Everything went fast. Yung pagbyahe namin..yung oras..yung mga taong nagtatakbuhan sa airport para sumakay at para makalabas...
Di ko na namalayang nakarating na pala kami kung di ko pa nabasa yung Aeroporto di Milano na nagsasabing nasa Italya na nga kami. It's April kaya di masyadong malamig at di din naman masyadong mainit,sinusundan lang namin si kuya habang hila hila yung mga maleta namin
Nang makalabas na kami agad kong nilibot yung paningin ko sa paligid..andaming tao ibat ibang lahi at wala akong maintindihan sa sinasabi nila. May mga sinalubong ng kanilang pamilya at meron din namang diretso ng lumabas mag isa habang hila hila ang mga maleta at gaya namin halatang wala silang naiintindihan sa nangyayari
"Andun sila mama!" sigaw ni Drix habang tinuturo yung gawing kanan namin patakbo naman kaming tumungo sakanila at patakbo din nila kaming sinalubong
Ito na siguro yung pinaka the best na nangyari ngayong araw na to..yung makita yung parents mo at mayakap sila finally yung tipong pagkatapos ng ilang oras na byahe ito yung prize namin
We hugged each other saka kami lumabas na dahil gutom na gutom na kami,nakaakbay pa sakin si papa habang naglalakad kami at nangangamustahan
"Bukas nalang namin kaya ipapasyal uwi muna tayo ngayon para makapagpahinga kayo" sabi ni mama, tumatango tango naman kami "sige ma inaantok din kami tas ang baho na namin" singit pa ni kuya Drei
Nung natapos na kaming kumain dumiretso na kaming sakayan walang trike at jeep dito ang meron lang ay taxi,bus,metropolitan at tram at ang maganda pa may mga eksaktong oras kung kailan sila darating hindi kagaya sa Pinas na di mo alam kung anong oras darating o kung may darating pa ba..
Nagtram kami kasi pag taxi di kasya maleta namin at sobrang mahal pag tatlo kukunin namin. Pasulyap sulyap ako sa paligid habang nagbyabyahe kami sobrang ganda. Ang sarap pagmasdan ng mga taong tumatakbo,naglalakad kasama mga pamilya,kaibigan,kasintahan o mag isa pero nag eenjoy parin sa pag sho-shopping,para syang mini New York
Nang makarating na kami sa apartment nila mama nag unahan na kami sa banyo sabay natulog kahit na unang araw palang namin sa bahay na to sobrang himbing parin ng tulog namin dahil na rin siguro sa jet lag at pagod sa sobrang tagal na byahe
Umaga na ng magising kami dahil sa ingay sa labas ng mga sasakyan at mga taong sumisigaw at ang lalakas ng tawa sumulyap muna ako sa bintana ng terrace saka ginising na sila kuya at nagdiretsong kusina
"Goodmorning ma" bati ko naman kay mama sabay halik at binati rin si papa na nagbabasa ng dyaryo sumunod naman yung mga kapatid ko "Upo na kayo kain na" ika naman ni mama habang nilalagay yung mga pagkain sa lamesa tinulungan ko naman sya at saka na kami kumain
Lumabas kami pagkatapos naming kumain at maligo. Naglalakad lang kami para mas malibot daw namin at mas maganda nga namang maglakad kahit na matagal o nakakapagod mas enjoy naman
We're taking pictures naman sa mga nadadaanan naming spot na feel naming picturan sobrang saya lang kasi bago lahat..yung lugar..paligid..mga tao..ang saya na mejo nakaka ewan sa pakiramdam dahil parang back to 0 nanaman..di mo alam kung san magsisimula
Nang makarating na kami sa city talaga doon na kami nag stay at nagpicture-picture. Kagaya namin andami ding halata na kararating lang sa lugar na to o para magtour lang o gaya namin tumira na dito
Madami din kaming nakasalubong na mga Pinoy yung iba kilala nila sila mama kaya nilalapitan kami at kinakamusta yung iba naman nadadaanan lang namin at di man lang mag-greet o kahit ngiti man lang sana. May mga grupo pa ng kabataan sa paligid nakatambay sila at nagtatawanan ang iingay nila at ang saya nilang tignan nahuli pa ko nung isang lalaki na tintignan ko sila sabay sabay tuloy silang tumingin sa amin kaya umiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy na sa pagkukuha ng pictures
Doon narin kami naglunch at nagdinner binilhan naman kami nila mama ng tig isang sim para may magamit na kami at para matawagan daw namin sila kung mawala man kami,napagdesisyunan kasi nila kaming iwan na tatlo dito para gumala daw at sila naman uuwi na dahil may trabaho pa sila bukas at para narin daw matuto kami agad
Sinalpak na namin yung sim at saka na kami nagpatuloy na maglibot. Mas maganda dito pag gabi parang di natutulog mga tao dahil mejo marami paring namamasyal gaya namin yung mag ilaw galing sa iba't ibang shops at sa mga poste ang mga nagbigay liwanag sa buong syudad napaka gandang pagmasdan
Nang nay nakita kaming Mcdo doon na kami dumiretso alas onse na ng gabi pero ang dami parang tao at ang ingay ingay lalo na sa loob. Nag order lang kami ng fries at coke dahil kakakain lang naman namin kanina,umupo kami sa mga upuan sa gilid kung saan konti lang tao "Gusto nyo na dito?" tanong naman ni kuya habang nagsusubo ng fries "Oo..yung lugar i love it" sagot ko naman sabay tingin sa bunso naming kapatid "Oo maganda naman dito wala nga lang akong maintindihan sa pinagsasasabi nila" sagot nya saka naman ako humagalpak sa tawa bigla tuloy tumahimik yung paligid sabay tingin sa gawi namin tangina lang pati yung isang grupo ng mga kabataan na Pinoy napatingin kaya umayos nalang ako ng upo at tinuloy na ang pagkain nagpipigil naman ng tawa tong dalawa
Nung makalabas na kami doon na kami nagtawanan at pinagsasapak ko sila sa braso kasi ako lang naman yung napahiya inakbayan nalang ako ni kuya at nagpatuloy na kami sa paglalakad at saka napatigil sa isang certain Tabaccheria para bumili ng sigarilyo di naman namin alam kung pano sila kakausapin kaya nag ingles nalang kami "Can i have a pack of cigarettes please?" sabi ni kuya habang tinuturo yung mga pack "Un pacco di sigarette?" sabi naman nung nagtitinda "Uh si" sagot ko naman saka nya kami bingyan at nagbayad naman si kuya
Naninigarilyo naman si kuya saka pinatago sakin yung pack habang pilit naming inaalala yung daan pauwi "Ito yung shop kanina oh" turo ko naman sa isang shop na nadaanan namin kanina tinuloy tuloy lang namin yung daan na yun saka lumiko sa may iskinita "Oo dito yun naaalala ko kanina may Drug store sa tabi kaya eto yun" giit naman ni Drix kaya doon na kami pumunta bahala na sabi naman nila papa di ka daw mawawala dito ng basta basta
"Ano kasing number nung apartment?" tanong naman ni kuya habang nakakunot ang noo "Color White yun tas green yung wood ng bintana" sagot ko naman saka pumunta doon sa white na apartment hinanap namin yung buzzer na may apelyido namin "Ito oh Salazar" turo naman ni Drix saka kami doon nag buzzer pinagbuksan naman kami ni papa saka na kami pumasok at nagpahinga
Sobrang haba ng araw na to
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".