Unexpected #38. Start of Hate

26 5 2
                                    

Sofia Millen

"K-kasama niyo pa siya? Talagang diyan siya natulog Oppa?"  Tanong ko kay Suho Oppa.

[Ne! Medyo awkward nga yata para sa kanya sa umpisa eh. Haha!]

Aba! Natural awkward kasi siya lang ang babae dun... ako nga hindi pa nakitulog sa dorm ng EXO tapos siya doon natulog?

"How about you guys? Hindi ba awkward para sa inyo? First time niyong magkaroon ng kasama sa dorm na babae tapos gabi pa, hindi ba?"

[Hahaha! Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong magaan agad ang loob nila sa kanya?]

Ramdam ko ang saya ni Oppa sa pagsasalita niya at hindi ko kinakaya ang ganito kaya naman nagpaalam na ako sa kanya.

"Talaga? I bet that is because nature na ng bawat isa sa kanila ang maging mabait sa nga fans? Diba? Fanservice lang 'yun Oppa."

[Huh? Fanservice? Hi---]

"I guess I have to go Oppa. Mamaya magkikita din naman tayo sa rehearsals diba? Kasi kasama ko na mamaya ang SwaTrix at ipapakilala ko na sila formally sa ibang members." Pinutol ko na 'yung sasabihin niya.

[Teka So--]

"Bye Oppa."

[Uhh. Busy ka ba? Sige bye, papunta na kami niyan.]

Pagkaend ng call ay tiningnan ko ang phone ko, especially my wallpaper.

Picture ng EXO ang wallpaper ko kasama ako.

Ako ang nasa gitna nilang 12. Kumpleto pa sila noon...

Napangiti ako ng makita ko ang bawat ngiti sa mukha nila. Lalo na ang taong nakaakbay sa akin.

Sese...

Nang maalala ko ang sinabi ni Suho Oppa nakaramdam ako ng inis.

Ayoko. Ayokong may ibang kukuha at papalit sa pwesto ko.

"Miss Sofia."

Lumingon ako sa staff na pumasok dito sa office ko.

"Ne?"

"Nasa labas napo ang SwaTrix." Sambit niya at tinanguan ko naman.

"Okay. Lalabas na rin ako in a minute. Pakisabi hintayin na lang ako sa labas. Thanks."

Sumulyap ulit ako sa phone ko.

I should start making a move now...

Bago lumabas ay kinuha ko ang lunchbox na nasa table.

-----

Miss Author

Lumabas si Sofia sa kanyang opisina at sinalubong ang miyembro ng SwaTrix na matamang naghihintay sa kanya.

"Are you waiting for too long?" Tanong niya ng nakangiti sa grupo.

"No." Nginitian siya ng lider ng grupo.

"Okay. That's good then. Have you eaten your breakfast guys?" Tanong niya ulit sa mga ito.

Tumango naman sila.

"Great! Are you ready?" Tiningnan niya isa-isa ang bawat miyembro.

"Yes!" Masaya namang sagot ng lahat.

Natutuwa siya at napakataas ng energy ng grupo, tamang-tama dahil kailangan niya ng active na grupo para ganahan ding mag rehearse ang EXO.

Knowing the members, alam ni Sofia na madaling maging apektado ang grupo sa paligid nila kaya naman kung hyper ang grupong makakasama ng EXO sa rehearsals ay paniguradong gaganahan din ang mga ito.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon