Chapter 4

87 5 0
                                    

One month before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One month before the retreat

ADRIEN

Gusto ko pa sana tumambay dito sa basement ngunit malapit na ang first class namin. Hindi naman ako matalino, hindi rin ako mahina sa acads. Sabihin na lang natin na ayaw ko lang talaga maging repeater ng subject lalo na at second year college na ko.

Kahit mayaman ang pamilya ko, mahigpit ang magulang ko pagdating sa pag-aaral.

"He r-raped me, wala ka pa rin bang gagawin?" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang familiar na boses na iyon. Isa lang ang babaeng kilala kong ganito magsalita.

Malambing at palaging mahinahon.

Si Valerie...

Nagtago ako sa gilid ng isang SUV para hindi nila ako makita. Ayaw ko mang maging chismoso ngunit ang awkward kung magpapakita ako sa kanila.

Teka, sino ba ang kausap niya?

"I already confronted him! You said you don't want to ruin your reputation, hindi ko na alam anong dapat kong gawin, Val. Hindi ko alam kung kanino ko pa dapat sabihin!" Nabigla ako sa pag sigaw ni... Casimir?!

What the fuck is going on here?! Her girlfriend is almost raped and he didn't do anything?!

Magpapakita na sana ako ngunit narinig ko ang mahinang paghikbi ni Valerie.

"Can your friends help me? No—no, I'm sorry, ayaw kong malaman ng iba 'to, natatakot ako."

"You don't have to be scared, nandito ako, Val."

"Ayaw ko pa rin—"

"I'll respect your decision, Val. Pero don't let him go near you. Nagseselos ako at baka mapatay ko lang ulit siya."

"N-Nagkataon lang kasing magkaklase kami sa subject." Ang malambing na boses ni Valerie ay napalitan ng takot.

Sinilip ko sila saglit, niyakap ni Casimir si Valerie.

Oh, so this is the other side of Casimir the sweet side of him.

Lumabas na ako at hinayaan na makita nila, magkukunwari na lang akong walang narinig.

"A-Adrien?!" Gulat na tawag sa akin ni Valerie.

Lumingon ako na parang hindi ko akalain na nandoon sila, "uy! Good morning!" Ngumiti ako kahit nakakaramdam na ako ng awkwardness.

"Kanina ka pa dyan?" Malalim na boses ni Casimir ang sumagot sa akin.

"Kakarating ko lang. Akala ko nga late na ako, kilala mo naman si dad." Palusot ko.

Napansin ko pang nagpunas ng mukha si Valerie gamit ang panyo niya na bulaklakin na kulay pink.

"A-Are you crying?" Tanong ko kahit alam ko naman pero iba pala kapag harapan mong nakita ang mga mata ni Valerie na tila hopeless.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon