I wanted to get drunk. I turned off my phone and went to the nearest bar immediately. Napahawak ako sa dibdib ko, kumikirot pa. Nag-taxi nalang din ako, hindi ko na dinala ang sasakyan ko. Iyak ako nang iyak sa loob ng taxi. Nag-aalala na nga ang driver sa akin. Hanggang sa makarating na ako sa destinasyon ko, umiiyak padin ang mga mata ko. Ang hirap pigilan ng pesteng luha na 'to, eh!
Dumiretso kaagad ako sa dancefloor para sumaway. Pinagtitinginan ako ng mga tao, mapa-babae man o lalake pero wala akong pakialam. I just wanted to dance and vented out my loneliness!
Boys are even trying to get close to me but I turned them all down. Mas gusto ko pang uminom nalang kaysa manlalake.
"Why did you even did that?" I asked the air. Malakas pa ang pagkakasabi ko kahit wala naman akong kausap. Wala akong pakialam kahit sabihan nila akong baliw dito!
Kumuha ako ulit ng panibagong shot sa tray ng waiter nang maubos ang iniinom ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero lakad lang ako nang lakad. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay ang pagtulo din ng mga luha ko. Hindi ko na mabilang kung ilang butil ng luha na ba ang lumabas sa mga mata ko.
Natapunan ko ng inumin ang babae pero hindi na ako nagsalita. Tahimik lang ako, inaantay na tatalakan ng babae.
"Are you, okay? Are you drunk?" Imbes na magalit sa akin, nag-alala pa nga siya. Hinawakan niya ako sa kamay pero tinabig ko lang 'yon.
"I'm okay! Get out of my way!" Galit kong sigaw. "I'm fine!"
Pagkasabi ko nang mga salitang 'yan, natumba kaagad ako nang tinangka kong maglakad. Medyo napahiya ako do'n pero wala akong pake. Tumayo kaagad ako at naglakad nalang ulit.
"A drunk girl like you roaming around is dangerous. Let me take you home." Ang makulit na naman niyang anas.
"I don't care." Matigas kong sagot.
At natumba na naman ako nang humakbang ako! Nakakainis naman 'tong mga paa ko!
"Huwag ka na humakbang palayo, I'll take you home." Hinawakan niya ang braso ko at inilagay 'yon sa balikat ko nang maalalayan niya ako. "Hindi kita iiwan mag-isa dito. Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid na kita."
Hindi ko na nga kayang maglakad kaya hinayaan ko nalang siya.
Nang matulungan niya akong makaupo sa harapan, nilagyan niya kaagad ako ng seatbelt. Then I'm quite surprised about what she did after, she fixed my face first. Gamit ang wipes, nilinis niya ang makeup kong nagkalat. Lalo na ang eyeliner ko. Mukha na siguro akong sabog, sa tingin ko.
After cleaning my face, she immediately started the engine and drove away.
Sana hindi nalang niya nilinis ang mukha ko. t's still useless, umiyak padin ako. Hindi ko pinahalata sa kaniya na tumutulo ang mga luha ko.
"Where is your house?" She asked.
"Don't mind it. Ihulog mo nalang ako diyan sa tabi." Tamad kong sagot.
I heard her chuckled.
Sinamaan ko siya ng tingin kasi wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"I'm serious, don't laugh. Ihulog mo na nga lang ako."
"No, I can't. Madilim na at delikado. Gusto kitang ihatid sa bahay niyo." She insisted.
Nakakainis naman. Hindi ko alam kung saan ako naiinis... Dahil ba ay mas maganda siya kaysa sa akin o dahil ang kulit niya talaga? Is she a model too?
"What's your problem?" I asked.
Makulit siya. Anytime, baka ma-punch ko siya sa face.
"I don't have a problem. Baka ikaw meron."
"Yes. You know what, boys sucks. And being inlove is shit." Dahil siguro nakainom ako kaya ang lakas ng loob ko makipag-kwentuhan sa isang stranger.
"Are you broken hearted?" Natawa siya.
"I hate Xhairra Donatella... I hate her so much." I'm pertaining to my fiance's other woman.
She's also a model. I know her, naka-trabaho ko na siya noon and I treated her as a friend. I even helped her established her own career as a model. I've been good to her!
"I'm even more sexier and prettier than her! When it comes to career? Mas successful naman ako." Madami pa akong gustong sabihin pero mas minabuti ko nalang na pumikit.
"It's useless if he's still not contented."
She's right. I didn't argue anymore.
When it comes to love, I am always selfless. I don't know if I really deserves to get cheated on over and over again. Oo, naging lalakero din ako noon. Pero noon 'yon. Ngayong ang seryoso ko na pagdating sa pagmamahal, saka naman ako niloloko. Is this karma?
Ramdam ko ang bawat pagsulyap ng babaeng 'eto sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Mas lalo lang akong naiiyak sa tuwing pumapasok na naman sa utak ko ang lahat ng mga what ifs. Ako din naman ang sumasagot sa lahat ng mga what ifs na sa utak ko, ako lang din ang nananakit ng sarili ko.
"What's more unfortunate other than me?" I asked, absent minded.
"I'll be marrying the man of my family's choice, not mine. Napaka-unfortunate ko, diba?" Then I heard her small laughs.
"Force marriage?" Tanong ko.
"Yes, it is." At biglang bumilis ang maneho niya. Mabuti nalang na naka-seatbelt ako!
"Mayaman ba ang lalaking ipapakasal sa'yo? Gwapo?" Tanong ko.
Natawa siya. "Hindi ko pa nga namemeet sa personal ang papakasalan ko."
Ang unlucky naman niya.
"Matutunan mo din naman sigurong mahalin ang lalakeng 'yon." Advice ko kahit hindi ko naman siya kilala.
"Hindi ako nagcocommit sa isang relasyon pero kailangan. I need to get married..." she sounded like she's not happy about it. Naiintindihan ko naman siya, kahit nga ako ay malulungkot kapag sapilitan akong pinakasal sa taong hindi ko naman mahal.
Natawa ako saglit. "Sana hindi manloloko 'yang papakasalan mo. Ang swerte mo kapag napunta ka sa taong loyal." Sabi ko naman.
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Nakita ko na lumalim ang iniisip niya. Umiba kasi ang ekspresyon ng kaniyang mukha... Napaisip ako, did I said something wrong?
Naging tahimik ang buong biyahe hanggang sa makarating na ako sa mansyon. Sa isang subdivision mismo. Pinapasok naman kaagad ng security guard ang babaeng 'to nang makita nitong kasama ako.
"I'm here."
"You lived here?" She asked.
"Yes." Inalis ko ang seatbelt sa katawan ko. "Thanks sa paghatid kung sino ka man."
"Wait," hinawakan niya ang braso ko para pigilan. "Ano pa ang kailangan mo?" Naiinis kong tanong.
Bumuntong hininga siya at binigyan lang ako ng ngiti. "Nothing, take care now." Then she started the engine and drove away.
Bumuntong hininga ako at dinamdam ang sarili. Kahit papaano ay medyo gumaan din ang pakiramdam ko... Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng alcohol 'to? O dahil sa conversation na nangyari sa pagitan namin ng babaeng 'yon? Is this what it felt talking to a stranger? Walang judgement na nangyari kanina sa pagitan namin habang nag-uusap kami. Hindi naman kasi namin kilala ang isa't isa, eh.
Hindi muna ako pumasok sa bahay, binuksan ko na ang cellphone ko.
Lagot!
Ang dami kong misscalls from my two brothers!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mga Hakbang Palayo Sayo
RomansaPinag-aagawan ng dalawang kambal si Alliana Acramonte na isang supermodel. The twins are both hot as hell. They're are handsome too. But in the end, she chose the twin's little sister eventhough she's not in the choices. Mas nainlove siya sa bunson...