Months passed at naging ganun yung routine namin gigising ng bandang alas 10 tapos magbr-breakfast at mag aayos ng konti sa bahay at dahil na rin Summer vacation din nila dito at wala din naman kaming ginagawa well except kay kuya na nakahanap na agad ng mga kaibigan at laging lumalabas pero hinahayaan nalang naman nila papa,me on the other hand decided to take italian lessons
Nag pa-enroll ako sa isang school of languages sa may centro kaya nilalakad ko lang,si Drix naman mas piniling sa bahay nalang magpaturo kasi tinatamad daw sya lumabas pumayag naman sila papa para narin daw may magbantay sa bahay
From 4pm to 7pm yung klase ko thrice a week,okay naman sya sa dalawang bwan na pagpunta punta ko doon marami na kong natutunan kaya di na ko natatakot mamalengke mag isa.
Nasanay narin ako sa ganto..tahimik na buhay hindi boring pero di din naman yolo gaya ng buhay ko sa Pinas at oo syempre minsan nakakapanibago parin na sa gabi imbes na lumabas ako at magparty o gumala kasama ng mga pinsan o kaibigan ko or ni Gabe..nags-stay nalang ako sa bahay nanunuod ng mga teleserye o nakikipagchat sa mga pinsan ko at friends habang si kuya naman madaling araw na umuuwi at anong oras na nagigising kinaumagahan kaya halos di na kami nagkakausap..and honestly i miss himMejo maliwanag pa kahit alas otso na ng gabi kasi nga Summer andami pa tuloy tao sa paligid na di gaya ko na mag isa,sila kasama nila mga barkada nila yung iba nagfu-foodtrip,may mga namamasyal at may mga nakatambay lang halos lahat sila Pilipino ibat ibang grupo,nakaka awkward tuloy pag dumadaan ako sa gilid nila kasi tinitignan nila ako lagi iniisip siguro nila na ang boring ng buhay ko na ang loner ko
Sa may bulsa ko naramdaman kong nagvibrate yung phone ko *Kuya Calling* sinagot ko naman ito habang patuloy na naglalakad "Oh?" pagbati ko sakanya,rinig na rinig ko pa yung ingay sa kabilang linya mga nagtatawanan "Daan ka muna dito pakilala kita sa mga barkada ko" ika nya na halatang umiinom "Nahh i'm tired" sagot ko naman habang hinihiling na sana maniwala sya kasi di ko kayang humarap sa mga kaibigan nya parang kasi sa sobrang tagal kong nasa bahay lang sila mama lang yung nakakausap at nakakasama kong pinoy kaya parang nakaka ewan na makaharap yung mga yun lalo na't halos ka age ko lang sila "Sige naaa nakikita pa kita dito salubungin kita" pamimilit nya pa sakin
Pinatay ko nalang yung tawag saka humarap sa kung saan ako nanggaling kanina kanina lang at nakita ko naman syang tumatakbo papunta sakin,nagmake face nalang ako nung nikiss nya ko sa cheeks sabay hinila sa bandang may gilid ng mga shops kung saan may hagdanan na punong puno ng graffiti at mga bote ng alak
Sila yung grupo na nakita ko nung unang araw palang namin dito at sila din yung grupo na naging saksi sa pagkakapahiya ko nung nag grocery ako tangina nakakahiya tas naka shorts lang ako and plain crop top na white tas converse na red habang yung mga babae wagas yung porma tas naka cap pa sila and adidas tas yung iba naka Jordan pa yung chinito na chubby yung pinaka naaalala ko sakanila
Lahat sila nakatingin sakin nung tuluyan na kaming makalapit sakanila "Oh eto ahh kapatid ko to si Yssabelle,ayusin nyo ah" biro pa nya sakanila tumawa naman yung iba maliban dun sa isang super poging hot na hot as in definition sya ng hot juskopo,nag smirk lang sya
Isa isa naman silang lumapit sakin para mag beso at magpakilala kaya ganun na din ginawa ko kahit super awkward talaga,ang pangalan pala nung chinito na mejo chubby is Rex tas yung isang guy naman na matangkad at pogi at mejo maitim ay si Jasper tas yung super hot guy naman na matangkad din at may dimples ay si Jacob daw,hayy juice colored ang babango nilang lahat po na conscious tuloy ako sa amoy at ichura ko
Sumunod namang nagpakilala yung mga babae yung isang mejo boyish look ay si Patricia pero Pat nalang daw niloloko pa nilang Tricia daw itawag ko sakanya pinagsasapak naman nya yung mga mokong tas yung isang sexy na maputi naman ay si Sabrina daw at girlfriend daw sya nung Jasper,halata naman kasi nung pagkatapos nyang makipagkilala kumandong na sya dun sa lalaki and lastly yung babaeng sobrang daldal naman na mejo maliit pero pretty ay si Paolinne daw Pau for short
Muka naman silang mababait kahit na hindi lang sa tenga yung piercing nila at may mga kulay yung buhok nila and lahat sila umiinom at naninigarilyo gaya ni kuya
Tipid naman akong ngumiti nung pinag stay muna nila ako doon kaya umupo narin ako sa may mga hagdan "Nanigarilyo ka?" tanong nung Pau ng matapos nya yung isang stick "Uhh hindi na dati lang sa Pinas" sagot ko naman ang awkward talaga kasi nakitingin silang lahat sakin "Dati daw..sa Pinas daw..." biro naman ni kuya gamit ang napaka sarcastic na tono tumawa naman sila "Oo na sige na nagsisigarilyo na pero minsan nalang" giit ko sabay nag make face kay kuya tumawa nalang sya "Gano kadalas yung minsan?" biglang tanong naman nung hot guy Jacob ata pangalan habang painom inom "Uhh ewan basta tatlong stick nalang sa isang linggo" sagot ko naman "tatlong stick daw..." sunod pang biro ni kuya kaya pinagsasapak ko na
"Aray ko aray ko oo na awat na" patawa tawa nyang sabi dahil sapak lang ako ng sapak tumatawa naman sila "Brutal pala tong kapatid mo brad" pabiro pang sabi nung Rex minake face ko nalang sya kaya humagalpak sya sa tawa "Ang cute cute mo" sunod na sabi pa nya "Di kayo talo brad" pabirong sabi pa ni kuya sakanya napailing nalang ako if i know seryoso naman sya dun at alam ko namang alam nila na di sya nagbibiro
Patawa tawa namang inofferan ako nung Pau ng isang stick kaya tinanggap ko naman ito at sinindihan "Wag mo sobrahan ahh maamoy ka nila papa" banta pa sakin ni kuya kaya tinanguan ko nalang sya "May chupa-chups ako dito don't worry" ani ko naman sakanya "Huh? Bakit yun?" kunot noong tanong naman nung boyish si Pat ata yun "Para maalis yung amoy sigarilyo tas pang iwas ko nadin minsan kaya imbes na cig lollipop nalang" sagot ko naman "Cool" "Cute namaaan" giit pa nila
Nagpaalam na ko kasi gumagabi na at dapat kanina pa ko nasa bahay isa isa ko silang bineso saka nginitian sinabihan pa nila akong sumama sama sakanila next time nag oo nalang ako bahala na
Yung hot na lalaki walang ginawa kundi mag smoke simula ata nung dumating ako hanggang nung umalis ako nag smoke lang sya tas paminsan minsan lang nag sasalita at ang tipid pa tumawa nakakaloka
Ng makarating ako sa bahay dumiretso akong kusina para itapon yung pangalawang stick ng lollipop saka na ko naligo at nag gabihan
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".