[South Korea]
Oh Sehun
*sigh*
Pinagmasdan ko lang ang puting usok na lumabas mula sa bibig ko nang magbuntong-hininga ako.
Brrrrr. Ang lamig. Lintek. Gusto ko ng umuwi. -___-
"Lalim ng iniisip ah."
Tiningnan ko si Kai na sumandal sa pader at nagpamulsa.
"Matagal pa ba sila?" Ibinaling ko ang tingin ko sa loob ng convenience store.
Nandoon sa loob sina hyung at namimili.
"Ewan. Alam mo naman ang mga 'yun nagkukulitan pa." Napatawa naman siya sa sinabi niya.
Napangisi lang ako.
"Ayos ka lang, bro?" Tanong niya.
*sigh*
"Tigilan mo nga ako, ayan ka na naman sa buntong-hininga mo. May iniisip ka noh?"
Tiningnan ko lang siya at tsaka ako tumingin sa daan. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko.
Kilala talaga ako ng mokong na'to. -___-
"Ah alam ko na." Narinig ko pa ang pagpitik niya sa hangin pero hindi ko siya tiningnan.
"Oo. Pogi ako. Alam ko na rin yan." At saka ako pilit na tumawa.
Paglingon ko sa kanya.
=_____= --siya.
"Ha. Ha. Ha. Gegu mo."
Aba! Loko 'to ah.
"At sino sa palagay mo? Ikaw? Tss." Irap ko sa kanya.
"Naman." At siya naman ang tumawa.
=_____= ang lakas ng apog netong si Kai. Mabatukan kaya? Tss.
"Pero seryoso," tinapik niya ako sa balikat. "Sa itsura mong yan alam kong may problema ka."
"Huuu! Sinong may sabi?"
"Para saan pa't bestfriend ni Oh Sehun si Kim Kai?" Natatawa niyang sabi.
*silence*
Takte naman oh! Aish! Bakit kasi lumabas-labas pa 'tong nognog na 'to? -___-
Bahala na nga. Mababaliw na ako eh.
"Namiss ko siya bigla." Bulong ko.
"Yah! Sabi na nga ba eh." Naiiling niyang sabi.
Alam ko namang kilala niya kung sinong tinutukoy ko. Kasi pogi ako--este kasi sabi niya nga diba bestfriend ko siya.
Tsaka sa kanya ako madalas magsabi kasi sa grupo namin kami lang ang mag kaedad. Hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala kina hyung pero kasi kahit sino naman diba? Mas komportableng makipagusap ng kahit ano sa taong kaedad mo at kapareho mong mag-isip.
Halata man o hindi pero madalas talagang pareho kami ng iniisip ng mokong na'to.
Pero curious pa rin ako...
"Paano mo nalaman?"
"Seryoso tinatanong mo ako paano ko nalaman?" Kumpirma niya.
"Oo. P*tek ka baka ginugoodtime mo lang ako."
"Hahaha! Sira. Sa kanya ka lang naman nagkakaganyan."
Napaisip ako sa sinabi niya.
Napatalungko ako ng upo at hinimas-himas ang kamay ko tapos hinipan. Brrr. Lamiiiiggg.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)
FanfictionHe have all the fame... I have nothing... He is a superstar... I am just a nobody... He is a celebrity... I am just a fan girl... He is MY student... I am HIS teacher... could it be possible that HE will be my LIFE? and I will be HIS LOVE? Love come...