HINDI MAWALA-WALA ang ngiti ko ngayon habang inaalala ang mga bagay na nangyari sa pagitan namin ni Alliana... I mean, who would forget that moment? I can't believe that she praised me. Damn this, I'm being oa.
Hindi pa natatapos ang birthday ni Lolo. Om the way na kami sa beach na pag-iistayan namin. Para maenjoy rin ang pagkakataon na nandidito ako sa Iloilo!
"Hoy!" May pumitik sa noo ko!
The heck!
Hinimas ko ang aking noo at sinamaan ng tingin si kuya. "Oh ano na naman?!"
"Ang saya mo talaga kapag kasama ako. Panay ang ngiti mo." Assuming na pagkakasabi niya.
Pambihira, bilib na bilib na naman sa sarili.
"For your information, hindi ako kinikilig sa'yo! Kengkoy ka talaga! Feeling gwapo." Sabi ko.
Why did I even went on this vacation with him? Kahit kailan talaga 'tong si Kuya Primiel, parang unfertilized parin ang utak.
"Sige, magsinuplada ka pa. Mas lalo kang nagiging iguana...".
"BWISET." May diin kong sambit.
"Pero seryoso, may iba kang gusto? May nanliligaw na daw sayo?"
Nakita ko na napalingon sa direksyon ko si Alliana.
Hindi ako makapagsalita kasi bahagyang namula ang pisngi ko. Uminit.
Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Damn it... Bakit ako na-speechless?? May crush? Wala.
Imbes na sumagot, kay Kuya Persiah ako tumingin. Ibubuntong ko nalang sa kaniya ang lahat ng inis ko kay Kuya Primiel.
"Bakit kasi sinama-sama mo pa si kuya Primiel ngayon?! Nakakainis naman..." Sinisisi ko si kuya Persiah.
"Damot mo naman, Brat. Hindi naman tayo siksikan dito. Sharing is caring." Si kuya Primiel.
"Sa'yo ba nakaupo si Primiel para mainis ka sa kaniya? Hindi naman tayo siksikan..." kuya Persiah defended.
"Kaya nga, hindi naman kita inuupuan. Hindi din kita pinapakialaman." Si Kuya Primiel.
"'Yang kengkoy mong ugali ang nagpapainit ng ulo ko! Palitan mo nga 'yan!" Mabuti nalang at hindi siya ang nakatuluyan ni Alliana! Kasi maaawa talaga ako kay Alli if ever.
Currently, I am left alone with Alliana. May binili sila Kuya sa bayan. Nagkakatitigan lang kami ni Alliana... May mga time din na kinakausap niya ako pero tinitipid ko siya ng mga sagot... Ayaw kong ipahalata na para bang, ang saya ko?
"Oh, chocolates. That's good..." May inabot siya sa'kin. It's a bar of chocolate.
Why is she this calm? Hindi naman siya ganito, e... Mostly mainitin talaga ang ulo niya. Sana pinabayaan niya lang akong nilalamon ng inis dito.
Hindi nalang ako nagsalita, kundi ngumuso. I don't want to act immature in front of her... Gusto kong maging mature.
Nang mafall siya ulit sa'kin at bumilib? No! Para maipakita sa kaniya about how much I had changed! Ganun yun!
"Maulan-ulan ngayon. Perfect time to eat batchoy..." I said, looking outside the resto.
Aalis na sana kami. Umulan naman kaya kailangan naming magstay dito. Nang tumigil na ulit ang ulan, napagdesyunan naming kumain sa resto.
The rain is pouring hardly. Malamig ang paligid. Naka-order na kami ni Alliana, kailangan lang naming mag-antay. Magte-takeout pa ako mamaya para sa mga Kuya ko. Para hindi sila maghinala at para din hindi sila magalit pagkauwi ko.
BINABASA MO ANG
Mga Hakbang Palayo Sayo
RomancePinag-aagawan ng dalawang kambal si Alliana Acramonte na isang supermodel. The twins are both hot as hell. They're are handsome too. But in the end, she chose the twin's little sister eventhough she's not in the choices. Mas nainlove siya sa bunson...