Unexpected #18. Crossed-paths

50 5 2
                                    

[Korea - Along the road ^^]

Zhang Yi Xing

*Bbeeeeeeepp!!*


O_O

Napaangat ako sa upuan ko ng biglang nagpreno ang sinasakyan kong van.


"Driver Hyung, anong problema?" alalang tanong ko.

"Ahh..eh.. Sorry Sir. Kasi po may babaeng biglang tumawid eh. Muntik ko na s-siyang mahagip..." Alalang bulong ni Driver Hyung.

Nagulat naman ako ng may biglang kumalabog sa labas ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana at may isang babaeng hinahampas ng sapatos ang van namin habang sumisigaw.

Anak ng! Anong problema nito?!

Bumaba si Driver Hyung ng sasakyan. Sinilip ko ang paligid, wala naman gaanong tao kaya bumaba na rin ako, pero inayos ko muna ang cap ko at nagsuot ako ng shades. Mahirap na. Tsk.

"Hindi po ba kayo marunong tumingin sa dinadaanan niyo Kuya?! Muntik niyo na akong mabangga! Konting ingat naman! Hindi ako pumunta dito sa South Korea para mamatay lang!!"

(A/N: Filipino language yung sa babae. ^_^)

Nakatalikod yung babae sa akin. Sinisigawan niya si Driver Hyung na pilit nageexplain. Kaya lang halatang hindi Korean yung babae kaya naman hindi sila magkakaintindihan.

Lumapit ako sa kanila. Marunong naman akong mgasalita ng English kahit papaano kaya baka maayos ko to. Sana. Kasi malelate ako sa rehearsal namin. -_-

"Ahh.. Mi--"

O_O

"You?!" Gulat na sabi ko sa kanya nang humarap siya sa akin.

Kumunot naman ang noo at matamang nakatingin sa akin. Siya yung babaeng niligtas ko noon na muntik ng masagasaan nung nawalan ng control na kotse nung sinamahan ko si Sehun sa Bubble Tea Shop.

"Ano ba ang meron sayo at lapitin ka ng aksidente ha?"

Bahagya yatang tumaas ang tono ng boses ko dahil bakas sa maamong mukha nung babae ang pagkagulat.

"A-ano bang sinasabi mo ha? Don't you Korean me okay?" masungit niyang angas sa akin.

Mentally kong sinampal ang sarili ko. Oo nga pala, hindi siya Koreana.

"You are prone to accdients. It's as if you are a magnet to accidents." sabi ko sa kanya.

"Hey. Don't you ever use Edward Cullen's lines to me okay? I am not Bella." inirapan niya ako tapos bumulong sa sarili niya. "Well, pwede rin naman..."

Okay. Di ko gets. -_-

Edward Cullen? yung vampire ba yun sa Twi--moon--light...????

Ahhh! Basta!!!

"Please be careful okay. I saved you again." sabi ko sa kanya. Nakakadalawa ka na babae. -_-

Inilapit niya ang mukha niya sa akin...Hey!

Inalis niya ang shades at cap ko.

"Emeged! Zhang Yi Xing 'Lay' of EXO!" Sigaw niya.

Nakatanga lang ako sa kanya. At gusto kong matawa sa reaction niya. Haha. Ganyan din kasi reaction nung unang pagkikita namin.

"S-sir Lay." tinawag ni Driver Hyung ang pansin at inginuso ang paligid.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon