Chapter 13

67 5 0
                                    

Three months before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Three months before the retreat

CASIMIR

"Tara na?" Pag-aya ko kay Valerie.

Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad so grocery store para mamili ng mga pwedeng iluto dahil napagdesisyonan namin na sa bahay kami magdi-dinner.

"Wala na ba tayong bibilhin?" Tanong ko pa dahil napansin kong para siyang hindi mapakali, baka may kulang pa.

"W-Wala na siguro tayong nakalimutan. Bayaran na natin 'to." Sabi niya at siya pa ang naunang maglakad.

Habang nakapila kami sa cashier, hindi pa rin mapakali si Valerie.

Bakit ba simula nang maging kami ay ganito siya?

"Val, may problema ka ba?" Kunot-noo kong tanong sa kanya, hindi na normal ang pinapakita niya. Tuwing kasama ko na lang siya para siyang laging kabado.

Natawa naman siya bigla kahit alam kong peke ang pagtawa niya ay sinakyan ko na lang siya. Siguro nga hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kilala ng lubos.

"Luh?" hindi pa rin nawawala ang tawa niya. "Ako pa talaga ang may problema? Eh, kung tutuusin wala naman akong dapat problemahin—at ang problema sa akin ay pinapadaan ko lang hindi ko tinatambayan. Kaya wala akong problema, Cas."

Ang dami naman niyang sagot sa simpleng tanong ko. "Okay."

Lalo siyang tumawa sa sagot ko, "kung anong kinahaba ng sinabi ko ayun ang kina-ikli naman ng sagot mo."

Bungisngis niya, hindi siya nagbabago talaga. Kung paano ko siya nagustuhan noon hanggang ngayon ganito pa rin siya.

Nang makauwi kami ay hinayaan ko na si mommy Zye at si Valerie sa kusina dahil ang sabi ni mommy ay surprise raw ang gagawin nilang putahe.

Kahit alam kong isa lang din naman 'yun sa paborito kong lutuin na ulam.

Bubuksan ko sana ang T.V nang makita kong bumababa na si Rayden.

"Mukhang mabango ang niluluto ngayon ni Zye—"

"Kapal talaga ng mukha mo, ano?!" Inis ko siyang tiningnan. Simula talaga nang tumira ito sa amin wala nang ginawa kundi bastusin ang nanay ko.

Samantalang wala naman pakialam sa kanya ang tatay niya. Tsk! Hindi ko rin alam kung paano sila nagkatuluyan ni mommy.

"Luto na!" Masayang sinabi ni Valerie at nang makita niya si Rayden napansin ko ang pag-iba ng mukha niya.

"Wow! Ikaw pala ang nagluto, talagang masarap 'yan!" Sabi niya pa.

Tumayo na ako at hinila ko na si Valerie papasok ng kusina.

Naghain naman si mommy at isa-isa na kaming umupo sa hapagkainan.

"Tita Zye, thank you po, ah? Tinuruan mo po akong lutuin ang adobong manok na paborito ni Casimir." Nakangiting sinabi ni Valerie kay mommy.

"Gusto ko kasi kahit mawala na ako sa mundo, may papalit sa akin na ipagluluto ang anak ko ng paborito niyang ulam." Tumahimik kaming lahat.

Tiningnan ko pa si Rayden kung may sasabihin siya ngunit yumuko lang ito.

Tumikhim naman si Valerie.

"Bakit ka naman mawawala? Parang nagluto lang ng adobong manok, mawawala ka na agad?" Basag ko sa katahimikan.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero sinimulan ni Valerie ang pagtawa, na sinundan naman ni Rayden at huli si mommy.

Weird.

"Thank you, Val. Ang sarap ng pagkakaluto mo! Parang may bago na akong favorite!" Natutuwa kong puri sa luto niya.

Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang mag react ng ganito dahil nandito si Rayden.

Hindi ko man siya tingnan nakita ko ang pag-iling niya.

Natapos kaming kumain at nagsimula na si mommy mag-ayos kaya naman bilang pagbawi ko ay ako na ang nagprisinta mag hugas ng pinggan.

"Val? Gusto mo bang matulog muna sa itaas?" Narinig ko pang tanong ni mommy sa kanya.

Ganito talaga si mommy kay Valerie. Tinuturing na talaga nila ang isa't-isa bilang mag-ina. Gusto rin talaga ni mommy na iparamdam niya kay Valerie na hindi siya nag-iisa.

Hindi naman na tumanggi si Valerie at umakyat na siya sa itaas namin.

Nang matapos akong maghugas ng pinggan, inayos ko naman ang mesa. Napansin kong si mommy nanunuod ng T.V. akala ko ay kasama niya si Valerie sa itaas.

Lumapit ako sa kanya, "tulog si Val, ma?"

"Oo. Parang pagod na pagod ang batang iyon kaya pinaakyat ko muna."

Hindi naman ako sumagot at umakyat na ako.

Kadalasan natutulog si Val sa kwarto ni mommy. Kaya doon ko siya pinuntahan muna.

Ngunit pagbukas ko nang kwarto ay walang Valerie ang nakahiga doon.

"Val! Sumagot ka! Anong alam mo?!" Naririnig kong sinasabi ni Rayden.

Kaya naman pumunta agad ako sa kwarto ni Rayden. Hindi na ako para kumatok kaya binuksan ko agad ang pintuan.

Nadatnan ko si Rayden na nasa ibabaw ni Valerie.

Nakahiga si Valerie sa kama ni Rayden.

Habang nakahawak pa si Rayden sa dalawang kamay ni Valerie.

Nandilim ang paningin ko.

Sa kanilang dalawa...

Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko dahil parehas akong galit na galit sa kanilang dalawa!

Lumapit ako kay Rayden at walang intro-intro tinanggap niya ang malakas na suntok ko sa panga niya!

"T*ng*na ninyong dalawa! Ang kapal ng mukha niyo!" Ilang ulit ko pang sinuntok si Rayden, nakahawak ako sa kanyang damit at bumwelo para matamaan ko ang mukha niya maigi. Habang si Valerie ay nakahawak sa braso ko.

Kaya naman marahas kong binitawan si Rayden at saka ako humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at kaba.

Paatras siya ng paatras hanggang sa tumama na ang likuran niya sa pader.

"Wala ka nang maatrasan, hindi ka pa rin sasagot?" Hinawakan ko ang bibig niya. "Ano hindi ka pa rin sasagot?! Ano ba gusto mong mangyari?! Ang tuhugin kaming dalawa?! Tatlo nila Emir?!"

Sa halip na makatanggap ako ng maayos na sagot at nakatanggap ako ng malakas na sampal.

"Hindi mo alam kung anong kaya kong isakripisyo para sa'yo!"

"He actually raped me! Pinipilit niya ako sa bagay na ayaw kong gawin!" Malakas niyang sigaw habang turo-turo si Rayden.

Nang balingan ko nang tingin si Rayden.

Nakaupo lamang siya sa sahig habang nakasandal sa pader.

"Anong nangyayari dito?!" Dumating si mommy at niyakap ni Valerie si mommy.

Napayuko na lang si Rayden habang ako hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.

"Anong nangyayari sabi!"

"I rap—"

"Wala! Wala, mom!" Halos sabay-sabay pa silang tumingin sa akin. "Walang nangyayari."

"Bakit umiiyak si Valerie?!"

Ngunit, tiningnan ako ni Valerie nang malungkot at para bang nawalan siya ng pag-asa.

"A-Aalis na po ako, Tita Zye."

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon