Chapter 6

77 4 0
                                    

Dahan-dahan akong umupo dahil ang upuan dito sa theater ay katulad ng upuan sa sinehan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahan akong umupo dahil ang upuan dito sa theater ay katulad ng upuan sa sinehan.

"Alam na ba niya?" Malalim ang boses ng lalaki, parang familiar ang boses na ito ngunit hindi ko maisip kung saan ko ba narinig pero malakas ang hinala kong kilala ko ang may-ari ng boses na ito.

"H-Hindi pa." Umiiyak na boses ng babae... napakunot ang aking noo hindi ko masyadong makilala ang boses na ito ngunit sa tingin ko rin ay kilala ko rin ito.

"Alam mo na ang kapalit–"

"Kapag ba nakuha mo na ang gusto mo titigilan mo na ako?!" Gusto kong magpakita sa kanila ngunit parang may pumipigil pa sa akin.

"Pag-iisipan ko. Basta sundin mo lang ang mga gusto ko. Kapag tinawagan kita, sumagot ka–"


"T-Tigilan mo na ako pagkatapos nito!" Pagmamakaawa ng babae.

"'Wag kang maingay! Baka gusto mong mapadali ang buhay mo?!" Gigil na sagot ng lalaki sa kanya.

Hindi na ako nakapagpigil, tumayo na ako at wala na akong pakialam kung makalikha man ako ng ingay o ano. Ang gusto ko lang ay ang makita ko kung sino ang mga nasa likod ng boses na iyon.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight.

Nang itapat ko iyon sa aisle nabigla pa ako ng napatingin din sila sa direksyon ko.

"E-Excuse me?! Sino ka?!" Gulat na tanong ni Maeve kasama ang iba pang kasali sa theater.

Hindi nila ako masyadong makita dahil nakatapat pa rin ang flashlight sa kanila.

Pinatay ko ito at tumakbo na ako palabas, nakakahiya! Sh*t! Nakakahiya!

Binuksan ko na ang pinto palabas ng theater ngunit siyang pasok naman ni Valerie.

"Cas? A-Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong, napatingin ako sa taong nakasunod sa kanya.

"Bakit ba parang gulat na gulat ka sa tuwing makikita mo ako?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Eh, kasi 'di ba sabi ko sa'yo 'wag mo na ako hintayin?"

"Bakit kasi kasabay mo si Emir?"

"Nagkasabay lang kami bumili ng meryenda." Singit ni Emir sa usapan namin ni Valerie.

"Kung anu-ano nasa isip mo, sige na. Umuwi ka na."

Hindi na ako nagpaalam ng maayos, binangga ko pa ang balikat ni Emir ng lagpasan ko silang dalawa.

Nanggigil ako! Gusto kong manuntok!

Kung hindi si Rayden ang kalaban ko si Emir na kaibigan ko naman!

~

Hindi ako umalis.

Hindi ako umuwi.

Hinintay ko si Valerie hanggang mag alas syete na ng gabi, unti-unti nang naglalabasan sa theater ang iba pang myembro.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon