Chapter 12

68 4 0
                                    

One hour before Valerie's death

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One hour before Valerie's death

(Romeo and Juliet play)

VALERIE

Kasalukuyan nang isa-isa kaming pumapasok sa kwarto kung saan kami nag-usap kanina ni Casimir.

Dito kasi napili ni Prof. Sylverio para mas malaki at ma-execute namin ng maayos ang pag-arte namin. May mga design, props at dala-dala rin namin ang mga costumes namin.

BENVOLIO (Ginanapan ni Kuya Chard, isa sa mga senior namin sa theater club)

Good morrow, cousin.

ROMEO (Ginanapan naman ni Rayden)

Is the day so young?

BENVOLIO

  But new struck nine.

ROMEO

  Ay me, sad hours seem long.

Was that my father that went hence so fast?

BENVOLIO

  It was. What sadness lengthens Romeo's hours?

ROMEO

  Not having that which, having, makes them short.

BENVOLIO

  In love?

ROMEO

  Out—

BENVOLIO

  Of love?

ROMEO

Out of her favor where I am in love.

Narinig ko pang naghiyawan ang mga blockmates ko pati na rin ang Marketing students na mga blockmates naman nila Casimir.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sarap ng nararamdaman ko ngayon. Ang pagsali ko sa theater club ang naging pangalawang pamilya at tahanan ko dahil dito ko nailalabas ang mga sakit at hirap na pinagdadaanan ko.

Dito ko nailalabas lahat.

Sumilip ako ng bahagya sa kurtinang nagsisilbing divider namin mula sa ginawang stage.

Hinanap agad ng mga mata ko si Casimir.

Nakasimangot siyang pinapanuod ang pag-arte ni Rayden. Gusto kong matawa sa reaksyon niya ngunit sa kabilang banda ay gusto kong umiyak dahil miss na miss ko na siya.

Hindi kalayuan sa pwesto ni Casimir may nakaagaw ng pansin ko.

Ang mga matang iyon...

Malakas na tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa ulirat, "Valerie! Huy! Ikaw na ang papasok."

Ito ang scene namin ni Romeo, ni Rayden.

Hinawakan ni Rayden ang kamay ko. At alam ko at this moment, nakatingin na nang masama sa amin si Casimir.

Pero alam kong proud siya sa akin, hindi man niya sabihin at ipakita alam kong masaya siya para sa akin.

ROMEO

If I profane with my unworthiest hand.

This holy shrine, the gentle sin is this: My lips, two blushing pilgrims, ready stand. To smooth that rough touch with a tender kiss.

JULIET

Good pilgrim, you do wrong your hand too much, which mannerly devotion shows in this; for saints have hands that pilgrims' hands do touch, and palm to palm is holy palmers' kiss.

Lumapit si Rayden sa akin ng bahagya, sapat na para maging malapit kami sa isa't-isa.

At kunwaring hahalikan niya ako.

ROMEO

  Then move not while my prayer's effect I take. Thus from my lips, by thine, my sin is purged.

JULIET

  Then have my lips the sin that they have took.

ROMEO

  Sin from my lips? O trespass sweetly urged! Give me my sin again.

JULIET

   You kiss by th' book.

Hindi matigil ang hiyawan ng mga nanunuod sa amin dahil sa scene na ito. Pero alam kong hindi kabilang si Casimir sa mga naghihiyawan na iyon.

Pagkatapos nitong play namin ay excited na akong ibigay ang retreat letter ko at letter ko sa kanya para sa araw na ito.

Iba talaga ang ugali ni Casimir kaya hindi ko rin talaga natiis ang samahan siya sa loob ng isa't kalahating buwan. Dahil na rin sa muntikan na niyang mapatay si Emir sa suntok pati na rin si Rayden.

Miski ako ay natatakot sa ugali niyang ganun.

Nawawalan na siya ng control sa tuwing nagagalit siya, hindi na siya makapag-isip ng tama.

Naiintindihan ko naman siya dahil sa daddy niya na iniwan ang mommy niya, pakiramdam niya ay ganun din ang gagawin ko sa kanya. Buong buhay ko ay sumusunod lang ako lalo na't alam kong sa ikabubuti naman, ngunit hindi sa ngayon.

ROMEO

   I take thee at thy word. Call me but love, and I'll be new baptized.

Henceforth I never will be Romeo.

JULIET

What man art thou that, thus bescreened in night, so stumblest on my counsel?

ROMEO

   By a name, I know not how to tell thee who I am. My name, dear saint, is hateful to myself because it is an enemy to thee. Had I it written, I would tear the word.

JULIET

My ears have yet not drunk a hundred words of thy tongue's uttering, yet I know the sound. Art thou not Romeo, and a Montague?

ROMEO

  Neither, fair maid, if either thee dislike.

Iba na ang Casimir na nakilala ko noon.

At sasabihin kong talagang natatakot akong kasama siya kung noon ay kahit hindi siya magpakita ng lambing sa akin. Ngayon ay takot na ako. Takot na ako sa kanya.

Buhat nang muntikan na niya akong masaktan. 'Yung masabihan niya ng masasakit na salita kaya ko pang magbulag-bulagan at paniwalain ang sarili kong nagtitiwala talaga siya sa akin ng lubos.

Alam kong hindi niya iyon sinasadya ngunit alam kong maaari pa rin iyon maulit. At ang masakit? Baka hindi lang pananakit sa salita o pisikal ang gawin niya.

Baka pati ang patayin ako ay magawa niya.

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon