Chapter 16

63 5 0
                                    

Three months before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Three months before the retreat

RAYDEN

Sa bahay na ito sakto lagi ang gising ko, saktong laging nagluluto na si Zye.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at bumaba na ako para kumain.

"Mukhang mabango ang niluluto ngayon ni Zye—"

"Kapal talaga ng mukha mo, ano?!" Natatawa ako sa naging reaksyon niya, as usual. Pero wala naman akong pakialam.

'Di ko na lang siya pinansin pa at nagdiretso na ako bumaba.

"Luto na!" Nandito pala siya... Buti na lang at nandito siya, kasi kailangan ko siyang makausap. 

"Wow! Ikaw pala ang nagluto, talagang masarap 'yan!" Sabi ko kay Valerie.

Pero ang asungot na si Casimir bigla itong hinila papasok ng kusina. Kung alam mo lang... Casimir baka mahiya ka na lang sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong umakyat dahil si Casimir na ang nagprisinta maghugas ng pinggan.

Nagpapakitang-gilas pa ang ungas.

"Val? Gusto mo bang matulog muna sa itaas?" Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa kwarto ko ay narinig kong sinabi ni Zye kay Valerie.

Kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Ito na ang nakikita kong pagkakataon para makausap siya ng masinsinan.

"Valerie." Tawag ko sa kanya habang nakasandal ako sa pintuan ng kwarto ko. Papasok na sana siya sa kwarto ni Zye pero mukhang alam na rin niya ang dahilan kung bakit ko siya tinawag. "Pwede ba kita makausap?"

"P-Para saan?"

"Val, hindi mo kailangan matakot sa akin. Ako pa magiging kakampi mo."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Paanong hindi mo kailangan ang tulong ko? Eh, magkapatid tayo?" I smirked. Lumaki pa ang mga mata niya at siya na mismo ang humila sa akin papasok ng kwarto ko.

"Bakit? Alam mo bang magkapatid tayo? Michelle... kilala mo ba si Michelle?!"

"Val! Sumagot ka! Anong alam mo?!" Hindi ko na napigilang hindi mapalakas ang aking boses.

"N-Nanay ko siya."

"Magkapatid nga talaga tayo?"

Hindi ako makapaniwala kahit alam ko na at dahil nalaman ko ang bagay na ito gusto ko siyang protektahan sana hindi pa huli ang lahat.

"Please, 'wag mong sasabihin muna kay Tita Zye at lalong kay Casimir. Hindi magiging maganda ang lagay ni Tita Zye at ayaw kong mangyari iyon, Rayden. Hindi ko gusto kong may mangyari sa kanila."

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan sa isa sa mga kwarto kaya alam kong anytime papasok na si Casimir dito dahil narinig niya siguro ang pagtaas ko ng boses kanina.

Hinila ko si Valerie sa kama at itinaas ko ang mga kamay niya, akmang hahalikan ko siya.

"Anong ginagawa mo!?" Nagpupumiglas na sinasabi ni Valerie.

"Kung gusto mong walang madamay, Val. Sumakay ka na lang. Ipakalat mong may balak akong gahasain ka. Saka na natin pag-usapan ang susunod pagkatapos nito–"

At sinasabi ko na nga ba.

Tinanggap ko lang ang mga suntok ni Casimir, at sa puntong ito. Aaminin kong tanggap ko ang mga suntok na ito.

Kung kaya ko lang sabihin ang totoo... bakit hindi? Pero dahil hindi pwede dahil baka isunod na ng gunggong na iyon ang nanay ni Casimir bagay na ayaw kong mangyari dahil wala naman kasalanan si Zye doon.

Pero dahil konektado ito sa tatay ni Casimir, sigurado akong kung sakali mang malaman no'n na alam na nila ang totoo, walang pangundangan gawin niya ang mga bagay na pagsisisihan namin sa huli.

Kaya para wala nang madamay, sana hindi pa huli ang lahat.

Kinabukasan...

Maaga akong gumising para puntahan si Valerie sa tinutuluyan niya.

Luminga-linga muna si Valerie ng tingin bago niya binuksan ang gate.

"Bakit? Pati ba dito ay pinupuntahan ka niya?" Tanong ko.

"O-Oo."

"Tangina! May nangyari na ba sa inyo?! Umamin ka!" Galit kong tanong dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang gagong yun at lalo ang sarili ko kung tama ang nasa isip ko.

Nagsimula na itong humikbi at ang simpleng hikbi ay napunta sa hagulgol. "Val! Bakit mo hinayaan mangyari ito?!"

"Pinilit niya ako! Ang dumi-dumi ko! Ang dumi-dumi ko! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Casimir ito! Nahihiya ako sa sarili ko," napayakap ako sa kanya. "Ang dumi... dumi ko na."

"Sasamahan kita sa pulis! Isumbong natin to–"

"'Wag! Hindi pwede! Dahil marami siyang kapit sa kapulisan, ilang beses na niyang pinagtangkaan ang buhay ko sa bagay na wala naman akong ginagawa. Sinubukan ko na magreklamo sa pulis pero hindi ako pinapakinggan. Gawa-gawa ko lang daw ang mga nangyari, kaya wala na akong tiwala sa pulis." Umiiyak pa ring kwento nito. "Nang malaman niya ang ginawa ko dahil may nagsumbong sa kanya, pinuntahan niya ako agad at sinabi niya sa akin na papatayin niya si Tita Zye."

Kailan ba siya hihinto sa paghihiganti?

Nag-iisip ako nang pwedeng gawin. Dahil totoo ang sinasabi niya, maraming kapit talaga iyon.

"Makakapatay talaga siya ng tao dahil miski ako muntikan na niyang patayin ng malaman niya ang tungkol sa akin. Wala akong magawa kung hindi sumunod nang sumunod sa gusto niyang gawin ko."

"Pero 'wag ka masyadong sumunod, pinapakita mo lang na kaya mong sakyan ang gusto niyang gawin—-"

"W-Wala ka sa kalagayan ko, ilang beses na niya ako hinalay!"

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon