[OneEng Company - Philippines]
Janine "Hunnie" Manansala
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala... parang panaginip lang ang lahat... hindi ko na yata kinakaya ang mga nangyayari. Kahapon. Kahapon nakita ko na siya, kahit papaano ay nakausap. Nginitian niya ako at naglapat siya ng tingin sa akin.
Para sa isang fangirl na tulad ko, ano ba ang dapat na maramdaman? 'Yung literal na mahihimatay? Akala ko ganun. Pero higit pa dun... kapag nagkita na kayo ni bias pakiramdam mo kayo lang ang taong nandoon. Kayo lang dalawa at wala ng iba. May maiingay man sa paligid pero kapag nagtama ang paningin ninyong dalawa para sayo 'yun na yata ang pinaka the best moment. What more kung magkausap pa kayo diba?
Seeing his face so close.... parang hirap akong huminga. Masyadong overwhelming sa feeling. Tuwing pipikit ako, mukha niya lang ang nakikita ko. Pakiramdam ko kahit saan ako tumingin bigla na lang siyang lilitaw.
Katulad ngayon... nakatitig lang ako sa airplane ticket na nandito sa table ko pero parang nakikita ko ang mukha niya.
Ang airplane ticket na ito ang patunay na hindi kahapon lang nagtatapos ang pagkikita namin. At hindi ko lang siya basta makikita at makakausap... makakasama ko siya ng isang buwan, hindi man madalas pero iisang kompanya lang ang pupuntahan namin...
Napasandal ako sa upuan ko at napapikit.
Oh Sehun. Iba na talaga tama ko sa'yo....
Putspa. Hindi naman ako sasaeng sa lagay kong 'to diba? Hindi pa naman ako gumagawa ng mga weird at creepy na bagay dahil sa kanya at para sa kanya.
I mentally checked lahat ng actions ko. Nah! Hindi. Hindi ako sasaeng fan. Sadyang mahal ko lang talaga siya.
Posible pala ang ganito. Hays.
Napatakip ako ng mukha.
Ang tagal ng oras.... huuuu gusto ko ng umuwi. Hindi ako makapag concentrate dito sa trabaho.
(ㅠ_ㅠ)
"Huy!"
Napabalikwas ako ng tayo ng may manggulat sa akin.
"Ano ba bhe!" Sumimangot ako sa harap niya.
"Kanina pa kita hinihintay doon sa labas. Akala ko ba susunod ka?" Pumameywang si Lhee sa harap ko.
Lalo lang akong sumimangot. At humarap siya sa table ko. Kinuha niya ang plane ticket na nakalapag doon.
"Itago mo nga yang ticket na yan. Sige ka, kapag yan nawala tingnan ko lang kung hindi ka magwala. Kung busog ka na sa kakatitig diyan aba isipin mo naman ako, nagugutom na ka---"
Hinila ko siya palabas ng office. Tsk. Panira talaga ng moment ang lakas ng boses ng kaibigan kong 'to. -.-
Nasabi ko na ba sa inyo dahilan bakit kaibigan ko 'to? Parang gusto ko ng bawiin mga 'yon. Hahaha! De jk lang. Kayo naman. XD
Dumiretso kami sa malapit na kainan. Pinaupo ko siya doon at ako na ang nanlibre sa kanya. Okay, pagbigyan. Minsan lang 'to. Hahaha kuripot ako! De jk lang ulet. XD madalas kasi na siya ang nanlilibre kaya this time ako rin naman.
Kaya lang...
"Wow totoo 'to?" 'Di makapaniwalang tanong ni Lhee ng ilapag ko sa harap niya ang mga pagkaing binili ko.
Tumango lang ako. Kasi naman...
"Wala kang sakit bhe?"
-________- "Teka. Nagbago na yata isip ko."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)
FanfictionHe have all the fame... I have nothing... He is a superstar... I am just a nobody... He is a celebrity... I am just a fan girl... He is MY student... I am HIS teacher... could it be possible that HE will be my LIFE? and I will be HIS LOVE? Love come...