Unexpected #19: Untold Feelings

30 2 4
                                    

[Paris, France]

Sofia Millen

Inilibot ko ang paningin ko sa buong unit ko. I'm almost done packing my things. Excited na akong bumalik ng Korea. Kapag dumating ang araw ng pag i-stay ko dun talagang gagawin ko na ang lahat para iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa akin. ^_^

I don't care kung ano ang isipin ng iba sa akin. Basta ang alam ko, ipaglalaban ko lang ang kung ano ang alam kong tama--at iyon ay ang mahalin siya.

2 weeks. I only have two weeks tapos balik Korea na ako. I can't wait to see and be with Sehun again. ^_^

Nagawi ang mata ko sa may vanity table at nakita ko ang phone ko na nakapatong doon. Tawagan ko kaya siya?

Hindi ako nagdalawang isip na gawin ang nasa isip ko. Dahil sa kanya hindi ako kahit kailan nagdadalawang isip. Naghintay ako saglit ng ilang mga ring bago niya sinagot ang tawag ko.

"Yo Noona!" Masayang bati niya sa akin.

Bakit ba napakaganda ng boses mo mahal ko? Hihi. Kinikilig ako. ^_^ Kaya nga hindi ako nag video call eh para kahit kiligin ako sa kanya hindi niya alam. Nakakahiya.

"Busy ka?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Medyo. Pero ayos lang Noona. Nakabreak kami." Sagot niya.

Dahil dakila akong assumera pagdating sa kanya, I assume na he always finds time para makausap ako. Haha. Shet landi ko! Hihi.

"Ahh.. okay lang naman kung busy ka pa. I can just call you later." Siyempre pakipot ako, ano ba!

"Nah. Ngayon na Noona. Baka hindi ko na masagot mamaya eh." Pagpupumilit niya.

E sege ne nge! Haha. Baka babaan mo ako ng phone kapag lalo pa akong nagpakipot. Sayang ang opportunity. Haha.

"Fine. Kamusta ka na? I can't wait to be with you guys, again." Sabi ko sa kanya.

"Haha. Kami rin Noona, excited na kaming makasama ka ulit." Sambit niya na nagpangiti sa akin.

"Ayos lang ako Noona. Oo pagod pero okay lang sanay na eh." Tumawa siya ng mahina. How I wish nandoon ako sa tabi niya para alagaan siya. Panigurado madalas na naman silang hindi kumakain sa oras dahil sa sobrang kabusyhan.

"Tsaka kapag para sa mga EXO-L ayos na ayos ako." Saad niya.

Kahit na pagod, ramdam ko pa rin ang saya sa boses niya. Sobrang mahal niya ang ginagawa niya. At pati na rin ang mga fans nila. Hindi niya kailanman kinalimutan na kung hindi dahil sa mga fans ay wala sila sa kung saan sila ngayon. Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. ^_^

Trainee days pa lang niya kilala ko na siya. At kaya napamahal siya sa akin ay dahil sa dedication at tiyaga niya. Hindi rin siya boring kasama, lagi mong makikita ang sarili mo na nakatawa kapag siya ang kasama mo.

Sehun is the Maknae on their group pero para sa akin siya ang pinaka matured mag-isip sa kanilang 12 noon--well I think lalo siyang nagmatured ngayon.

"Neh Noona..."

"Hmm?"

"Pwede ba akong magtanong?" He asked.

"Ano 'yon?" Curiousity striked me dahil parang pakiramdam ko sumeryoso bigla ang boses niya.

"Ahm... hmmm..."

"C'mon Sese." I urges him to speak.

"P-posible bang magkagusto ka sa taong hindi mo pa kailanman nakikita?"

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon