Chapter 12

2.7K 111 0
                                    

Lumipas na ang isang linggo na hindi na talaga kami nagpapansinan. I didn't even dare to make a move on her. Bakit kailangan ako ang kumausap sa kaniya? Siya nga ang nagkakaganiyan, eh. Hindi ko naman alam kung bakit.

Siya dapat ang mag-sorry sakin, hindi ako.

Hindi ko din basta-basta maiiwasan ang mukha niya kasi sa tuwing oopen ako ng mga social medias, nakikita ko talaga siya. Wala na bang ibang ibabalita? Importante ba siya? Wala namang naitutulong ang pagbalita sa kaniya, eh.

Ang dami niyang ganap sa manila.

Kahit ni-isang titig, hindi ako tumingin kay Alliana. She's here. As always naman, after niyang makauwi ng Manila. Kasi naman, nagpapapansin parin ang dalawa kong kapatid sa kaniya. Hindi kami nagpapansinan. Napansin ni mommy iyon pero hindi naman niya ako tinanong kung bakit.

"Sana hindi kami busy. Gustong-gusto naming pumunta sa resthouse mo, hija." Si mommy.

Inaya kami ni Alliana na pumunta ng Cebu kung nasaan ang resort niya. Hindi naman ako interesado kaya tahimik lang ako dito sa gilid.

"If ever man na busy kayo sa araw na 'yon, Tita. Naiintindihan ko. Maybe, I'll just send pictures to you." Ang amo ng boses ni Alliana pero plastic naman talaga. Palihim pa akong umirap.

Ang bait-bait niyang pakinggan, huh?

"Si Crest. Alam kong gusto niyang sumama doon sa Cebu." Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko na ang pangalan ko.

"I don't want to. Busy ako." Tanggi ko agad.

Deep inside, gusto ko nga sana sumama.

Pero matitiis ko ba na magkasama kaming dalawa ni Alliana? Hindi! Masama naman talaga ang ugali niya, baka ano pa ang magawa niya sakin. Wala na talaga ako masyadong tiwala.

"Sumama ka na, anak. Maganda doon. Cebu is one of your favorite place." Insisted naman ni Daddy.

Napapikit ako.

Napatingin na ako kay Alliana, wala siyang emosyon. Hindi ko matukoy kung gusto ba niya akong dalhin sa resort niya o kung gusto niya akong kasama doon? Parang hindi naman, eh!

"Huwag na, daddy." Ayaw ko nang ipagpilitan pa ang sarili ko.

Iniba naman kaagad ni Alliana ang topic. Kita mo, ayaw niya talaga akong kasama. Ayaw niyang pinipilit akong isama. Okay lang naman, ayaw ko din naman. Kaya ko namang mag-book ng flight paibang bansa, hindi lang sa Cebu!

Ilang saglit, dumating na rin si Kuya Persiah.

Naging op ako lalo. Umiwas kaagad ako ng tingin nang aksidenteng tumama ang mga mata namin ni Alliana.

"Kuya. Pwede bang mag-usap muna kami ni Alliana." I asked Kuya Persiah.

Walang alinlangan namang tumango si Kuya at lumabas ng kwarto para mabigyan kami ng oras ni Alliana.

Nang mawala si Kuya Persiah, I took this opportunity to talk with Alliana. Alliana seems unbothered at parang ako lang ang tanging nababahala dito. Pachill-chill lang siya na para bang wala siyang ginawa sa akin.

"Why are you like that?!" I asked her. I shouted loudly, letting my frustrations out.

"To be honest, I don't know too, okay?" She then sat at the stool. Ininom niya ang alak na nasa wineglass.

"Ang tindi mong mag-inarte pagkatapos hindi mo naman alam kung bakit?" Gusto kong matawa sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ko gusto ang mga inasta niya noong nakaraan at wala lang ang mga 'yon para sa kaniya? Ang unfair naman no'n!

Nakita kong umirap siya.

"You told me that your fiancé is a cheater, eh bakit ka pa nakikipaghalikan sa kaniya, Crestia?" Mariin niyang tanong. Nakakagulat ang pagtataas niya ng boses sa'kin.

"I can't understand you!" Wala talaga kaya napataas din ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang siya kung pagtaasan niya ako ng boses.

"I just hate it how you talkshits about your fiancé at me, but manage to flirt and kissed him." Napataas lalo ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong kiss diyan ang sinasabi mo, Alliana?"

"I saw you kissing your cheater fiancé." Humina ang boses niya.

"'Yan ba ang kinagagalit mo? Grabe naman 'yan!" And then nag-flashback sa isipin ko ang mga bagay na nangyari noong nakaraan. Ang pag-unfollow niya sa'kin, pag-iwas, hindi pagpansin, at ang mga pinaramdam niya sa'kin.

Akala ko ay masama akong kaibigan nang dahil sa mga pinaparamdam niya sa'kin. Gosh, lahat ng mga 'yon nang dahil lang sa nalaman niya. Nang dahil lang sa kiss na 'yon?

"Paanong hindi magagalit? Galit na nga ako simula noong kwinento mo sa'kin ang lahat ng mga kalokohang ginawa ng lalaking 'yon. You can't blame mo too kung bakit ganito ako kagalit no'ng nalaman kong nakikipaghalikan ka pa talaga do'n."

Hindi ako nakasagot kaagad. Huminga ako nang malalim. Pinapakalma ko ang sarili ko.

"Mali 'yang iniisip mo."

"Anong mali? Kitang-kita ko na nakikipaghalikan ka pa talaga do'n." She insisted.

"He's the one who kissed me. Tinulak ko naman siya after no'n." Sabi ko. "Maissue ka talaga."

Napangisi siya. Bahala na siya kung maniniwala siya o hindi basta sinabi ko lang ang totoo.

At bakit naman ako makikipaghalikan sa lalaking 'yon? Hindi na!

Mahina siyang natawa at umiwas ng tingin sakin.

"Ano na naman ngayon ang nakakatawa?" Ang reklamo ko.

"Wala. Get ready. Isasama kita sa Cebu." Tumayo na siya.

Hinawakan ko siya sa braso para pigilan.

"Ayaw ko nga sumama!"

Natawa lang siya.




To be continued...

Mga Hakbang Palayo SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon