Chapter 25

2.1K 66 0
                                    

Currently, umuwi ulit ako ng Iloilo. We'll have a family reunion I think. Birthday ni Lolo. Dapat nandoon ang pamilya kaya hindi ako makakatakas.

Ofcourse, Alliana is here too. She is Kuya Persiah's wife. Hindi pwedeng wala siya sa mga ganitong occasions ng pamilya.

Hindi pa nga kami masyadong nagkakausap... Kasi ano naman ang pag-uusapan namin? Syempre wala.

"Happy birthday, Lolo." Lumapit ako kay Lolo.

"Thank you, my beautiful apo!" Sagot ni Lolo. Masayang-masaya.

"Let's have a family picture!" She added.

Aalis na sana ako kasi ayaw ko pero may biglang tumigil sa akin.

Alliana held my waist to stop me. Napapikit pa ako at lumunok.

"Stay. Bakit ka aalis?"

"Ayaw ko lang na tumabi sayo." Natawa si Alliana sa pagiging honest ko. Wala namang nakakatawa.

"I don't want to get near to you, okay." Paliwanag ko ulit. Na sana'y naiintindihan na niya.

"What's funny?" I asked her when she smiled.

Matamis ang ngiti. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Hindi na siya sumagot pero nakangiti parin. She's really crazy.

She should stop being obvious. Pansin ko, kanina pa siya nakamata sa'kin at nakabantay. As if she's my jowa or something para makabantay. Si Kuya Persiah naman ang nagbabantay sa kaniya pero tinataboy niya.

Nang matapos ang family picture, umalis na kaagad ako. Pumunta sa isang table kung saan malayo sa kaniya. Ayaw kong maging obvious kaming dalawa dito. Muntik na nga kaming mahuli ni Kuya Primiel noon, eh. Nakakahiya talaga kapag nalaman ng lahat ang patungkol sa'min.

Gosh, I hate this. Hindi ako nakakapag-interact masyado kasi pakiramdam ko, naubos na ang social battery ko.

I kept on glancing at Allina. Hindi ko naipigilan ang sarili ko. Nahuhuli ko din siyang sumusulyap sa'kin pero nagkukunwari ako na parang walang alam!

Namamawis na ako, gosh!

This is where I decided na lumabas sa veranda.

Naabutan ko silang dalawa ni Kuya Persiah at Primiel na nag-uusap.

I didn't hesitate to come near them.

"Hey," ako ang unang tumawag. Kaya parehas silang napatingin sa'kin.

"Congrats, Sis." Si Kuya Promiel. We cheered and shared a laugh.

I got another achievement as a supermodel. Hindi ko naman makakamit ang mga 'to kung hindi naging supportive sila Kuya, mommy at daddy. I'm so thankful for my family.

"May lovelife ka na ba?" Kuya Persiah asked, being a protective brother to me.

Natawa ako. "Wala pa. And why would I? Mas gusto kong mag-work kaysa maglove-life." Sagot ko naman.

Parehas silang natawa. I got it, alam kong hindi sila naniniwala. Lalakero talaga ang tingin nilang dalawa sa'kin. Hindi nga din nila alam kung lalake nga ba talaga ang gusto ko, eh.

"Lumabas nga ako para sa peace of mind, eh, pagkatapos aasarin niyo lang akong dalawa?" Tanong ko at umirap. "But seriously, as of the moment, wala talaga akong lovelife."

I sighed and leaned on the grills.

"Kaya nga nakakainggit kayo." Dagdag ko pa.

In short, nakakainggit si Kuya Persiah... Because he got Alliana. He is married to her. He was so lucky enough for that.

Damn it, why am I even thinking about this? I am not affected, no!

"Don't worry. Makakatagpo mo parin naman ang para sa'yo." Kuya Primiel assured.

Umirap lang ako.

Bumalik ulit ako sa loob.

Lumiko rin naman. I'm making my way to the comfort room. I need to retouch.

Hindi na ako nakaatras nang makita na nandito rin si Alliana. She's retouching too.

Pumasok nalang ako at nagsimula na ring magretouch.

"You looked beautiful tonight." Tipid niyang sagot.

Lumunok ako.

Always naman.

"Thank you." Tipid ko ring sagot.

Mga Hakbang Palayo SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon