Capitolo XIII

11 2 0
                                    

"Pau truth or consequence?" tanong sakanya ni Rex ng matigil sakanya yung pagikot ng bote "Truth" matapang nyang sabi na nagpahiyaw saming lahat halos isang oras na kasi kaming naglalaro ng spin the bottle ni isa wala pang nag truth sya palang "Virgin ka pa?" diretsong tanong nya na nagpatahimik sa aming lahat "Hindi na" diretso din nyang sagot

Pinaikot ulit yung bottle at ni isa wala ng sumubok na mag truth ulit kaya naman nung tumapat na sakin finally ang saya nila kasi pangatlong beses palang ata ito,yung una tinungga ko yung isang bote tapos yung sumunod nag nae nae ako sa harapan nilang lahat kaya tangina kung sila ayaw ng truth hindi ako sila "Truth" matapang kong sabi na nagpatahimik sakanila

"Virgin ka pa?" seryosong tanong ni Alex yung isa sa mga bago nilunok ko muna laway ko saka sunod tungga sa bote kong nangangalahati nanaman "Tangina uuwi akong Pinas para lang bugbugin yung gagong yun hinayaan ko syang akyatin ka sa terrace ng kwarto mo pero ito tangina di ko palalampasin" giit naman ni kuya "Oa ahh" pabiro ko namang sabi sabay bato sakanya nung isang takip ng bote "Virgin ka pa?" ulit na tanong ni Jacob sa isang sobrang seryoso at malamig na tono na halos manginig na ko sabay pa ng malamig na hangin hudyat na lumalalim na ang gabi "Oo virgin pa ko" namamalat ko namang sagot

Di ko kinaya yun kaya tinungga ko na yung natitirang alak na naramdaman ko pang gumuhit sa lalamunan hanggang tyan ko

Pag-angat ko ng tingin sinalubong ako ng di ko mabasang ekspresyon ng mukha nya at ng mga malalalim at itim na itim nyang mata habang nagbubuga ng usok galing sa kanyang sigarilyo tangina di ko kinakaya yung mga titig nya di ko malaman kung ano gusto nyang iparating at isa pa di lang kami tao dito for pete's sake nandito pa kapatid ko!

Nag iwas nalang ako ng tingin bago pa ko tuluyang malunod sa mga titig nyang nakakapanlambot at nakisali na sa kwentuhan ng barkada

Madaling araw na nung nagdesisyon kaming umuwi sobrang dilim na at mga ingay nalang ng kokonting sasakyan na nadaan ang naririnig kasabay pa ng malamig na simoy ng hangin

Nag metro kaming lahat at buti nalang kami nalang halos yung tao doon dahil kung tatayo kami hanggang sa centro di namin kakayanin sa sobrang kalasingan at pagod

Sinulyapan ko sya ulit at mula sa pwesto ko kitang kita ko syang naninigarilyo nanaman kaya nag iwas nalang ako ng tingin kasi sa totoo lang I'm so damn attracted to boys who smoke and I don't understand why

Naging madalas na yung paglabas ko kasama nila di ko nga ma explain yung pakiramdam pero ang saya sa totoo lang kasi pakiramdam ko free na ko ulit na finally nakalabas din ako sa mga invisible na harang at finally natuto na ko ulit makisama at ienjoy ang mga simple pero woah grabeng bagay

Kahit simpleng pagtambay lang sa centro,sa may hagdan na puno ng graffiti,sa tabi tabi,sa parking area,sa mall at sa kung saan saan lang habang nagfu-foodtrip o umiinom o naninigarilyo o kahit simpleng tambay lang with music tas kwentuhan sobrang saya na sa pakiramdam tipong daig ko pa nakalaya sa kulungan..sa kulungan na ako mismo gumawa para sa sarili ko may sense? wala

Kahit nga wala si kuya sumasama parin ako sakanila at masasabi kong nakahanap na ko ng mga taong pagkakatiwalaan at ang swerte ko kasi kokonti nalang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon

Nang matapos ko na yung pangalawa kong stick sa araw na to sinalpak ko na sa bunganga ko yung lollipop bago ko pa maubos tong buong pack "Number mo nga" biglang sabi ni Jacob na nagpatigil sakin,pinasadahan ko sila ng tingin at napagtanto na ako talaga kausap nya "Bakit?" sagot ko habang pinapantayan ko ang paraan ng pagtitig nya "Wala lang bakit sana hindi?" tugon pa nya na halatang walang planong ibaba ang tingin sabay sindi ng sigarilyo "Tapos ano? Tetext mo na ko lagi?Tapos sasabihin mong ang ganda ko? Tapos liligawan mo ko?? Tapos sasabihin mong mahal mo na ako? Tapos sa huli iiwan mo rin ako? Nah wag ako iba nalang" humagalpak sila sa tawa na halos naluha luha na,totoo naman ah nakakaloka tong mga to "Sige na please" patawa tawang sabi nya habang pinupunasan pa yung luha nya at ngayon samin na sila nakatingin kanina lang may kanya kanya silang buhay "Phone" sabi ko naman na nagpakunot ng noo nya "Akin na phone mo ako maglalagay" agad agad naman nyang binigay sakin

"Girlfriend mo?" walang ekspresyon kong tanong "Chill mama ko yan,no need na magselos ka" nagmake face nalang ako sabay lagay na ng numero ko sa contacts nya "Tapos na?" tumango nalang ako at binigay na sakanya pabalik yung phone nya

Tatawa tawa namang nagyaya si Pau na mag libot libot daw kami kaya pinektusan ko nga di na natigil sa kakatawa e "Masama na bang tumawa ngayon?" nagmake face nalang ako sabay nagpa piggy back ride sakanya "Ang bigat mo tangina ka" giit nya tawa lang naman ako ng tawa "Jacoooob!" sigaw nya kaya lumingon naman yung gago sabay kunot ng noo "Ipiggy back ride mo daw si Ysh oh" at oo Ysh tawag nya sakin kasi cute daw sinipa ko naman sya ng mahina sa pinagsasasabi nya "Halika na" giit naman nung isa kaya tawa nanaman ng tawa tong si Pau masasakal ko na to konti nalang "Ano? Tara na arte pa e" sunod na sabi pa nya sabay tapon ng sigarilyo "Ang kapal mo naman noh asa ka" humagalpak nanaman sila sa tawa biniro biro pa sya nila Rex kaya bumaba nalang ako at naglakad na

Hinabol ko sila kasi mejo nauuna na sila sakin sabay akbay kay Pau habang pangiti ngiti naman sya halatang nagpipigil ng tawa kaya umiling iling nalang ako "Guys stop gusto ko nung granita wait lang bili ako" pagtigil ko sakanila ng makitang may nagtitinda ng dinurog na yelo na nay flavor sa tabi at sakto may strawberry flavor pa bumili ako ng isa kasi ako lang naman may gusto nito "Alam mo kung di ko lang barkada kapatid mo hinalikan na kita" halos malunok ko na ata pati yung kutsara o pati narin yung baso sa sinabi nya tinignan ko yung barakada na nakatingin na saming dalawa kaya naman nag aya na kong maglakad ulit "Alam mo kahit barkada ka ng kapatid ko hahalikan kita" sagot ko naman sabay tingin sakanya na ngayon napatigil na there you go Yssabelle nakabawi karin

Humagalpak ako sa tawa sabay takbo sa harapan kung asan sila Sabrina at Pat sabay lingon sakanya "Joke" nag peace sign pa ko at minabuting wag na ulit lumingon kahit na tawa pa ng tawa si Pau

SehnsuchtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon