Chapter 23

2K 65 1
                                    

"What are these?" I asked her.

I'm not expecting something today. And I don't want to expect.

"Maam, invitation po." Sagot niya.

Kinuha ko kaagad.

Umirap ako. It's an invitation from Chantelle. Everyday, she kept on reminding me to visit her. And today is her birthday, at alam niyang hindi ko siya matatanggihan ngayon!

Fine! Kahit tinatamad, I need to bring my presence in her birthday.

Nagpaalam muna ako kay Persiah na kung pwedeng pumunta ng Manila para makita si Chan. I'm glad that he let me. Supportive naman talaga siya sa'kin at hindi mahigpit.

"Oh, kanina pa kita inaantay, Alliana. Where have you been? Traffic ba?" Chantelle asked, waving her hand. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kaniya ay nagrereklamo na siya.

Chantelle Mignonette Primavera, she's my actress friend. Hindi naman siya tiga-Maynila, tiga-Guimaras nga siya. Nagkakilala lang kami noong nag-attend ako sa isang party. Kasosyo kasi ni Persiah ang asawa niya kaya naging magkaibigan rin kami. Nagulat pa ako noong una nung nalaman kong isa siya sa mga sikat na aktres sa Pilipinas.

Aside from that, she's also the actress who got the main role for the movie, na kung saan director ang kaibigan ko. Siya ang protagonist sa Movie, na ide-direct ng kaibigan ko. She's the leading lady for the movie.

I'm hoping... na matapos na ang taping niya. Hindi naman series ang gagawin niya kundi isang movie lang.

Ayaw kong makipag-hangout sa kaniya minsan. Because she's friends with her too.

Sana... Huwag ng magkaroon ng locked-in taping. Because, God! I can't take all of it! Huwag naman sana akong ganituhin ni Chan.

"I really missed you, Alli. I can't believe, na magsasama ulit tayo." She said while putting a red lipstick on her lips infront of her small mirror. "Salamat, ah! Dahil pinakilala mo ako sa kaibigan mong director."

I actually recommended her at director Jesca. Nagustuhan naman siya agad ng kaibigan ko. Who wouldn't? For me, Chantelle is one of the hottest actress here in the Philippines.

Connections matters.

"How's the taping?"

"Okay lang! At hindi ko alam na mayroon pa palang mas maganda kaysa sakin!"

I laughed. "Sino?"

"Sino pa ba? Edi si Crest! Na supermodel." Sabay buntong hininga.

"Crestia Moraldez?"

"Yes, diba sister in law mo 'yon?"

Hindi ako sumagot. Finocus ko nalang ulit ang mga mata ko sa daan. She's confused but didn't bother to ask me.

Nakisabay lang siya sa'kin. We're currently here inside my car. I'm the one whose driving right now. Tutal, pupunta rin lang kami sa iisang ruta kaya nakisakay lang siya sa'kin. Ayaw niya kasing mag-drive.

"I hate her, Alli. She will always get the spotlight.

Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga nalang ako.

Papunta na kami ngayon sa Lucena City, halos tatlong oras ang travel time from Manila, kung saan gaganapin ang first day of taping.

"You know what, Crestia Moraldez will be there too. She's your sister-in-law right?" Chan asked while fixing her red lipstick.

Mabilis akong napatingin sa kaniya.

"What do you mean? She'll be there?" Napatampal ako ng noo.

Bakit hindi niya kaagad sinabi sa akin?!

Mga Hakbang Palayo SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon