Capitolo XX

20 2 0
                                    

Dahil lasing nadin ang lahat napagdesisyunan ng lahat na matulog na nga doon kila Sab maliban sakin kaya naman nagpaalam na ko bago pa mag 11 at maunahan akong makarating nila Papa

"Guys una na ko talaga" sabay tayo sa kandungan nya kanina pa kasi ako nagpapaalam pero ayaw nila akong pauwiin at kanina ko parin plinanong tumayo dahil pinagtritripan kami ni Rex

Bineso ko naman sila isa isa kahit na halos wala na silang alam sa nangyayari. Sinamaan ko muna ng tingin si Rex bago sya bineso din "Ingat ah.Papakasal pa kayo diba pre!" dagdag pa nya,nagmake face nalang ako at lumapit narin sa tumatawa tawang mokong saka sya pabirong sinuntok sa braso na pinagsisihan ko rin sa huli "Kasi naman tama na alis na ko" naiirita kong sabi dahil di parin sila tumitigil ni Rex

Kinuha ko na yung purse ko at lumabas na ng apartment ng hindi nagpapaalam ng maayos sakanya ni hindi ko sya tinignan. Walking distance lang naman kaya di ako masayadong kinakabahan umuwing mag isa. Daig ko pa si Cinderella na may tamang oras na dapat makauwi sya..ang pinagkaiba lang namin ni Cinderella,sya hinabol ng Prinsipe nya kahit pa hindi nya ito naabutan samantalang ako kayang kaya naman sana nya kong abutan pero ang masaklap hindi nya binalak habulin ako

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may umakbay sakin na halatang tumakbo at naghahabol ng hininga. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman ngumiti sya ng nakakaloko "pakyu" mura ko sabay alis nung naka akbay nyang kamay. May gana pa talaga syang tumawa "Alangan namang di ko ihatid yung my love ko diba?"

Siniko ko sya saka sinimangutan "Nung una baby tas naging babygirl then babe tapos sweetheart tapos ngayon my love?" tatawa tawa kong saad habang pinipilit takpan ang pagka bitter ko "Ano ba gusto mo?" walang emosyon nyang tanong habang nakaakbay parin saakin

"Lahat nalang para naman di ka mahirapan sa dami ng chix mo diba. So that hindi kana maguguluhan." masigla kong sagot na parang masayang masaya pa ako na madaming chix tong boyfriend ko pero sa totoo lang i'm just making the complicated situation easier for both of us-sakanya para nga di na sya mahirapan pa at sa akin para kung magkamali man sya ng endearment hindi ako masasaktan..hindi nga ba? singit ng isang parte ng utak ko

"Earth to Yssabelle" giit nya di ko namalayan na nakatunganga na pala ako "So ano? Tawagan na natin lahat ah" ngingiti ngiti kong saad sabay lingon sakanya tumango lang naman sya saka ako hinalikan sa ulo

"Saan pala kayo pumunta kanina?" lakas loob ko ng tanong dahil kanina pa bumabagabag saakin kung saan nga ba talaga sila nagpunta and may karapatan naman ako diba? Nung sinabi nyang kami na parang binigyan narin nya ako ng karapatan manghimasok sa buhay nya..well kung ganun nga ba talaga

"It's not what you think" diretso nyang sagot. I don't know how to interpret it kasi di naman sya nag explain ano bang ibig nyang sabihin? Na iniisip kong nanchix sya? "Saan nga?" para narin matahimik ang utak ko naglakas loob na ko ulit magtanong "May mga dineliver kaming pictures nung racket ko nung last week" walang alinlangan nyang sagot

Halos mahiya naman ako sa aking sarili sa pagkakaalam na rumaracket pala sya at wala man lang akong alam dito "Rumaracket ka pala..Ano?" mahina kong tanong sabay yuko upang maiwasan ang kanyang mga tingin

"Yup.Photographer" sagot nya saka na kami tumigil sa paglalakad dahil ito na yung pangatlong shop bago apartment namin "Hey may problema ba?" tanong nya ng di ako sumagot sabay taas ng ulo ko gamit ang kanyang hintuturo "Hey look at me" giit pa nya ng sinubukan kong umiwas ng tingin kaya naman sinalubong ko narin ang mga titig nya na naghalong pagtataka at pagkabahala

"Wala it's just..i'm kinda u know..i feel bad na girlfriend mo ko pero wala akong alam about sayo" pag amin ko kasi wala namang magandang maidudulot kung ito na nga lang itatago ko pa sakanya. From being worried parang nabuhayan sya ng marinig yun saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi "Hey listen. I don't care if you don't know every fucking detail about me. We have a whole lifetime." and just by that nawala na lahat ng pag aalinlangan ko at muli akong nabuhayan at napaisip sa mga words na sinabi nya..whole lifetime

Parang binasag ng mga salitang yun yung mga binuo kong walls at unti unti na akong nagkakaroon ng pag asa na we can make our relationship work

He gave me a peck on the lips bago nya ko pakawalan. I smiled at tuluyan ng umalis,pag lingon ko natatanaw ko parin sya sa exact place kung san ko sya iniwan i waved goodbye at lumiko na sa eskinitang patungo sa apartment namin at dali dali ng umakyat

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa taas na wala pang senyales na andoon na sila papa. Syempre i feel bad lying and sneaking out the house pero wala akong choice. They made me to these things. I just shrugged it off at nagbabad na sa banyo. These past few days have been very stressful and a cold shower before going to bed is really needed

I'm on the phone with him simula nung matapos akong maligo. Tumawag sya para ipaalam na nakarating na sya,rinig na rinig ko pa yung ingay ni Rex at Pau na hindi magpakatulog at magpaawat sa kakainom kaya naman iniwan na nya sila sa sala at dumiretso na sa isang bakanteng kwarto kila Sab "Katabi mo si Pat?" rinig na rinig ko naman na tumatawa sya "Ano? Katabi mo nga?" tatawa tawa ko naring tanong "Wait lang babe natatatawa pa ako" paputol putol nyang sabi dahil sa kakatawa. Ewan ko ba dito kung bakit sya natatawa e kaya lang naman ako tumatawa dahil natatawa ako sa pagtawa nya "Jakey" pagtawag pansin ko sakanya at finally tumigil narin sya

"Ulitin mo nga" sana pala di ko sya pinatigil tumawa kasi ngayon di ko na kinakaya yung seryosong boses nya na may halong pagkaantok "Alin dun? Yung katabi mo ba si Pat?"

Tumawa sya ulit ng mahina "Hindi yun. Yung pangalan ko" ito na siguro yung pinaka paborito kong sound ang sarap irecord at ulit ulitin "Ahh yung Jakey?" di ko din napigilan tumawa ng mahina para akong nasasapian na kinikilig na sinasapian na ewan

He made a sound making me understand na yun nga yun "Anong sinasabi pag humihingi ng favor?" imbes na gawin ito agad pinili ko pang pagtripan muna sya "Baaabe" naligo naman na ako ah pero bakit ganun parang lasing parin ako..nalalasing ako sa boses nya

"Hmm?" sagot ko playing around. I want to hear him beg there was a long silence  "Baby please" i can imagine him laying on the bed with his phone on his ear habang nakapikit at nagmamakaawa sa akin and damn i won't trade this for anything in this world. Sinagot ko sya ng mahinang tawa and i heard him groans "Babygirl" halatang inaantok na sya at ang gusto nya nalang mangyari ay gawin ko yung gusto nya and once again naging tahimik kaming dalawa sya malamang hinihintay ako habang ako naman binubuo yung tapang at lakas ng loob ko "Jakey" halos masipa ko na lahat ng bagay na makita ko sa sobrang pagka ewan ng nararamdaman ko ngayon. I look like a fucking teenager na nagwawala sa sobrang kilig

I can imagine him smiling "Sweet" sunod pa nya oh gosh can't he just stop like omg,pero gustong gusto mo naman singit ulit ng maraming parte ng utak ko "Goodnight na. We're both exhausted." kahit gusto ko pa syang makausap at oo inaamin ko,today's been a long day and we really need to rest

I heard him making a sound that he agrees with me "Goodnight baby" he told me with his husky and half drunk voice and it made me shiver "Goodnight baby" i told him and immediately bite my lower lip sa kahihiyan at dali dali naring binaba ang tawag. Hindi ko ito first time na magkaroon ng boyfriend..hindi ko din first time makausap ang isang lalaki sa phone ng hating gabi..hindi ko din first time kiligin..at mas lalong hindi ko first time tawagin ng baby or babe or babygirl at kahit na anong endearment pa yan..hindi ko to first time lahat pero bakit ganun? Parang wala akong experience sa lahat ng to. Parang never ko pang naramdaman tong hindi ko ma explain na nararamdaman ko. Kaya imbes na mag overthink pa mas pinili ko nalang matulog having this strange feeling in my whole system

SehnsuchtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon