Anong oras na ng magising ako sa sinag ng araw na diretsong nakatapat sa muka ko. Sobrang tahimik na ng bahay at kasabay ng pagbukas ko ng bintana ang pagsalubong sakin ng ingay na nang-gagaling sa labas.
Ramdam na ramdam ko yung sakit ng ulo ko na dinulot ng sobrang daming ininom kagabi at sa sobrang pagtulog narin. Parang sasabog na sa sakit kaya naman umupo muna ako ulit sa kama para mahimasmasan kahit konti. Then reality hits me
Panaginip ba yun? Yung nangyari kagabi? Lasing lang ba talaga ako? What was i thinking? Dali dali kong tinignan phone ko to check sana kung may mahahanap ba kong evidence na makakapagpatunay na hindi panaginip yun. Pero kasing lungkot ng buhay ko yung phone ko ni isa walang message.
Mas lumala lang yung sakit ng ulo ko kaya minabuti ko ng maligo ng mahimasmasan ako kung ano ano pinag iisip ko! Hindi naman siguro ako ganun katanga para pumayag kung sakali man na totoo yun diba..
Saktong paglabas ko ng banyo nagring yung phone ko. It was Pau tinatanong nila kung asan na daw ba ako anong oras na and fuck 6pm na ilang oras pala talaga ako natulog! Kaya naman dali dali na kong nagbihis at lumabas ng bahay. Kung dati nagdadalawang isip pa kong iwan ng basta basta tong bahay kasi sobrang bilin nila papa na may isa dapat na naiiwan dito. Ngayon wala na kong pakealam basta alam ko namang nasa lugar tong mga ginagawa ko
Nakaupo sila sa dating tambayan sa likod ng mga shops. Sa hagdanang semento na puno ng graffiti ang dingding sa gilid. "Finally nakarating kadin ineng!" bati ni Pau sabay beso saka ko naman sila isa isang nilapitan narin inaasar nila kami dahil sa sobrang pagkalasing kagabi.
Nang sinalubong ako ng malalalim at itim na itim nyang mga mata napalunok ako. I can feel my heart beating so fast. Alam ko at sigurado ako na hindi panaginip ang lahat ng yunTinap nya yung lap nya habang nag aasaran parin ang barkada walang kaalam alam na halos mahugutan na ko ng hininga. Imbes na sa lap nya ko umupo doon ako pumwesto sa space sa tabi nya kaya pinanlisikan nya ko ng tingin. Walang nagsalita ni isa samin at hindi ko na din ginawa yung plano ko kaninang besohin sya. Tahimik naman syang naninigarilyo at nakikitawa rin sa mga kalokohan nila Rex
The silence between us is killing me. Gustong gusto ko syang kausapin pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Nakihanga naman ako ng maluwag ng magyaya na sila na lumibot muna. Dali dali akong tumayo para makasabay ako kila Pau pero hinila nya agad ako at hinawakan sa pala pulsuhan. Tinignan ko sya ng masama "Where do you think you're going baby?" may lakas pa syang ngumiti ng nakakaloko habang unti unting pinagsisiklop ang aming mga daliri "Baby your face!" sigaw ko sabay takbo papunta kila Pau.Ang bilis bilis ng pintig ng puso ko hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagtakbo ko o dahil sa tinawag nya kong baby.
"Babygirl" sigaw nya ulit at kahit na nakatalikod na ko sakanya sigurado ako na nag eenjoy sya sa ginagawa nya "Babe" sigaw nya ulit kaya naman lumingon na ang barakada na ngayon lang nakahalata na nababaliw na ko dito hindi ko alam kung naiinis ba ko o kinikilig "Sweetheart" sigaw nya ulit kaya naman sabay sabay silang tumawa nagmura pa sya dahil ang baduy daw nung Sweetheart natatawa tawa naman akong lumingon saka lumapit sakanya at pinaghahampas sya
Tatawa tawa naman sya habang sinasalo ng mga braso nya ang mga hampas ko na parang ako pa ata nasasaktan dahil ang tigas tigas ng braso nya. Hinuli naman nya ang aking mga kamay saka ako niyakap konting konti nalang talaga mahihimatay na ko "Itong girlfriend ko naman napaka brutal" sobra pa nyang nilakasan yung girlfriend naestatwa lang naman ako kaya pinagsiklop na nya mga kamay namin saka ako hinila para maglakad ulit kaya di na ko tumutol pa
"Woah woah wait!! Wait wait guys wait! Girlfriend? Kayo? Girlfriend mo sya? Kelan pa to okay kelan pa?" sunod sunod na tanong ni Pau tumatawa naman yung mga boys akala siguro nila joke lang to pero ano nga ba to? Hindi naman talaga to seryoso e
"Kami na" okay sobra na para sakin ang mga nangyayari today di ko na kinakaya "Seryoso ka pre?" tatawa tawang tanong ni Rex i can feel their eyes na nagpapalit palit sa amin ni Jacob. At kanina ko pa hinihiling na sana kainin na ko ng lupa "Oo" simpleng oo lang nya yun pero nagbigay ng sobrang epekto ito sa buong sistema ko. So hindi nga panaginip lahat. So kami na nga talaga. So i let all my guards down on him. Sa di malamang dahilan tumahimik nalang silang lahat at kahit ramdam ng bawat isa maliban sa mokong na may hawak ng kamay ko ang awkwardness pinilit nilang ibahin ang usapan kahit na ramdam ko rin na nangangati na silang malaman ang buong detalye kung paano nangyari to. Pero di lang nila alam wala din akong idea kung paano nga ba
Napagdesisyunan naming magluto ng dinner kila Sabrina kaya naman namalengke na kami ng lulutuin. Wala namang ginawa si Jacob kundi hawakan ang kamay ko mayamaya bibitawan nya dahil may kukunin pero ibabalik nya rin. Kahit na tumututol yung utak ko alam ko na buong sistema ko gustong gusto ang nararamdaman ko ngayon.
"Susunod nalang kami ni Jacob. Mabilis lang kami" sabi naman ni Jasper sabay halik sa girlfriend nya. May aasikasuhin daw silang isang bagay at di naman na ko nagtanong dahil mejo di ko pa na-aabsorb ng buong buo yung fact na girlfriend nya ko at may karapatan akong magtanong.
Binitawan naman nya ang kamay ko na agad kong napansin ang kakulangan ng presensya ng maiinit nyang kamay sakin sabay bigay ng isang peck sa aking mga labi. Pansin na pansin ko ang maiinit na titig nila samin especially sakin pero binalewala ko nalang yun hanggang sa umalis na sila ng tuluyan at tuluyan naman kaming naglakad patungo kila Sabrina. Walking distance lang kasi ito sa kung asan kami. Tahimik lang kaming lahat habang buhat buhat ni Rex yung mga pinamili namin
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".