Unexpected #16: Captivated

35 4 0
                                    

[Taiwan - EXO's Rented House]

Kim Jong In

"Aaahhh!" Hindi ko na hinintay yung iba at agad akong umupo sa couch ng living room. Inikot ko ang paningin sa paligid. This place is so cozy and comfortable. Feeling ko nasa dorm lang kami. Hehe.

Buti na lang hindi kami sa hotel. Hassle pa kasi yon eh. Buti kapag ganitong bahay sama-sama pa rin kami.

At sa wakas natuloy din ang paglipad namin dito sa Taiwan. Excited na akong magperform sa harap ng libo-libong mga fans namin ni dito. Hehe. *wink*

"Aaahh! Nakakapagod mag byahe." umupo sa tapat ko si Sehun.

Bumalik na to sa dati eh, matapos niyang makausap ulit yung Teacher niya... Pero parang ngayon bumabalik na naman siya sa pagiging malungkot. Nakakapagtaka talaga ikinikilos nitong si Sehun eh. Yeah, he admitted na may gusto siya sa Teacher niya na hindi pa niya nakikita-which is, ewan, ang weird lang para sa akin nun kasi di pa nga niya nakikita tapos nagkagusto siya dun?

"Kailangang magpakabusy..." Bulong niya.

"Huh?" --ako.

"Huh?" --siya.

Haha. Ako lang dapat ang nagugulat eh kasi nagsasalita na naman siya mag-isa. Haha. Pero parang siya nagulat rin.

"Nagsasalita ka na naman mag-isa." komento ko. Pffft! Hindi niya ba alam na nagsalita siya ngayon lang? Haha. Sehun you are so epic!

"Pagod ka lang, Kai." Sabi niya, saka nagpikit ng mga mata.

Haha. Yeah, pagod ako pero hindi ako nagkakamali sa narinig ko. Haha.

"Oh, tinatawa-tawa mo diyan?" Tumabi sa akin si D.O Hyung. Nandito na silang lahat sa loob pero wala pang pumupunta sa mga kwarto.

"Parang sa dorm lang ah. Nice!" Narinig kong komento ni Lay Hyung habang palinga-linga sa paligid.

"Sinusumpong na naman si Sehun." nangingiting sagot ko kay D.O Hyung.

Lumingon naman si D.O Hyung kay Sehun na may ibinubulong habang nakapikit. Hahaha! Pfftt! Grabe tong lalaking to!

Kinalbit ni Kyungsoo Hyung si Chanyeol Hyung. Nang makita ni Chanyeol Hyung, isa-isa niyang kinalbit ang lahat at pinatigil sa mga ginagawa nila.

Lahat tumingin kay Sehun na sige lang sa kung anong sinasabi niya na hindi ko marinig. Haha.

Tapos...

"HAHAHAHAHA!!!"

Pfftt! Sabi na eh. Lakas trip nila Hyung! Haha. Gulat naman na napatayo si Sehun.

"Hahahaha!" P*tek. Hindi ko na napigilan yung tawa ko. Ang epic ng mukha niya dude!

Binato siya ni Chen Hyung ng throw pillow na nadampot niya sa kalapit na couch.

"Yah! Ano na namang problema niyo mga Hyung?!" --Sehun.

"Tumigil ka nga sa pagsasalita mag-isa. Kinikilabutan ako sayo." --Baekhyun Hyung.

Tiningnan ako ng masama ni Sehun. Haha. Bakit ako? Itinaas ko ang dalawa kong kamay at umiling. Kay D.O Hyung ko lang siya sinabi. Hindi ko na kasalanan na sabihin niya kay Chanyeol Hyung at sa iba. Haha.

"Napano ka na naman? Pfft. Kinakabahan ka ba para mamaya?" --Chanyeol Hyung.

"Hindi na yata talaga mawawala yang habit mo na yan noh?" natatawang komento ni Umin Hyung.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon