Chapter 3

98 6 0
                                    

Tatlong oras matapos ang pagkamatay ni Valerie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlong oras matapos ang pagkamatay ni Valerie.

COHEN

Hindi ako naniniwalang makakayang patayin ni Casimir si Valerie dahil alam kong kahit hindi ipakita ni Casimir. Alam kong mahal niya si Valerie. Alam ko 'yun dahil ako ang nakakakita ng isang side ni Casimir, isang side niya na ayaw niyang ipakita sa ibang tao.

Pero kahit pa anong sabihin ko. Si Casimir ang matibay na suspect sa pagkamatay ni Valerie.

Dahil miski ako, nakita ko silang magkasama kanina at doon sa kwarto kung nasaan ang katawan ni Valerie na punong puno ng dugo siya lumabas. Nababalot din ng dugo ang damit na suot ni Casimir nun habang hawak ang mga sulat na pinaniniwalaan kong puro sulat ni Valerie sa kanya.

Gusto kong makuha ang loob ni Casimir. Gusto kong malaman ang totoong nangyari kanina pero miski ako ay nawawalan ng lakas ng loob at salitang gustong itanong.

"Cohen?"

"Huy!" Malakas na tapik sa balikat ang naramdaman ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong.

"Nasaan si Casimir? Hinahanap siya ng mga pulis, maraming kailangan itanong sa kanya." Alam kong nagsasalita si Adrien sa gilid ko pero tila pahina ng pahina ang boses na naririnig ko. "Huy!"

"Adrien, pwede ba? Mamaya na lang tayo mag-usap." Umalis ako sa harapan niya.

Hindi pwede, matalik naming kaibigan si Casimir. Hindi ko pwedeng hayaan na damputin na lang siya ng mga pulis. Hindi, kasi baka mamaya nagkakamali lang ako. Baka mamaya wala pala siyang ginawa.

T*ng*na! Gulong-gulo na ako!

Ano ba itong pinasok ni Casimir!

Nakita ko si Emir na kausap ang Theology Professor namin.

Gusto ko sana lumapit ngunit ayaw kong magkamali ng salita.

Hindi man ako ang pinakamalapit kay Casimir sa grupo ngunit para bang may nagu-udyok sa'kin na protektahan at paniwalaan siya.

Lumabas ako ng retreat house. Ang kaninang maaliwalas na bahay ay tila naging haunted house dahil sa nangyari kay Valerie.

Naging madilim ang paligid at lumakas ang hangin dahilan kung bakit nagliliparan ang mga patay na dahon na nagbagsakan sa lupa.

"Sir?" Halos matanggal ang kaluluwa ko sa katawan ng may tumawag sa akin.

"P-Po?" Utal kong sagot.

"Pwede ba namin kayo tanungin tungkol sa nangyari kanina? May mga suspicious acts ba kayong mapapansin kay Mr. Casimir Gorgon?" Tanong ng police officer.

Nakatingin ito ng matalas sa akin, diretso at seryoso. Alam kong konting pagkakamali ko lang sa tono ng boses ay baka madamay ako.

Dumiretso ako ng pagkakatayo at hinarap ko siya. Hindi ko pinahalata ang kaba na nararamdaman ko at huminga ako ng malalim, "wala po. Magkasama kami buhat ng pumasok kami sa loob ng retreat house."

The Good Girl's Last Letter (Duology #1: Haunted Lost Soul)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon