Capitolo XIX

9 2 0
                                    

Pagkarating na pagkarating namin binomba agad nila ako ng mga tanong "So totoo ba?" tanong ni Pat tinapunan ko lang sya ng tingin "Paano?Saan?Kelan pa to?" sunod sunod na tanong din ni Sabrina habang si Rex naman nakaupo lang na patingin tingin. Inisa isa ko namang ilabas sa plastik yung mga binili namin "Tangina Yssabelle EXPLAIN" napalunok ako sabay tingin kay Pau

Nagsimula na akong maghuhas ng mga gulay "Ewan ko. Basta nangyari nalang" simple kong sagot habang isa isang naghuhugas "Tumulong na kaya kayo dyan timplahan nyo na yung pang shanghai habang maghihiwa ako ng gulay" dagdag ko pa dahil nakaupo lang silang lahat at nakatingin sa akin

Nagsimula na silang gumalaw galaw "Yun na yung explanation mo? Kelan sya nanligaw?" pagpapatuloy na tanong ni Pau habang nagmimix na ng mga sangkap "Di sya nanligaw" tumawa naman ng sobrang lakas si Rex at Pat kaya binato ko sila ng carrots na hinihiwa ko "Pulutin nyo yan" sabi naman ni Sab

"Alam namin na di sya nanliligaw. Kilala namin sya. Ang point namin dito ikaw! Bakit ka pumayag?" di talaga ako titigilan ng mga ito "Kasi...wala lang? Gusto ko lang." giit ko sabay lagay ng mga nahiwa ko sa hinihimas nyang karne "Sab tapos na yan?" patukoy ko sa shanghai wrapper "Yes yes" tatawa tawang sagot nya "Balik tayo sayo" singit ni Pat kaya naman i made an exhausting sigh "So pumayag ka na maging girlfriend ka nya? Anong nasa isip mo hah Yssabelle?"

Ang gulo na ng kusina sa dami ng kalat namin "Rex magsinop ka muna dito please" pakikiusap ni Sab "Ewan ko. Tsaka ano bang masama hah? I mean pwede bang suportahan nyo nalang kami?" nagsisimula na akong mainis kaya naman tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagra-wrap ng shanghai "Ayun nga e. Lahat tayo alam kung bakit ka namin ginaganto ngayon. Alam kong alam mo rin kung bakit." dagdag pa nya habang unti unti ng nagpriprito ng mga nara-wrap namin

"Timpla na muna nga akong sawsawan" dagdag ni Pat na halatang gustong iwasan ang tensyon na nagaganap "Anong gusto mong gawin ko ngayon?" halata na sa boses ko ang pagkairita tick agaw eksena naman ng bote ng alak na binuksan ni Rex "Makipagbreak ka sakanya" sagot nya,wow sana kasi ganun lang kadali no?

"Alam ko kung ano tong pinasok ko." walang alinlangan kong sagot "At anong gusto nyo makipagbreak ako agad e halos isang araw palang kami" tatawa tawa naman si Rex at Pat habang si Sab tahimik lang samantalang si Pau parang naiirita na din sakin "Mamaya pagdating nila hug mo sya tas halikan mo yung todo tas pagkahiwalay ng labi nyo sabihin mo Happy firstdaysarry babe break na tayo!" sabay tawa nya ng malakas kaya naman tumawa na kaming lahat at naalis na din yung tensyon na nabubuo sa amin saka ko sya binato ng sandok

"Kasi naman e. Basta ah pinagsabihan ka namin! Di ako nagkulang" niyakap ko naman sya saka hinalikan sa pisngi "Grabe beh ang baho baho mo na maligo ka mamaya hah" minura naman nya ako at pinaalis sa tabi nya tatawa tawa naman akong nag ayos na ng mga kinalat namin saka tinulungan si Sab magprepare ng pagkakainan

Matapos ang halos isang oras naprepare na namin lahat pati ang mga iinumin bale kasi hindi ito normal dinner kasi walang kanin at yung mga pulutan ang magsisilbing pagkain at tubig naman ay ang beer na sobrang lamig. Tinawagan na nila yung dalawa at sinabi naman nilang parating na sila kaya mauna na kami

Napagdesisyunan naming mag-videoke. Naka isang bote na ko ng alak nung dumating sila agad namang sinalubong ni Sab si Jasper at nagpabuhat dito yung buhat na hug lang dapat pero pinulupot narin nya mga legs nya sa bewang ni Jasper..ang cute nilang tignan.

Sumunod naman syang pumasok medyo magulo na yung itim na may highlights na red nyang buhok. Ngayon ko lang napansin yung porma nya naka all black vans sya fitted black pants at isang plain white v neck tshirt at dahil doon kitang kita yung tattoo nya sa may bandang chest part nya halos pagpiwasan ako ng malamig kaya naman inalis ko na ang tingin ko sa part na yun ng katawan nya at sinalubong na sya ng tingin ng umupo sya sa harap ko mismo

Tinungga ko yung pangalawang bote ng alak at pinagtuunan nalang ng pansin si Rex at Pau na sumisigaw na para lang maabot yung tono ng kanta tawa naman kami ng tawa habang chinecheer sila "Kaya nyo yan" sigaw pa ni Pat sabay sindi ng panibagong sigarilyo

Humingi naman ako sakanya ng isa at nakisindi narin. Nagbukas naman ng panibagong bote si Jacob at binigay nya ito kay Jasper na busyng busy na kay Sab. Muli ko syang tinignan at halos maubo na ko sa paraan ng pagtitig nya na kahit nung uminom sya nakatitig parin sya at sabay namang nasagi ng lip ring nya yung bote ng alak and no one knows kung gaano ka-hot non tignan

Kasabay ng paglunok nya ang pag galaw ng adams apple nya and the scene is making me fucking hot kaya nakisabay narin ako kay Pat na nakikisingit sa pagkanta nung dalawang walang sawang magpataasan ng score

Lasing na yung dalawa and it's obvious dahil sumasayaw sayaw na sila habang kumakanta. Yung dalawang magjowa naman may sarili ng mundo palibhasa kasi ilang days daw ata wala parents ni Sab kaya sinusulit na nila. Si Pat naman ayun nagtutungga nalang ng alak at humihithit ng sigarilyo natatawa tawa ko pa syang tinignan kaya binatukan nya ko at minura

I don't know what to do. Dapat ko ba syang lapitan? Pwede naman kasing sya yung lumipat ng upuan at tabihan na ko dito diba? From my peripheral view nakikita ko syang ginugulo gulo yung messy na nyang buhok and walang kaalam-alam lahat ng kasama ko dito kung gaano ko kagustong lapitan sya at ako na gugulo ng buhok nya at dapat ko naring itigil to

Gusto ko ng sapakin sarili ko ng mahuli nya kong nakatitig sakanya,ngumiti sya ng nakakaloko na parang nang aasar na nang aakit i mean nang aasar lang pala sabay tinap nya ulit yung lap nya. Okay Yssabelle chill. Ang pangit naman kung tatanggihan ko nanaman sya ulit diba? Sa pangalawang beses tapos first day pa namin ngayon ganto na ko.. Tapos wala namang problema dun diba uupo lang naman ako..sa lap nya. Dahil narin siguro sa nainom kong alak kaya medyo tumapang ako at tuluyang tumayo at ginawa yung gusto nya na gusto mo din naman bulong pa ng isang parte ng utak ko

Being this close to him na halos magdikit na muka namin and being on his lap habang feel na feel ko sa balikat ko yung broad chest nya na tinitigan ko lang kanina is making me crazy. Idagdag pa yung naghalong amoy sigarilyo,beer at perfume nya baka di na ko lumabas ng buhay dito. O baka dito nalang ako forever.. Siniksik nya yung ulo nya sa leeg ko at ramdam na ramdam ko yung init ng hininga nya kaya naman i tried my best to calm myself or else i'd go nuts

SehnsuchtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon