Epilogue

82 6 1
                                    

AFTER SIX MONTHS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AFTER SIX MONTHS

CASIMIR

Anim na buwan na pala ang nakalipas...

Hindi na muna ako bumalik sa pag-aaral dahil sa trauma na naranasan ko sa nangyari. Umalis din kami ni mommy sa lugar na kung saan ako lumaki.

Naisip ni mommy na magsimula kaming muli.

Pagkatapos nang nangyaring iyon ay nabigyan namin ni mommy ng magandang burol at libing si Valerie, kasama ang baby niyang itinabi sa kanya sa loob ng kabaong.

Si Maeve naman ay hindi nakapunta dahil nagpapagaling siya. Na-diagnosed kasi siyang mayroong delusional disorder.

Habang si Emir naman ay pumalit sa pagiging president sa theater club.

Si Cohen naman ay nag change course dahil gusto niyang sundin ang pangarap niyang maging motivational speaker at laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil sa lahat ng kaibigan ko. Nalaman kong siya lang ang bukod-tanging hindi nag-isip nang masama sa akin.

Pero naiintindihan ko naman ang mga naramdaman nang iba, dahil ako ang huling taong nakita nilang kasama ni Valerie sa kwartong iyon.

Si Adrien naman ay ganun pa rin, sinusunod pa rin ang mga magulang niya.

Habang si Rayden ay nasa pangangalaga pa rin ng Psychiatric ward, pinili na rin talaga niya iyon dahil aware siyang nasasaktan niya pa rin ang sarili niya dahil sa mga nangyari kapag naalala niya. Sinisisi pa rin niya kasi ang sarili niya kung bakit nangyari ang bagay na iyon. Hindi ko rin siya masisisi dahil tatay niya ang dahilan at tumatak sa isip niyang napatay niya ang sarili niyang ama.

Kada linggo, dumadalaw kami sa kanya ni mommy at pinaparating namin na kapag nakalabas na siya ay kami na ang bagoong pamilya niya.

Tatanggapin namin siya ng buong-buo.

Ang noon na ayaw kong maging kapatid siya ay ngayon gusto ko na siyang maging Kuya talaga.

Nung nasa ospital kami, nakaconfine ako dahil nawalan ako ng malay at ginamot din ang hiwa ko. Habang si Rayden ay pinakwento sa kanya ang mga nangyari pati na rin ang mga naging plano nila ni Valerie, nandoon si mommy para maging suporta niya. Nang magkaroon ako ng malay ay sinabi sa akin ni mommy ang lahat.

At doon ko nalaman na pilit pala niya kaming prinotektahan, silang dalawa ni Valerie.

"Ano tapos ka na ba mamili ng bulaklak?" Tanong sa akin ni mommy.

"Oo, ma. Magugustuhan kaya ito ni Valerie?" Tanong ko sa kanya.

"Si Valerie, anak... hindi ko kailanman nakitaan ng kaartehan, kaya alam kong magugustuhan niya kahit ano pang bulaklak ang ibigay mo sa kanya." Sabi ni mommy.

Kasalukuyan kaming papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Valerie. Unang undas niya ito, masakit man ngunit alam kong masaya siyang umaarte sa teatro sa itaas.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul) 🎉
The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon