabay tinaas ito. I'm gasping for air lalo na nung nagkasalubong ang mga mata namin para syang nagliliyab sa frustration at galit then he bent down and kissed me torridly hindi sya kagaya ng mga dati na para akong nasa langit the way he's kissing me right now is so wild and i don't know how to explain what i am feeling..it's like...i'm feeling hot
Tumatama pa yung lip ring nya sa aking mga labi na dumagdag effect sa buong sistema ko. He's making me crazy. Parehas kaming naghahabol ng hininga ng tumigil sya sabay patong ng ulo nya sa may balikat ko. What the fuck is going on..and for pete's sake nandito pa kami sa bahay! I can hear our heartbeats parang nagkakarera sa sobrang bilis.
Tahimik nya kong niyakap saka hinalikan ako sa noo at inayos yung mga buhok natumatakip na sa muka ko. Not saying a word pinihit nya yung doorknob at tuluyan ng lumabas ng bahay
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".