Chapter 17

64 5 0
                                    

One month before the retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One month before the retreat

CASIMIR

"He r-raped me, wala ka pa rin bang gagawin?" Naiinis ako dahil ang hirap paniwalaan! Oo, nakita ko ng dalawang mata ko ang nangyari sa kanila ni Rayden nung last December kung saan nadatnan ko siyang nakahiga sa kama ni Rayden pero bakit kailangan pa niyang kausapin kung may nagawa na sa kanyang mali 'yung tao?

"I already confronted him! You said you don't want to ruin your reputation, hindi ko na alam anong dapat kong gawin, Val. Hindi ko alam kung kanino ko pa dapat sabihin!" Nung araw na nag-usap kami, ilang beses akong nagsabi na gusto kong magreklamo at sasamahan ko siya. Pero siya itong ayaw pumunta ng police station, ang dami niyang reason pero naiintindihan ko siya dahil natatakot siya.

Natatakot siya na baka masira nga talaga ang reputation niya at ang worst doon ay baka pag-usapan siya sa school at kumalat ang nangyari sa kanya at hindi siya makapag-aral ng maayos. 

"Can your friends help me? No—no, I'm sorry, ayaw kong malaman ng iba 'to, natatakot ako." Paanong tulong mula sa mga kaibigan ko? Si Adrien, ang magulang niya ay mahigpit pa sa mahigpit. Kung malaman nila ang tungkol dito alam kong papalayuin si Adriend sa amin. Si Cohen, wala rin kakayahan dahil kagaya ni Valerie malambot ang puso nun. Si Emir naman, nasa ibang bansa ang mga magulang niya.

Sa maikling salita, walang kinalaman ang mga kaibigan ko sa nangyayari sa amin, paano sila makakatulong?

Bakit sa akin parang wala siyang tiwala na matutulungan ko siya?

"You don't have to be scared, nandito ako, Val."

"Ayaw ko pa rin—"

"I'll respect your decision, Val. Pero don't let him go near you. Nagseselos ako at baka mapatay ko lang ulit siya." Wika ko, dahil tama naman ako. Nirerespeto ko si Valerie ng buong puso ko. Tapos makikita mo 'yung lalaking nakatira sa bahay ninyo ay pinagtangkaan siya ng masama.

Tapos makikita mo sila, magkasama, nagtatawanan pa. Parang walang nangyari.

"N-Nagkataon lang kasing magkaklase kami sa subject." Ang malambing na boses ni Valerie ay napalitan ng takot.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala pero dahil si Valerie ito, maniniwala pa rin ako.

Last month lang nalaman kong sila ang magiging bida sa Romeo and Juliet.

Buhat nang maging kami ni Valerie buong akala ko ay magiging masaya at tahimik lang ang relasyon namin.

Aminado akong marami akong pagkukulang dahil first girlfriend ko siya. Sa kanya lang ako naniwalang nage-exist talaga ang love.

Noon, si mommy mahilig magsulat ng letter kay daddy tapos babasahin ni daddy at the end of the year dahil sabi ni daddy kay mommy gusto niyang maging komportable sa kanya si mommy, na parang nagsusulat lang siya sa Diary.

Tuwing makikita ni daddy noon si mommy na nagsusulat na at nakasimangot, alam na ni daddy na mahaba-haba ang letter ni mommy sa kanya. Pero hindi niya agad iyon babasahin, hahayaan niya lang humupa at makitang nagsusulat ulit si mommy.

Bagay na akala ko gagana sa relasyon namin.

Mukhang mali pa yata ang ginaya ko ang ginagawa ng magulang ko. Tingnan mo nga hindi na sila nagtagal at pinili pa rin ni dad na iwan si mommy.

Last month, ganun na nga ang naging desisyon ni Valerie, ang magpahinga muna kami. Ngayon lang ulit kami nakapag-usap dahil nagkasalubong kami.

Isang buwan na lang naman...

Konting-konti na lang.

PRESENT (A MINUTE BEFORE VALERIE DIED)

MARCH 13, 2013

Lumabas si Valerie, gusto kong sabay namin basahin ang retreat letter namin sa isa't-isa.

Napakawalanghiya ko! Wala akong kwentang boyfriend! Napakatigas ng puso kong hindi siya napilit umamin sa mga ginawa sa kanya.

Nang mabasa ko sa coaster van ang mga sulat niya ay gusto kong manuntok! Gusto kong umiyak at humingi ng sobrang sorry sa mga pinagdaanan niya.

Ngunit wala na akong magagawa, pinili niya rin lumayo sa akin. At ngayon ko naiintindihan kung bakit niya naisip lumayo dahil wala akong kwenta.

Pinili niyang itago sa akin ang mga nangyari sa kanya nung December, lahat ng sulat niya noong buwan na 'yun ay hindi kumpleto at lahat ay pala-isipan.

'Yung sulat niya lang last week ang nagpagising sa akin.

Gusto kong bumawi sa kanya.

Gusto kong malaman niya na handa akong maging ama ng magiging anak niya. Magsimula nang panibagong buhay kasama silang dalawa.

Nang sundan ko siya ay pumasok si Valerie sa kabilang kwarto, katabi lang din ng kwarto na ito.

Nang buksan ko ang pintuan, kitang-kita nang mga mata ko kung paano niya nilaslas ang pulsuan ni Valerie.

"Hayop ka!" Sigaw ko at inagaw ko sa kanya ang kutsilyo. "Bakit?! Bakit mo ginawa sa kanya 'to?! Sino ka ba talaga?!" Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko nang makita ang dami ng dugong nawawala kay Valerie. Sinubukan ko pang takpan ito.

"Sino ako? Malalaman mo pag-uwi mo."

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon