Sunday morning cool air wakes me up ang ganda ng panahon mejo umaambon kaya naman ang presko ganto talaga favorite weather ko yung tipong hihiga ka lang maghapon magbabasa habang painom inom ng coffee at may background music pa..pero this time hindi ganun ang gagawin ko
Pinasadahan ko ng tingin mga katabi kong tulog na tulog pa saka dahan dahang bumangon at lumabas sa tent saka dumiretso sa kusina para tumulong sa pagprepare ng breakfast namin...sa kagustuhang libangin ang sarili sa mga iniisip
Mabilis lang namin naprepare lahat at sakto namang sunod sunod na silang dumating. Kuya kissed me on my cheek and tap my head like a pet so i give him a punch on his shoulder "24/7 mo na syang pagtitiisan" biro pa ni kuya Jm sabay tawa binatukan ko nalang saka kumain na
"Any plans for today?" tanong naman bigla ni ate Lexy "Hmm i'm going somewhere and we'll have dinner kila mamang" i answered referring to my grandmother sa mother side napatango tango naman sya "tas san kayo matutulog ate?" singit na tanong naman ni Gail "Ewan pa we'll see later nalang" sagot ko naman
Agad na ko nagbihis after that nag ripped faded jeans lang ako and a maroon shirt then nagdala narin ako ng sweater just in case saka nag flats. Iniwan ko muna yung mga pinsan ko na nagplaplay station sa sala nila ate Lexy,sumabay naman na sakin sina Coreen at Trish
Tahimik lang kaming sumakay ng trike at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Nang makarating kami nagkanya kanya na kami ng sakay pagkatapos magpaalam sa isat isa pinangako pa nilang sasama sila bukas sa paghatid samin pagkatapos tinignan pa nila akong dalawa ng isang makahulugang tingin at sinabihang kaya ko daw to
Ala una palang ng hapon kaya nagdiretso muna akong Sm..naglibot libot lang ako mag isa pilit na kinakalma ang sarili sa mga pwedeng mangyari mamaya i just shrugged that thought off at piniling kumain muna sa Starbucks busog pa kasi ako sa kinain namin kanina kasi sa tutuusin brunch na namin yun
Tinignan ko phone ko habang naghihintay sa inorder ko tagal ko nadin palang di nagfb o kahit na anong social network halos di ko na nga naaalalang may cellphone pala ako.. Nag scroll scroll lang ako at ni open yung mga notifs,friend requests and msgs then dumating na yung order ko in-open ko naman yung twitter account ko and there andaming notifs galing sa mga kaibigan,kaklase and school mate na nag goodluck sakin.. I went to his profile and may mga 1d ago syang tweet which means na kahapon lang yun "fuck life" yung pinakalatest then
"I love you and it hurts a damn lot.." doon na ako napaluha na agad agad ko naman pinahidTinignan ko ang oras and it says that it's already 2:30 in the afternoon kaya naman iniwan ko na dun yung halos di ko man lang nakalahating inorder saka umalis na
My heart is throbbing so fast habang papunta ako sa tambayan naming dalawa pagkatapos ng klase pumupunta kaming likod ng school kasi may mga benches doon at madaming puno ang chill ng place dati pa nga nagdadala kami ng maraming pagkain then kinakain namin doon habang gumagawa ng assignments at nagkwekwentuhan..that place is where he first kissed me...yung lugar na yun ang nakarinig ng lahat ng mga kagaguhang pinag uusapan namin at pag nag gigitara sya noon ako pinapakanta nya tuwang tuwa pa nga sya kasi kahit daw sintonado boses ko ang cute cute parin
It sucks remembering all of these wonderful things knowing that they are only good memories now
Kung saan kami pumwepwesto natatanaw kong andoon sya nakaupo at nakatalikod sa akin..ng makarating ako wala akong sinabi..ni ho o ha wala tahimik lang akong umupo sa tabi nya pinapakiramdaman sya
"So..Goodbye...Take care of yourself kay? I know you can do this.." sabi nya habang pasulyap sulyap sa akin tuloy tuloy namang tumulo luha ko wala akong masabi "i'm so happy na nakilala kita and..thankyou Yssa for the good memories.." tuloy na sabi pa nya naninikip na yung dibdib ko di ko kinakaya yung mga sinasabi nya bakit ganto sinasabi nya? Bakit sya nagpapaalam? Bakit di nya sabihing kakayanin nya na Ldr kami? iyak lang ako ng iyak then he hugged me "No no don't hug me" giit ko habang pinipilit na kumawala sa yakap nya "Gabe please no" halos wala na kong makita sa luhang tumatabon sa mga mata ko "Sssh Yssa" ika pa nya "NO! Explain yourself bakit!? Bakit ka nag g-goodbye?" nagmamakaawa kong sabi sakanya "I can't do this Yssa..yung araw araw gusto kitang makita pero wala akong magagawa kasi nasa malayo ka..gusto kitang makasama lagi pero di pwede..i wanna hug you every damn time pero wala..kung gusto kitang makita i can simply climb sa balcony mo and right there and then makikita na kita pero this time hindi na..can u understand me? Di ko kaya.." tuloy tuloy nyang giit sa isang tonong may hinanakit at galit at lungkot habang tumutulo narin ang luha
"Pwede naman eh! May internet! May skype may fb lahat meron wag lang ganito.." pangungumbinsi ko sakanya sobrang sakit na pero umaasa parin ako na di nya to susuko ng basta basta.."Sa tingin mo ba kaya ko? Na sa tuwing namimiss kita titignan lang kita sa screen? Sa tingin mo kaya ko yun? Tangina hindi..hindi ko kaya.." doon na ko napahagulgol at napatakip ng mukha sa sobrang pag iyak i feel so weak nangangatog na mga binti ko "So..ganun nalang yun? Yung lahat ng meron satin ganun nalang? Matatapos nalang ng ganto? Ganun ba yun? Hah?" di ko na alam kung san ko nakuha yung lakas para sabihin pa sakanya yun "I'm sorry..." two words tangina dalawang words para tapusin lahat lahat "Okay then sana maging masaya ka.Goodbye Gabriel it was nice meeting you." i faked a smile then walked out
Just like that natapos na yung Gabe-Yssa story--storyang di naman talaga nagsimula at natapos nalang bigla
Pagkarating ko sa bahay para na kong basang sisiw buti nalang nagdala pa ko ng sweater pero kahit yun wala din naitulong kasi nabasa parin ako sa ulan.. kung pwede lang hihiga nalang ako matutulog..pagod na pagod na ko gusto ko nalang magpahinga pero di pwede kasi may dinner pa kami kila mamang kaya pilit kong inayos ang sarili ko
The dinner went well. Nag kwentuhan lang kami sa mga childhood memories and sa mga pangarap namin sa buhay. Umuwi kami sa bahay para doon na matulog dahil andoon rin mga gamit namin para bukas kaya nitext ko nalang mga pinsan at friends ko na doon na nga kami matutulog at kita kita nalang bukas
Kahit pagod na pagod na ko pinili ko munang magtwitter bago matulog nag scroll lang ako and nagreply sa mga tweets nila sakin
Sa milyon milyong tweets the one he tweeted just an hour ago ang pumukaw sa atensyon ko "i'll miss you..everything about u..the way u laugh and every damn thing u do.."
When we arrived at the airport halos di na nila ko bitawan patawa tawa nalang ako para di maiyak pero sa huli nagsiiyakan parin kami nung pacheck in na kami..sobrang sakit lang..ang sakit na makita silang palayo na ng palayo at makita na unti unti ng lumiliit yung mga ilaw at mga bagay na nakikita namin sa bintana..
The thing about leaving is that you don't know when will you go back again or will you go back again?
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".