Chapter 9

66 4 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Three hours before Valerie's death

MAEVE

"Nasaan na ang sulat na gusto mong ipabigay kay Casimir?" Tanong ko kay Valerie.

Ang totoo niyan ay gusto ko lang talaga makita at makausap si Casimir dahil may mga bagay pa akong gustong klaruhin at aminin sa kanya.

"M-Mamaya na lang siguro... baka ako na lang ang magbigay para makapag-usap din kami." Nang sabihin niya 'yon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Hindi pwede! Hindi maaring mawalan ako ng dahilan ngayon para makausap si Casimir.

"Bakit? Pwede ko naman ibigay ngayon—"

"'Wag na, Maeve."

"Bakit nga?!" Inis ko ng tanong sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso, "mahal mo pa rin ba siya?! Kung mahal mo siya bakit mo piniling 'wag siyang kausapin ng ilang linggo para saan 'yun? Para saan 'yung ako inuutusan mong iabot ang mga sulat mo sa kanya?!"

"Hindi lahat pwede kong sabihin sa'yo. Hindi ba't gusto mo naman 'yun? Ang makalapit sa kanya? Wala rin naman sa pakiusap ko sa'yo ang yakapin siya." She sarcastically said to me. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa braso niya, bagay na lalo kong kinainisan. "Kahit mamatay ako. Akala mo ba mapapasayo si Cas?" She smirked.

Sasagutin ko na sana siya ngunit napansin kong papalapit sa amin ang epal naming leader.

"Hindi pa ba kayo papasok?" Tanong ni Natasha, bumaling siya kay Valerie. "Hinahanap ka na ni Prof. Sylverio para sa play ninyo nasa secondfloor sila kanang kwarto. Nandoon na rin sila Emir."

"Dito muna ako, bes." Nagpaalam pa sa akin si Valerie at saka siya tumalikod kasama si Natasha.

Masyado ba siyang nababaitan sa akin?

Pumasok na ako sa room kung saan nagsama-sama na ang dalawang course.

Pagpasok ko pa ay siyang papalabas ng tropahan nila Casimir.

"Saan kayo pupunta, magsisimula na raw ang play ah?" Tanong ko kay Casimir.

"Ah, may naiwan lang si Adrien sa coaster."

"Sama ako." I volunteered. Ito lang din ang chance ko para makausap siya. Sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako. "Gusto din kitang makausap."

"Sasama ka pa ba, Cas?!" Inis na tanong ni Adrien na nauuna nang maglakad kasama si Cohen.

"Hindi na." Simpleng sagot ni Casimir, napangiti naman ako. Bumaling ito sa akin nang umalis na ang mga kaibigan niya.

"Anong sasabihin mo?"

May kinuha akong sulat sa bag ko.

Inabot ko ito sa kanya, "read it. It's her last letter for you."

Sumimangot ito ngunit kalaunan din ay tinanggap niya ang iniabot kong sulat. "Nahihiya daw siyang lumapit sa'yo."

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon