Unexpected #40. Burden of the Heart

28 6 1
                                    

Myrl Celine Scott

Tiningnan ko lang ang schedule na hawak ko. Grabe. Eto na naman ako sa pag-aayos ng sched niya.

May sa superman kaya si Angel?

Sa loob kasi ng mga linggo na naging assisstant niya ako hindi ko talaga nakita sa kanya ang salitang pahinga. Lagi siyang may schedule.

Kapag may free time ang mga kagrupo niya, siya naman laging nasa China kaya pati ako damay. Syempre kailangan kung nasaan siya nandoon din ako. *sigh*

Ako ang nag-aalala para sa kanya eh. Paano kung magkasakit siya? Paano kung mainjured siya?

Oo, nag-aalala ako. Tsk!

Simula nung aksidenteng "kiss" naming dalawa ay gulung-gulo na ako! Lagi ko siyang iniiwasan dahil natatakot akong mabuksan ang topic about dun. I know its awkward, at ayokong... ayokong malaman na balewala lang sa kanya 'yun...

Aish! Ewan ko ba! Nagkakagusto na yata ako sa anghel na 'yu---

"Ay Angel!"

Hala!

O____O

Ang shunga mo talaga Celine!! Pinagalitan ko ang sarili ko nang makita ang nagawa ko.

Nakabasag lang naman ako ng gamit dito sa opisina ng manager ng EXO!! Yah! Paalis na dapat ako eh, nang kunin ko ang bag ko may nasagi ako sa table at eto nga nabasag!

Nako nako! Bakit ba aki ang clumsy ko?! What to do? What to---

Natigilan ako ng makita ko kung sino ang nasa picture.

EXO kasama ang manager nila.

Pero nang makita kong mismong sa mukha ni Lay ang basag na basag na part biglang akong naluha at kinabahan.

Kaya naman ipinatong ko na lang muna ang picture sa table, kinuha ang bag at dali-daling lumabas ng opisina.

Kailangan ko siyang makita...

Huwag naman sana...

Pero nanginig ako ng makitang parang may mali sa kanila.

Pumasok ako sa practice room nila at siya agad ang hinanap ng mata ko.

Wala siya... wala si Lay.

"What happened?"

Lahat halos ng mata nila lumipad sa direksyon ko.

Nakita ako ang takot sa mata ni Baekhyun, pag-aalala sa mukha ni Chanyeol. Si Xiumin na parang hindi mapakali. Si Chen na kanina pa pabalik-balik ng lakad.

"Nasaan ba kasi Sehun?" Nagsalita si Kai pero tila wala namang kausap. Ang alam ko lang sa sinabi niya eh ang pangalan ng maknae nila.

Hays.

Anong nangyayari???

Bigla na lang silang nagkagulo ng may pumasok na staff at sabay-sabay na silang nagsalita. Nag uusap ang lahat gamit ang Korean Language kaya naman wala akong maintindihan ni isa sa sinasabi nila.

Muntanga lang kami dito na walang alam sa nangyayari. Itong cover group na nandito sa practice room tahimik lang din pero kung aong reaksyon ko ganun din sila. Siguro dahil gusto nilang malaman ang nangyayari per ayun nga, wala silang maintindihan.

"Sehun??? Sehun-ah!" Sa lakas ng boses ni Suho hindi pwedeng hindi ka mapapatingin sa kanya.

Ang mga kagrupo naman niya parang hindi mapakali. At hinanap ko siya. Pero hindi nila siya kasama.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon