"Aalis ka nanaman? Lakwatsa nalang alam nyong gawin di na talaga kayo natuto! Wala kayong pinapakinggan"
Ganyan naging eksena namin ni papa sa tuwing nagpapaalam akong lumabas kesyo daw lakwatsa dito lakwatsa doon tapos kung sino sino kasama at kung saan saan pumupunta
Naisip ko lang..kelan ba ko last lumabas ng bahay? Ilang weeks na kong nakakulong dito samantalang mga kapatid ko ayun may kanya kanyang social life at nagsasaya samantalang ako heto hindi ko na nga ata alam itsura sa labas e
Pakiramdam ko nga bumabalik nanaman ako sa buhay ko dati. Nasasanay nanaman akong mag isa yung kulong sa mundong ako lang ang nakakaalam
Nagaalala na din yung barkada sakin. Sobra na silang nawe-werduhan sa nangyayari sakin. Ewan ko ba hindi ko na nga din maintindihan e kasi kung gusto ko talaga pwede naman din akong lumabas e kagaya ng mga kapatid ko na wala ng pake sa paalam paalam na yan basta lalabas nalang sila yun na yun
Nakakagago ng sitwasyon ko sa totoo lang. Ang lungkot lungkot sobra pero bakit ganun reklamo ako ng reklamo na ang lungkot lungkot na nakakaputangina ng sitwasyon ko pero may ginawa ba ako para makalabas sa nakakaputanginang sitwasyon ko na to? Wala.
"Hindi kaba talaga pupunta ngayong gabi?" yun nga problema ko e kasi kahit anong luhod ko naman kahit magmakaawa pa ko I'm sure di rin ako papayagan lumabas,well what's new?
Nireplyan ko nalang si Jacob na di talaga ako pwede lumabas sabay patay ng phone ko at salpak ng earphones makikinig nalang ako ng music kesa isipin pa ang mga bagay na di ko na mababago mas-stress lang ako lalo
Nagising ako madilim na at mga ilaw nalang sa street ang nagsisilbing liwanag. Nakatulugan ko na pala ang pakikinig ng music sa phone ko kaya naman chinarge ko muna ito sabay balik higa ulit
It's now or never. Kaya ko bang magtake ng risk para sa isang bagay na makakapagpasaya sa akin? Kaya ko ba talaga to? I found myself changing from pajama to a fitted jeans and a top then i grabbed a pouch habang hawak hawak sa kaliwang kamay ang isang pares ng stilettos
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko trying not to make any noise saka ko ito sinarado at dahan dahan ding nagtungo sa main door ng apartment namin
Yung lampshade nalang ang nagsisilbing ilaw sabayan pa ng nakakabinging katahimikan pinagpapawisan na ko ng malamig daig ko pa akyat bahay gang neto e
Ng marinig ko na yung click ng pintuan halos mawalan ako ng hininga habang dahan dahang lumabas ng tuluyan sabay takbo na palabas grabe sobrang nakakakaba jusko
Ng maramdaman ko na ang simoy ng hangin doon palang ako nakahinga ng maluwag kaya naman agad agad ko ng sinuot ang aking stilettos saka pumara ng taxi para less hassle ala una narin kasi
Malayo palang rinig na rinig ko na yung nakakabinging music dagdag pa ng sigawan ng mga tao na halatang sobrang nagsasaya na kaya naman ng makarating na kami nagbayad na ko kay kuyang driver saka na ako sinalubong ng pinaghalong amoy sigarilyo at iba't ibang klase ng alak
Sobrang daming tao paano ko ngayon sila makikita! At kung minalas malas nga naman naiwan ko pa phone ko sa bahay,way to go Yssabelle! Panindigan mo tong pinasok mo!
Nagsimula na kong makipagsiksikan sa dagat ng mga taong sumasabay sa tugtog at mga taong naglalampungan lang naman nagpagitna pa talaga. Tinatanggap ko narin yung mga alak na ino-offer ng mga waiter doon na nakikipagsiksikan din
Wala akong idea kung pano ko sila mahahanap kaya tumungo muna ako sa harap para bumili ng sariling drinks habang nililibot ang paningin sa mga taong andoon. Asan na ba kasi mga yun ano ba yan
"Uyy ciao!" halos mabilaukan ako ng may tumapik sa likod ko sabay bulong pero nabuhayan ako ng makitang si Tyrrell pala to yung isa ding pinoy na nakikita ko sa tabi tabi
"Ciao grabe buti nakita mo ko!?" pasigaw kong sabi dahil ayoko namang lumapit at bumulong din sakanya kaya sinigaw ko nalang "Mag isa ka e kaya kapansin pansin" matawa tawa nyang sagot "bat ka nga ba mag isa?" sunod na giit pa nya
"Ayun nga e naiwan ko phone ko tapos di ko sila mahanap" sigaw ko ulit pero mukhang di nya marinig kaya inulit ko pero di parin nya marinig kaya lumapit na ko sakanya para bumulong. Nagets naman nya agad kaya niyaya nya na akong tumayo at ihahatid daw nya ko patungo sa barkada
Sobra akong nagpasalamat ng matanaw ko na sila bineso nya naman ako saka na umalis at tuluyan ng nalunod sa dagat ng mga tao
Haharap palang sana ako ng bigla na nila akong niyakap as in yung yakap na sabik na sabik yung parang ilang taon kaming di nagkita tapos si Pau nagpabuhat pa tatawa tawa ko naman syang binaba sa mesa sabay kiss at bati nanaman nila sakin,grabe namiss ko mga taong to!
Isa isa ko silang bineso at hinug at malamang yung lalaking bipolar na masungit na parang laging emo nasa pinakadulo ng upuan kaya talagang kinailangan ko pang pumunta doon para lang mabeso din sya
Walang emosyon naman syang tumango lang kaya naman minabuti ko nalang uminom kasama nila at nakisaya narin
Ramdam na ramdam ko na yung alak na ininom ko parang mejo umiikot na paligid ko pero di parin ako nag stop sumabay na kami sa sayawan ng mga tao at nagtatalon narin sa saya grabe i feel so damn free parang naalis lahat ng stress at sakit sa isip at puso ko na naramdaman ko these past few weeks sa sayang nararamdaman ko ngayon
Sumisigaw sigaw narin kami at habang tumatagal the crowd became wilder and wilder. Halos mapaupo na kami sa pagod at kakatawa ng tuluyan na kaming makalabas may tig iisa na kaming tiga hawak kasi mas malakas pa tama namin kesa sa mga mokong
Wala na kong matandaan basta narinig ko nalang si Jacob na nagpaalam na sakanila habang hawak hawak ako sa may pala-pulsuhan "wait wait wait san tayo pupunta?" tatawa tawa ko pang tanong pero ilang minuto na nakalipas di parin sya sumasagot "uyy san mo ko dadalhin hah?" ayaw parin talaga sumagot ng gagong to ah "magse-sex ba tayo?"
"Putangina umayos ka nga! Iuuwi kita sainyo naghihintay lang tayo ng tram!" sagot nya gamit ang halatang naiirita ng boses sabay mura sya ng mura kaya naman hinila ko na sya paalis sa hintayan ng tram "Maglakad nalang tayo" anyaya ko sakanya at tahimik naman syang sumunod
BINABASA MO ANG
Sehnsucht
Romanceis a German noun translated as "longing", "yearning", or "craving",or in a wider sense a type of "intensely missing".