Chapter 11

66 4 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Two days before the retreat

RAYDEN

Life sucks!

Buhay pa ang mga magulang ko ngunit pinili nilang iwan ako sa hindi ko naman kadugo. At much worst, kabit pa ng tatay ko.

So far... nage-enjoy naman ako. Masaya akong nakikitang nasisira ang buhay ni Casimir.

Masyadong mabait kasi si Tita Zye sa akin parang tinuturing niya talaga akong anak kaya ang hirap din talaga makita siyang problemado sa amin ni Casimir.

Si dad naman ay hanggang ngayon hindi pa umuuwi dahil sa dami ng dapat gawin sa business namin at doon ko rin napatunayan na hindi pera ang habol ni Tita Zye sa dad ko. Dahil may mga pera na pinapadala si dad sa kanya pero iniaabot sa akin ito ni Tita Zye.

Pero kahit gaano kabait si Tita, hindi ko pa rin mapigilang hindi siya pag-isipan ng masama dahil iyon ang isang dahilan ko kung bakit ako pumayag kay dad na sumama dito.

Ang iparamdam sa kanyang kabit siya.

Mahirap man pagsabihan siya ng masama ngunit mas naaawa ako sa mom ko.

"Hindi ka pa ba papasok, nak?" Nandito pa rin pala siya. Nakaupo ako ngayon sa high chair dito sa kusina, without looking at her, kumuha ako ng tubig sa refrigerator.

"Don't call me like that. I'm not your son." Magsasalin na sana ako ng tubig sa baso ngunit mabilis niyang kinuha ang baso sa kamay ko.

"Nandito ka sa bahay ko, anak ka ni Samuel kaya anak na rin kit–"

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at saka siya hinila papalapit sa akin.

Nilapit ko ang aking mukha sa kanya, "hypocrite. Anong tumatakbo sa isip mo 'pag nakikita mo ako? Hindi mo ba naiisip ang mommy ko?"

Sa halip na makakuha ako sa kanya ng sagot. Tinulak niya ako ng buong pwersa at saka ko lang napagtantuan ang ginawa ko nang makaramdam ako ng hapdi sa aking pisngi dahil sa pagkakasampal niya sa akin.

"Kung hindi mo ako nirerespeto bilang girlfriend ni Samuel, respetuhin mo ako bilang babae!"

Sa sinabi niya bigla na lang nandilim ang paligid ko, para bang may sinabi siyang ayaw kong marinig ngayon.

Ginala ko ang paningin ko at nang makita ko ang kutsilyo hindi kalayuan sa pwesto ko ay agad ko itong kinuha at itinutok sa kanya.

"Sinira mo ang pamilya ko! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na respetuhin kita?! Bilang ano? Bilang kabit ng tatay ko? N-Nahihibang ka ba?!"

"I-Ibaba mo 'yan, Rayd—"

Niyakap ko siya habang nakatutok pa rin ang kutsilyo sa kanyang leeg.

"You're not his girlfriend, nor his lover. But his M-I-S-T-R-E-S-S! I spelled it out for you in case you forget." Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan and it makes me more want to scare her. "Are you not going to answer?" Nilapit ko pa ang aking bibig sa kanyang tainga dahilan upang mas manginig pa siya.

Tsk.

Binitawan ko siya, akmang aalis na sana siya ngunit muli kong hinila ang kamay niya papalapit sa akin.

"'Wag na 'wag mong sasabihin kay Casimir ang tungkol dito." Tumango siya ng dahan-dahan na tila nagdududa pa siya sa sinabi ko. "Kapag nalaman niya ang tungkol dito, sisiguraduhin kong masisira ang buhay niya."

"P-Please, Rayden. Malinis ang intensyon ko sa dad mo at sa'yo–"

Sa gigil ko sa sinabi niya, muli kong itinutok ang kutsilyo sa mukha niya. "You–fuck! You better shut your fucking mouth!"

Anong pinagsasabi ng babaeng ito?! Paanong naging mabuti ang ginawa niya sa pamilya ko?!

"You ruined my family, bakit? Mas magaling ba si dad sa kama kaysa sa asawa m—" Sa pangalawang pagkakataon... mas malakas sa una ang sampal na natanggap ko.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo! Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng pagtaksilan!"

"Z-Zye?! Anong ginagawa mo sa anak ko?!" Parehas kaming napabaling sa lalaking nagsalita.

Dad?

Parang nanghina ang kamay ko at kusang nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.

At wala pang tatlong segundo nang magkabaliktad na kami ng sitwasyon ni Zye. Ako ang naman ang bihag niya.

"Samuel? Tinanggap ko ng buo ang anak mo dito pero para bastusin niya ako sa sarili kong bahay at pagtangkaan pa niyang patayin. Ibang usapan na 'yon." Hinila ni Zye ang buhok ko na halos mawalan na ako ng balanse dahil sa pagkakahila niya rito. Itinutok niya ang kutsilyo sa aking leeg.

"Zye, bata lang 'yan si Rayden. Si Casimir isipin mo—"

Nanginig ako nang makita kong may tumutulong dugo sa damit ko.

"Akala mo ba mapapatay mo ako? Uunahin na kita!"

"DAD!" Malakas kong sigaw ngunit nakita ko siyang nakatingin sa akin.

Tingin niya sa akin sa tuwing may bagay akong ginagawang hindi niya gusto.

Disappointed.

Wala na akong maramdaman para bang hinayaan ko na lang tumulo ng tumulo ang dugo sa katawan ko.

"Rayden!"

"Rayden! Uy!"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Panaginip.

Panaginip lang.

Huminga ako nang malalim at bumaling ako sa babaeng gumising sa akin.

"Rayden, okay ka lang ba?!" Nag-aalalang tanong ni Valerie.

Hinawakan ko ang pisngi niya ngunit umiwas ito agad dahil sa ginawa ko. "Val," iginala ko ang paningin ko at nasa theater kami. Nagpa-practice nga pala kami. "Sorry. Nakatulog na pala ako."

Hindi magandang pangitain.

Hindi magandang panaginip, alam kong may ibig sabihin ang panaginip kong iyon.

Iginala ko pang maigi ang paningin ko dahil pakiramdam ko ay may taong nagmamasid sa akin sa malayo.

Nang tingnan ko ang itaas na bahagi ng theater ay masyadong madilim ngunit mahahalata mo pa rin ang taong nakaupo sa itaas, hindi lang pala siya nag-iisa. Kung hindi dalawa sila.

Dalawa?

Hindi ko man nakikita ang mga mukha nila ngunit para bang nakikita kong nakatingin sila sa amin ni Valerie ng diretso.

Nang tumayo na si Valerie ay sumunod na rin ako.

"Tara na, umuwi na tayo." Sabi ni Valerie sa akin.

Sasagot pa sana ako ngunit naramdaman ko ang pag vibrate ng cell phone ko.

Tiningnan ko ito agad.

Sender: Unknown Number

Kailan mo balak gawin ang inuutos ko sa'yo? Ako na ang gagawa kung nahihirapan ka.

Fuck!

Napatingin akong muli sa itaas. Sigurado akong sila ito! Ngunit wala na akong nakita, wala na sila dito!

Konti pa, konti pa makukuha ko rin ang loob ni Valerie. 

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon