Unexpected #10. Preparations

32 3 1
                                    

[Now playing: Don't Go by EXO-K]

Janine Manansala

Kagaya ng napag-usapan nung nagkaroon kami ng Emergency meeting regarding Kpop Con Dance Competition, naging busy na kaming lahat. Lalo na ako.

It's been three days... Sobrang busy dahil after ko sa trabaho eh pahinga ng konti sa bahay then rehearsal naman sa studio.

Si Sehun? Ayon, lagi nga siyang absent. Pero buti na lang hindi siya nagpopostpone ng class. Mas gusto ko pa yon, mas may chance pa ako na makakausap ko siya ulit.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Lhee sa akin...

**Flashback**

"Bakit hindi mo kunin yung number ni Sehun tapos kontakin mo siya personally."

O_O

Seryoso ba tong si Lhee sa sinasabi niya?? Bawal yun eh!

"Gusto mo ba akong matanggal sa trabaho?" -_-

No way! Kailangan ko ng trabaho.

"Ano ka ba. Chance mo na yan oh. Alam mo na ang mobile number ni Sehun eh bakit hindi mo pa sunggaban yung chance?"

Tss. Baliw ka na Lhee.

"Asa ka naman na yun yung totoo niyang number? Celebrity siya kaya siguradong ginagamit niya lang ang number na yon para sa class namin." Sagot ko sa kanya.

Masakit man, pero iyon ang mas makatotohanan.

"Ang nega mo gurl. Wala namang mawawala kung susubukan mo di ba?" nagtaas-baba pa siya ng kilay habang nakangiti ng nakakaloko.

"Tigilan mo ako Lhee ah! Malalaman ng company kapag kinontak ko siya outside work!" Nilakasan ko na ang boses ko dahil p*tek lang malapit na akong makumbinsi ng makulit na babaeng toh. -_-

"Hahaha. Fine. Bahala ka gurl."

**End of Flashback**

"Ay lintek!" Basta ko na lang ipinasok sa bag ko ang cellphone ko na kanina ko pa tinititigan.

Kung ang iniisip niyo ay kung nasa akin na ang number ni Sehun... Lengya! Oo na! Nasa akin na!

Pero si Lhee ang nagsave noon sa phone ko! Argh! Pero no. Hindi ko gagawin ang sinasabi niya. HINDI! H-I-N-D-I!!!!!

"Hey gurl, okay ka lang?" Sabi ni Yvonne.

"Oo, may naalala lang ako." sabi ko sa kanya. "Tara na. Mas maganda kung mauna tayo doon."

Pumunta na kami sa studio kung saan kami madalas na magrehearse. Pagdating namin sa studio kumpleto na silang lahat.

"Wow. Excited lang?" Natatawang biro ni Yvonne.

"Wala na tayong gaanong oras para magrehearse." Sagot ni Sir Jayson. Itong si Sir napaghahalata ko na eh. Malamang maadik na rin to sa Kpop. Haha.

"Jan."

O_O

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Let's start!"

Aish! Feeling ko nagmukha akong ewan. Haha. Si Sir kasi.

"O-opo!"

---

*clap* *clap*

"Okay. Meeting muna tayo bago umuwi."

Nag indian sit kaming lahat sa sahig. Inabutan naman ako ng tubig ni Ervin na agad kong tinanggap. Grabe, nakakapagod.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon