Chapter 5

89 5 0
                                    



Four months before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Four months before the retreat

CASIMIR

"Anong plano mo for today?" Tanong sa akin ni mommy.

"Ano po bang dapat maging plano ko ngayon?"


"The hell?! Ano kaya nagustuhan sa'yo ni Valerie?" Natatawang sinabi ni Rayden. Pati tuloy si mommy ay natatawa na rin. "Tsk! Siguro ay nilagyan mo ng love potion para mahulog siya sa'yo."

Tiningnan ko siya ng seryoso, "bakit ganun ba ang gagawin mo? Or... should I say, gawain mo ba 'yun para makuha ang babae? Pathetic."

"Tumigil na kayo! Baka mamaya ay magsuntukan na naman kayo!" Saway ni mommy sa amin. "Baka mamaya ay pag-awayan n'yo na naman si Valerie!" tumingin si mommy kay Rayden, "hayaan mo na sila, Ray—"

"Wala naman po akong ginagawa, Tita–"

"Mommy, Rayden." Pagtatama ni mommy sa kanya. Tsk, hindi ko naman talaga 'yan kapatid. Anak 'yan ng napangasawang bago ni mommy. "O'sya. Mag-ingat kayo ni Valerie." Bumaling si mommy sa akin at saka tumalikod na para bumalik sa kusina.

"To answer your question? Kung ayun lang pala ang magiging solusyon para makuha ko ang gusto ko... bakit hindi? Pero dahil mas magaling kang umagaw, mas gagalingan ko rin—"

"Don't you dare." Putol ko sa kanya at saka ako lumabas ng bahay.

Alam kong may gusto siya kay Valerie pero dahil wala akong tiwala sa kanya kaya inunahan ko na siyang sabihin kay Val ang nararamdaman ko.

Grade six nang maging kaklase ko siya pero third year high school kami ng magkagusto ako sa kanya hindi kami close sa isa't-isa. Fourth year high school, hindi na kami magkaklase hanggang sa maka-graduate kami at 'di ko akalain na parehas pa rin kami ng eswkelahan ngayong college.

Magkaiba man ang course namin ngunit may isa, dalawa o tatlong subject ang parehas namin.

Mahal ko siya, mahal na mahal pero dahil sa nangyari sa magulang ko parang naiba ang definition ko sa pagmamahal. Dapat pala hindi nakakasakal, minsan kailangan mo rin ipakita na matigas ang puso mo para hindi ka nalilinlang.

Kaya kahit gustuhin kong maging malambing sa kanya para akong pinipigilan ng isip ko.

~

Nadatnan ko si Valerie sa labas ng gate namin nang buksan ko ito.

"Bakit ka hindi pumasok?"

"Ah–kasi ano..." mabilis pa itong sumilip sa loob ng bahay namin, "...kakarating ko lang kasi." Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

Hindi pa nangangalahati ang araw buhat nang sagutin niya ako. Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang maging kami, ayaw kong magkaroon ng dahilan agad para paghinalaan ko siya.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon