Chapter 15

66 5 0
                                    

A minute before Valerie's death

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A minute before Valerie's death

COHEN

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Casimir na balak pa yatang lumabas.

Kanina lang ay siya ang nakakita kay Natasha, kaya dapat sana kahit papaano ay maging ma-ingat siya lalo pa't hindi pa dumarating ang mga police na kailangan mag imbestiga sa nangyari.

Pinagbawalan din naman kaming makalapit sa crime scene, pero hindi ako komportable na may nakabulagta sa labas habang kami ay pagala-gala sa labas. Kahit pa hindi kami pwedeng dumaan doon. Hindi pa rin magandang tingnan.

"Kailangan kong makausap si Valerie—"

"Ikaw ang nakakita kay Natasha! Baka mamaya pagbintangan ka lalo na't may iniwan pang sulat ang pumatay. Tapos kinuha mo pa iyon!"

"Hayaan mo muna ako, Cohen. Gusto ko rin basahin ang retreat letter niya sa labas."

"Bahala ka, bro."

Bakit ba kasi lagi na lang ako 'yung nag aalala sa mga kaibigan ko.

Hindi ko rin talaga gustong mapasama sila lalo na't dalawang taon na lang magtatapos na kami ng pag-aaral. Siguro ako lang talaga 'yung kaibigan na gustong mapabuti ang iba kong kaibigan.

Bagay na hindi ko nararamdaman na ganun din sila sa akin pero sabi nga 'wag kang mag expect na ibibigay sa'yo 'yung mga bagay na nabibigay mo.

Tatayo na sana ako nang tumayo si Emir at mukhang susundan din niya si Casimir.

Pinanuod ko kung paano sumarado dahan-dahan ang pintuan.

"CASIMIR!"

Nang sumigaw si Emir tumakbo ako papalabas at nakita ko si Emir na nasa kabilang kwarto lamang katabi ng kwarto kung nasaan kami.

At nakita ko si Casimir na hawak ang kutsilyo. Duguan ang buong damit habang yakap-yakap niya si V-Valerie?!

Si Valerie?!

"C-Casimir?! Anong ginawa mo kay Valerie?!" Lumapit si Emir sa kanya at kinuwelyuhan ito.

"W-Wala akong ginawa! Wala akong ginawa!" Sagot nito kay Emir habang nakatingin kay Valerie, "Valerie!"

"Valerie?!" Nasa likuran ko si Maeve na unti-unting pumapasok sa loob ng kwarto at lumalapit kay Valerie.

"What the hell did you do?!"

Wala nang lumalabas sa bibig ko.

Hindi pa masyadong maproseso ng isip ko ang mga nangyayari.

Ibig sabihin ng sulat na nakasulat kanina kay Natasha ay si Valerie.

Si Valerie ang kasunod.

Umalingawngaw ang sirena ng mga pulis.

"Casimir. Ibaba mo 'yang kutsilyo." Suhestiyon ko. "Paparating na ang mga pulis."

"No! No! I didn't do anything!" Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo ni Valerie at iniwan ang kutsilyong hawak niya kanina. Hinalikan pa nito ang noo ni Valerie bago siya tumakbo papalapit sa amin sa pintuan.

Tinabig niya kaming mga nakaharang sa pintuan at saka siya tumakbo ng tumakbo. Nilagpasan pa niya si Natasha na nasa hagdanan.

Hanggang sa nagdatingan na ang mga pulis at may kasamang mga forensic nurse.

Ang iba ay huminto sa bandang hagdanan kung nasaan si Natasha ang iba naman ay na kay Valerie.

Aalis na sana ako para hanapin sana si Casimir ngunit napahinto ako bigla nang marinig ko ang mas nagpatindig ng balahibo ko.

"Buntis?" Tanong ng isang police officer sa isang nurse.

"Oo, confirmed."

Buntis si Valerie?

Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga estudyante sa paligid ko.

Tumalikod na ako at iniwan ko na si Emir. Nakita ko si Adrien at tila siya walang pakialam sa nangyayari. Nang makita niya ako ay lumapit ito sa akin agad.

"'Wag kana mangialam dyan, Cohen."

"Hindi naman ako katulad mo, iisipin mo na naman ang mga magulang mo."

"Wala akong kaibigang kriminal kaya kapag nalaman pa nila dad na pumatay si Casimir sigurado papangit na naman tingin nila sa akin." Sabi nito at nagpauna na bumaba sa kabilang hagdanan dahil hindi pwedeng daanan ang hagdan kung nasaan kanina si Natasha. Doon nga dumaan si Casimir.

Si Casimir mismo ang gumagawa ng paraan para masira siya.

Hindi kaya pinatay talaga ni Casimir si Valerie? Dahil nalaman nitong buntis ito at hindi pa niya kayang panindigan? Pero parang imposible naman dahil may paraan naman para doon.

Maniniwala pa rin akong inosente si Casimir.

"Anong nangyayari dito?!" Tanong ni Prof. Sylverio.

Halos nanikip pa ang dibdib ko nang bigla siyang sumulpot! Lumabas siya galing sa kwarto kung saan nag ensayo kanina ang mga theater club kasama ang dalawa pang estudyante na parang walang kaalam-alam sa nangyari.

"Sir, may nangyari po kay Valeri–"

"Valerie?! Valerie Gomez?!" Gulat na tanong ni Prof. Sylverio. Saka siya pumasok kung saan nagkakagulo ang mga estudyante sa pintuan.

Hinayaan ko na sila doon.

Ang gusto ko lang ngayon isipin kung bakit nangyari ito ngayon.

Sino ba ang nag plano ng lahat ng ito?

At bakit kailangan nilang pumatay? Natatakot man akong bumaba mag-isa pero pinilit ko pa rin.

Napansin ko pa ang pagdilim ng buong retreat house dahil sa papagabi na rin at siguro dahil na rin sa mga nangyari.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon