Unexpected #13. Audition

38 3 1
                                    

Janine "Hunnie" Manansala

Wew! Parang nakakapagod ngayong araw?

*yawn*

Ilang araw na akong walang maayos na tulog ah? Hindi na ako nakakatulog ng hapon dahil sa rehearsal para sa audition bukas.

Whoo! Bukas na yung audition. So far, synchronized na ang galaw at kuha na rin ng grupo namin ang swag ng mga Koreano sa pagsayaw. Naniniwala akong makakapasa kami sa audition pero hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan.

"Beh, bukas na yung audition niyo di ba?" Tanong ni Lhee sa akin.

"Mm-hm." Tumango ako. Tinanggal ko ang earphones na nakasulpak sa tenga ko.

"Papanoorin kayo. Ivivideo ko yung sayaw niyo tapos ipopost ko sa youtube." Nagtaas-baba pa ng kilay itong si Lhee.

"Huwag mo. Nakakahiya." Biro ko sa kanya. Pero honestly? Ayaw kong nagpopost sa SNS ng mga video ng performance namin.

Actually nagkocover din ako ng mga kanta pero hindi ko pinopost sa youtube or facebook. Takot kasi akong macritic. Haha. Baka mawalan ako ng self-condidence kapag nakabasa ako ng negative comments. Aha.

"First time kitang mapapanood sumayaw kaya susuportahan kita. I will be your big fan Hunnie." Nagsmile si Lhee sa akin.

Nagsmile siya sa akin. Hindi ako nakikipagkaibigan basta-basta. I have few friends pero lahat sila totoo sa akin and Lhee is one of them.

Aanhin mo ang maraming kaibigab kung hindi naman lahat ay totoo sayo at tinuturing ka ring kaibigan? Ang masaklap pa eh marami ka ngang "kaibigan" pero halos lahat naman sinasaksak ka kapag nakatalikod ka.

Friendly akong tao pero hindi lahat nakakaclose ko. Pili lang ang mga taong malapit sa akin, sila yung kayang sakyan ang mood ko, ang mga kabaliwan ko sa Kpop, ang kaadikan ko sa pagsasayaw at ang pagkahilig ko sa pagkanta. At ang pabago-bagong mood ko.

Haha. I am bipolar in a good way. Hoho. At gusto kong mga kaibigan eh yung bipolar na katulad ko. Haha.

"Aray!" Hinimas ko ang ulo ko.

Katulad nitong si Lhee. Kanina kung makapagsalita ang sweet na kaibigan tapos ngayon nananapok? Hindi ba bipolar na matatawag yan?

"Yah! Bakit ka ba nananapok?" Reklamo ko sa kanya. Sapukin din kita diyan eh makita mo.

"Concern lang naman ako sayo gurl, baka kasi nahanginan ka na diyan kasi ikaw mag-isa mo diyan tumatawa ka." Sabi niya.

Ay wow. So pag napangiti mag-isa nahanginan na agad? Hindi ba pwedeng may naalala lang? Haha.

"Baliw." Pababa na lang kami ng jeep binatukan ko pa siya. Haha. Trip ko lang.

Oh ano ka ngayon? Hahaha. ^_^v

"Gumaganti!" Nag pout siya, binelatan ko naman siya.

"San ka niyan?" Biglang tanong niya. Akala ko hihirit pa siya eh.

"Uuwi na malamang." Sagot ko sa kanya. Akala ko babatukan na naman ako eh. Hehe. Pero tiningnan niya lang ako ng masama.

"Huwag mo akong umpisahan Janine ah." Banta niya.

Whoa. Haha. Nag peace sign ako sa kanya.

"Haha. Diretso na ako sa mga kasama ko. Hindi na ako dadaan sa bahay kasi may dala na akong damit eh." Sagot ko.

"Sama na kaya ako?" Sabi niya.

"Oh sige tara para may P.A ako. Haha." Agad kong isinangga ang kamay ko sa ulo ko dahil may pagkasadista to eh. Automatic lumilipad ang kamay. Haha.

Unexpected Love (Sehun/EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon