11 : Mixtape

5 0 0
                                        


***

Ginugol ko ang buong weekend sa pag-iisip ng mga sinabi ni Reon. Nairita akong marinig ang mga iyon... dahil alam kong iyon ang totoo. Ano nga bang gagawin ko kung makaalis ako sa bayang 'to? What would I do with my freedom, then? Fuck around? Inom? Bulakbol? Hanap ng interesanteng pagkakaabalahan? 'Di ba iyon na ang ginagawa ko ngayon?

What the fuck do I really want to do with my life?

Wala sa oras kong napasadahan ng tingin ang sarili habang naglalakad palabas ng school. Sinabi ba niyang talented ako? Saan ba namang parte 'yon?

Mahina akong nagbuga ng hangin at umiling sa sarili. Sino bang may pake ng mga 'yon? At bakit ba hanggang ngayon iyon pa rin ang laman ng isip ko?

Tamad at dire-diretso akong naglalakad papasok ng bahay nang marinig ko ang pagtawag ni Xander. Iritable ko siyang nilingon nang hindi ko pinansin at tinawag ako ulit.

"Ano?" Ngunit kasabay ng pagbaling ko sa kaniya ang pagkakagulat ko sa nakita. "Ginagawa mo rito?"

"Hi." Tipid na ngumiti at nagtaas ng isang kamay si Reon.

Kunot-noo kong ibinalik ang tingin sa kapatid na ngayon ay nakangisi at pinagmamasdan na ako nang mabuti. Tulad ko'y pareho rin silang nakauniporme pa.

"Ano na naman ang pakulo mo?" pabalang kong akusa nang manatili itong tahimik.

Sumulyap si Xander kay Reon at saka ito inilahad. Sa kaswal na tinig ay sinabi niya ito, "She's your tutor."

Wala sa sariling nasapo ng kamay ko ang strap ng bag na dumulas mula sa balikat ko. May halong gulat ang kunot-noo kong ekspresyon nang magsalit-salit sa dalawa ang tingin ko.

"Tutor?"

"Yes. You're going to be a senior soon but based on your current standing and grades, you're most likely gonna repeat tenth grade. Ayaw mo naman sigurong makarating pa kay Dad bago mo pagbutihin kaya..." Nagkibit-balikat siya na para bang may magandang bagay siyang ginawa para sa akin at dapat akong matuwa ro'n. "Mom asked me to find you a tutor so Ree's here for that."

"Tutor," ulit ko na para bang ibang lenguahe iyon na hindi ko maintindihan. Dahil hindi ko talaga maintindihan!

"Ginagago mo ba 'ko, Xander? Ano na naman ang trip mo?" Humakbang ako ng isa palapit sa kaniya ngunit hindi na iyon nasundan, nang humarang ang nakaunat na magkabilang braso ni Reon sa pagitan namin.

Bumaling ako sa kaniya para makitang nakatanaw siya diretso sa kawalan at walang ekspresyon ang mukha.

"MWF. Two hours," aniya.

"Ha?"

Bumaling ako sa kapatid nang tapikin nito ang braso ko.

"Good luck on your studies, kid brother. I'm sure Reon would be a great help." Tumango ito sa akin nang may makahulugang ngisi bago kami tinalikuran.

Kumurap ako at napausal nang mahihinang mura. Pagkabaling pabalik kay Reon ay para siyang napaso nang magtama ang tingin namin, kaya't mabilis siyang nagbitiw.

"Dito na lang ba o..." Tinuro niya ang sala, hindi makatingin sa akin.

Walang gana kong pinasadahan ng tingin ang tahimik na bahay, bago muling isinukbit ang strap ng bag sa isang balikat. Sumulyap ako sa kaniya at nag-umpisa nang maglakad.

"Sa kwarto ko."

"Huh? Kwarto mo? Kwarto mo... okay." Dinig man sa boses ang pag-aalinlangan ay narinig ko ang mga hakbang niya sa likod ko pasunod.

Between a Rock and a Hard PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon