Chapter 7

66 5 0
                                    


Four hours before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Four hours before the retreat

NATASHA

Sino nga ba ako? Hehe! Ako ang nataasan maging leader ng course namin. At dahil isa akong bida-bida ay cinareer ko na rin!

"Guys! Kailangan 'pag nasa retreat house na tayo ay sumunod kayo! Hindi pwede ang maingay doon, kaya nga retreat, eh! Kasi kailangan natin magbulay-bulay—"

"Oo na! Paulit-ulit, hindi pa tayo nakakaalis kanina ng campus sinabi mo na 'yan!" Putol sa akin ng isa sa mga lalaki kong kaklase. "Sana si Valerie na lang ang leader, eh! Para naman mahinhin lang at hindi katulad mo na parang tigre!" Pang-asar talaga 'tong isang 'to!

Pero speaking of Valerie.

"Pwede ba!? 'Wag na 'wag mo akong ikukumpara kay Valerie malayong-malayo kami!" Lagi na lang akong nakukumpara sa kanya, paano ba naman kasi talagang baliktad ang ugali naming dalawa.

Wala akong pakialam kung naririnig ako ni Valerie dahil nasa loob lang naman kami ng coaster van. Papunta na kasi kami sa retreat house.

Nakatayo ako at nakaharap sa mga kaklase ko, ang upuan ko kasi ay sa likod ng driver. Wala akong katabi dahil nag-iisa lang ang upuan dito sa harapan at parang pang professor lang or tour guide or hindi ko alam basta parang nakalagay ito para sa iisang tao lang.

Nagtatawanan ang lahat maliban sa isa... Isang babaeng nasa right side at katabi ng bintana.

"Bakit nakabusangot ang mukha mo, Valerie? Nalulungkot ka ba dahil ako ang leader mo?" Inis talaga ako sa babaeng ito! 

Kadalasan kasi ang mga katulad niyang masyadong mabait, mahinhin at parang walang pinapakitang ugali masyado ay sila itong may malalim na kapalpakan sa buhay! Ang lalim 'diba? Pero para sa akin kasi, ang mga katulad niyang babae ang may mas malalim na sikreto.

Hindi ako nito tiningnan. Kaya naman mas lalong umingay ang loob ng coaster van dahil sa ginawang mag snob sa akin ni Valerie.

At dahil hindi ako sanay nang ginaganito ay nilapitan ko siya.

Katabi niya si Maeve ang bestfriend niyang mukhang inggit sa kanya. Hayy nako... Plastikan ba naman?!

"Oh! Ano na naman problema mo?! Nananahimik si Valerie!" Inis na suway sa akin ni Maeve.

Tsk.

"'Wag ka nga, Maeve! Kahit nakita kita nung nakaraan lang na panay ang punta mo sa building nila Casimir?" Napalingon si Valerie kay Maeve saka ito bumaling sa akin, pagod na pagod ang mga mata niya na parang kagagaling lang niya sa pag-iyak.

"Oh?! Bakit ka ganyan makatingin?!" Ni walang nagsisimula ng ingay at lahat ay nakatuon ang tingin sa akin.

"Pwede ba, Natasha. 'Wag muna ngayon." Mahinhin pa ring sinabi ni Valerie.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon