Unexpected #26. She's back

30 4 0
                                    

[South Korea - EXO's Dormitory]

Do Kyung Soo

"Welcome back Hyung!" Agad na lumapit si Sehunnie sa akin at niyakap ako, kasunod niya si Kai at ang iba pa.

"Kamusta ka Hyung? Ayos ka na ba?" Si Kai naman ang yumakap sa akin. "Namiss kita."

Nakakaoverwhelmed naman ang mga 'to. Kahit kailan talaga hindi mo mararamdamang nag-iisa ka kapag kasama mo sila. Hindi ko mapigilang hindi mangiti. ^__^

"Salamat guys. Ayos na ako, no need to worry anymore." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Hays. Kapag kasi may nararamdaman ng hindi maganda, sabihin agad para hindi na nao-ospital." Si Chen Hyung naman ang yumakap sa akin. Haha. Parang hindi 'to laging nasa Ospital lagi ah, haha. Fairy Chen Mother talaga to. Haha. ^__^

"Uso din naman kasing magpahinga kahit busy tayo. Tingnan mo yang mata mo, lalo ka tuloy naging kuwago. Kkaebsong~" Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Baekhyun. Haha. Huta. Pati ako nahahawa. Pero siyempre tiningnan ko lang siya with my famous poker face.

-__-

Pero lintek lalo lang silang nagtawanan!

"Kkaebsong~" Ulit pa ni Baek sa tono niyang pang bakla. Tss. Baekla talaga to. -__-

"Haha. Tigilan mo na Baek! Lagot ka, sige pag nag Satansoo tong si D.O baka ikaw naman ang sumunod sa Ospital. Hindi kita matutulungan diyan. Haha." Inakbayan ako ni Chanyeol Hyung. Lalo akong nanliliit sa posteng to. -__-

"Pauupuin niyo muna kaya si D.O. Kayo talaga, kitang kagagaling sa Ospital niyan oh." Inalalayan ako ni Lay Hyung na makaupo sa sofa. Haha. Gawin ba naman akong bata. Oo alam kong mabait tong si Hyung pero kasi naman... maliit lang ako pero hindi na ako bata. -,-

"Ayos ka na ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Umin Hyung.

Tumango ako sa kanya at nginitian ko na lang. Parang nawalan ako ng ganang magsalita. Haha. Nakakapagod din palang manggaling sa Opsital, pakiramdam ko ang hina-hina ko.

"May gusto kang kainin? Ipabiling pagkain? Inumin? Ano, sabihin mo lang para kung wala sa ref, maibili ka ngayon din." Umupo sa tabi ko si Suho Hyung.

Ayown! Haha. Napangiti ako ng malapad sa sinabi niya. Naks, iba talaga tong si Hyung eh. Haha. Kaya nga mahal ko to eh. Haha. Pero siyempre hindi lang yung black card niya yung dahilan. Sadyang maaalahanin lang talaga siya at mapagmahal na leader.

"Hyung! Tara bili na tayong pagkain ni D.O tapos libre mo na rin ako. Haha." Hinatak patayo ni Chen Hyung si Suho Hyung. Haha loko talaga 'to.

"Baliw. Si D.O lang ang ililibre ko. Aba sinuswerte kayo, lagi na nga kayong libre nung wala si D.O eh." tinatanggal niya ang kamay ni Chen Hyung sa braso niya.

Tengene. Loko talaga mga 'to. Ako nga pala ang dapat nililibre ni Hyung, eh nakarami na pala sila eh. Madaya. -_-

"Manlilibre na yan! Manlilibre na yan~" sigaw ni Sehun. At hindi nagtagal ay sinabayan na rin siya ng iba. Tss. Ang mga 'to talaga walang magawang matino kung hindi ang ubusin ang laman ng black card ni Hyung. -_-

Nagkagulo na silang lahat kaya tumayo na ako naglakad papunta sa kwarto. Hays. Makapagpahinga na nga lang habang may free time pa. Tiningnan ko ang kamay ko kung saan dating nakatusok ang dextrose nung nasa Ospital ako. Ayoko ko talagang nao-ospital. Hussle. Tss. -_-

"Hyung!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Kilala ko naman ang boses nito pero ayoko na lang maging snobber. Isa pa namiss ko rin ang isang 'to. ^^

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon