Nagsimula na kaming maglakad ulit pagkatapos naming tumigil ng ilang beses sa tabi tabi para sumuka buti nalang halos wala ng tao kaya walang sumisita sa akin na kung saan saan nalang sumusuka
Nauuna na sya sakin maglakad kaya mejo binilisan ko narin para maabutan sya ng mag stop sya sa isang store at mukhang may binibili ata "Oh" hagis nya sakin ng isang boteng tubig pagkatapos nya itong bayaran
Sinabayan nya na kong maglakad this time habang umiinom ako ng tubig grabe it's so refreshing sobrang hapdi pa ng tyan ko "Tumakas ka?" mas malamig pa boses nya sa tubig na iniinom ko "Oo grabe sobra akong kinabahan pero here i am kinaya ko" tatawa tawa kong sabi habang tinataas taas pa ang kilay playing around
Nung nilingon ko sya kasi di sya sumagot pinagsisihan ko agad sana di ko nalang ginawa damn. Naka side view sya and kitang kita ko every detail of his face idagdag pa ang unti unting pagsikat ng araw na dumagdag effect sa bawat detalye ng mukha nya..his perfect eyebrows tas yung pilikmata nyang nakaka insecure sa haba..his eyes gosh and his nose down to his lips and adams apple tangina ayoko po magkasala
"Alam mo yung alam mo naman yung mga ginagawa mo that you're matured enough to do things and gosh i fucking know my limitations..lahat ginagawa ko para sa family namin I'm the ideal daughter sabi nga ng iba." ramdam na ramdam ko na yung titig nya this time kaya naman umiwas na ko ng tingin
"Pero bakit ganun? Parang mas kilala pa ko ng iba kesa sa sarili kong parents..ginagawa ko naman lahat ah. Nag aaral akong mabuti di ako bayarang babae hindi din naman ako pakalat kalat..well oo umiinom at naninigarilyo ako pero enough reason ba yun para maging ganto sila ka strict sakin?" he's just listening to me attentively na parang sinasabi nya na naiintindihan nya ko and that's enough
"Maiintindihan ko pa kung may ginagawa talaga akong kabaha bahala pero wala naman e. At alam mo yung masakit.." nilingon ko na sya this time and i saw something in his eyes na sinasabi sakin na hindi ako nag iisa
My tears are streaming down my face "ang masakit pa nyan pakiramdam ko wala silang tiwala sakin..every damn time sinasabihan nila ako na sinisira ko na daw buhay ko..na wala na daw akong pake na napaka insensitive ko na di ko man lang sila intindihin.." he's biting his lower lip when i looked at him
Pinupunasan ko naman mga luha kong tuloy tuloy ng bumubuhos "Buntisin mo kaya ako.. Kasi kahit gawin ko man yun o hindi ganung klaseng tao naman na tingin nila sakin e so bakit di ko pa gawin yung mga binibintang nila sakin diba?" I told him laughing habang nag uunahan mga luha ko sa pagtulo
"Buntisin mo na ko try lang natin kung ano sasabihin nila" i swear gusto ko naring sampalin sarili ko sa mga pinagsasasabi ko pero kailangan ko to ngayon kailangan kong maglabas ng sama ng loob
He stopped me and right there and then he hugged me yung yakap na sobrang higpit pero hindi nakakasakal..yung yakap na you'll feel safe na parang sinasabi nyang hindi man nya masosolusyonan lahat ng problema ko hindi naman nya hahayaan na mag isa ko itong haharapin
He's caressing my back kaya naman napahagulgol ako lalo. Iyak lang ako ng iyak habang iniisip lahat lahat at hinihiling na sa paglabas ng mga luhang to sa mga mata ko mapawi narin lahat ng bigat na nararamdaman ko
When he kissed me on my forehead i swear i lost it. I finally gave in and imbes na tumutol i closed my eyes and i seized the moment..
He planted small kisses first on my cheeks then on my nose and back to my forehead again then on my ears while putting his hand on my back and slowly caressing it then he grabbed me and slowly he bent down and kissed me fully on the lips
All i could hear was my heartbeat..at kung di ako nagkamali sumasabay din yung pintig ng puso nya.. I've been kissed before many times in fact pero parang love kahit ilang beses mo pa ma experience parang bago parin iba parin yung effect na binibigay nya sa buong sistema mo
Okay na ko kanina e naka recover na ko from being drunk pero this time hindi na ako sa alak lasing dahil tangina nalalasing narin ako sa mga halik nya. After the breathtaking kiss he rested his forehead on mine while his eyes are closed i can feel his breathing
Ang bilis ng pintig ng puso ko para silang excited na di mapakali wanting more. He gave me a soft kiss once more "Girlfriend na kita." three words tangina tatlong salita pero maiihi na ata ako sa kilig
Sinapak ko sya sa balikat "Gago di mo pa nga ako nililigawan tas tayo na agad chill" at oo alam kong panira talaga ako ng moment pero ikaw ba naman kasi sabihan ng ganun diba as in hindi sya nagtanong more like inutos pa nya or dineclare e hindi naman porke gwapo at hot at ang sarap humalik go na agad no
"Wala ng ganun. Basta tayo na." aba aba ganun nalang talaga yun haha? di man lang ba ako liligawan muna talaga? "Pano yung mga babae mo?"
"Babae ko parin sila. Ikaw girlfriend kita." ang galing grabe deserve nya magkaroon ng Oscar diba? grabe
"Seryoso ka nyan? Ahh so ganto yun tayo na kahit di mo pa ko niligawan at kahit girlfriend mo na ako mambababae ka parin? Tama ba?" nagmamaang maangan kong tanong "Oo." mabilis nyang sagot sabay sindi ng sigarilyo
Di ko kinakaya to grabe kaya naman minabuti kong umupo nalang muna sa may harap ng saradang store "So tayo na?" di makapaniwa kong tanong habang nakatitig sa kawalan
"Oo. Girlfriend na kita at Boyfriend mo na ako so tayo na." nagbubuga pa sya ng usok habang sinasabi nya yun kaya naman inagaw ko na sakanya ito at ako na ang nagtuloy sa sigarilyo nya
Niyaya na nya kong ihatid after kong maubos yung isang stick pinatigil ko naman sya mga ilang shops pa bago sa bahay at minabuting ako nalang mag isa ang umuwi dahil mahirap na. He kissed me again bago ako tuluyang naglakad palayo
Di ko na alam pano ko nakayang pumasok sa bahay ng di sila nagigising dahil hanggang ngayon ina absorb parin ng utak ko yung nangyari.
Damn girlfriend na nya ako
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".