Kahit ilang beses kong punitin at ulitin
Hindi ko na mababago ang mga nakatala
Sa luma nating pahina
Wala na marahil tamang salita
Kundi paalam at pagpapalaya
***
"I looked at him dead in the eyes and told him to go fuck himself and die."
Muntik nang naibuga ni Naik ang iniinom nang mapabunghalit ng tawa, habang nakikinig sa pagkukwento ng higanteng babae. It got something to do about her ex breaking up with her.
"Poor guy," kumento ni Vance. Ang katabi nitong si Reon ay nakangiwi at bahagyang natatawa habang umiiling. Si Naik ay tawa pa rin nang tawa.
Umakto ang higanteng babaeng nasusuka sabay singhal nito, "Kasalanan ko bang marami siyang insecurities sa buhay niya? If he can't get over himself and level with me then that's not my problem! It's not my responsibility to fix him or whatever! I'm not a soldier for me to fight his battles for him!"
"Lagi ka talagang galit 'no?" puna ko, bahagyang natatawa.
Tumarak sa akin ang matalim niyang tingin pagkabaling. "Normal kong tono 'yon, shithead!"
"Ah." Mabagal ang tango ko. "Default mode: angry. Rawr?"
Mabilis kong nasalag ng braso ang ibinalibag sa aking throw pillow ng higante. Naro'n kaming lima sa bakanteng VIP room ng bar. Maaga silang natapos sa isang gig kaya't napagdesisyunang magpalipas muna ng oras dito.
"She's right though. He's responsible to deal with his own shit."
Mula sa pagtawa-tawa ko'y bumagsak ang tingin ko sa nagsalitang si Reon. Hindi ko alam kung ako lang ngunit parang natahimik si Vance sa tabi niya o ano. Ilang sandali matapos niyang magbuga ng hangin ay tumayo siya at nagpaalam para mag-CR.
Ayaw ko mang punahin ay hindi ko maiwasan ang pagpansin sa pamumuo ng kaunting tensyon sa hangin. Sandaling katahimikan ang lumipas bago muling nagpatuloy sa kwentuhan ang tatlo. Lumipad naman ang tingin ko sa pintuang nilabasan ni Reon. Hanggang sa kalaunan ay nakapagdesisyon akong umahon sa pagkakaupo at sumunod sa kaniya palabas.
Bakante ang malapit na common CR nang marating ko iyon. Tsamba namang nadatnan ko siya sa balkonahe mula sa second floor, nang doon ako sunod na magpunta.
Nakasandig sa bakal na railings ang magkakrus niyang braso habang nakapahinga ro'n ang baba. Sinasayaw ng panggabing hangin ang maikli at asul niyang buhok kaakibat ng dilim, nang sandali kong pagmasdan.
"May sasabihin ka ba?" aniya, walang lingon.
Nasapo ko ang ulo at napakamot panandali ro'n. Sumandal ako sa haligi matapos, suksok ang magkabilang kamay sa itim na pantalon. Nakitanaw ako sa madilim na kalsada sa babang nililiwanagan ng mga poste ng ilaw. Tanging tunog ng madalang na pagdaan ng ilang sasakyan ang rinig sa katahimikan ng gabi.
"Si Nagi ba?"
Kumunot ng bahagya ang noo ko. "I'm not looking for her."
"'Di mo ba itatanong kung bakit hindi siya sumama?"
"Ano kayo ni Vance?"
She stiffened. Tuon naman ang buo kong atensyon sa kaniya hanggang sa wakas ay bumaling siya sa akin. Sa tagal ng ginawa niyang pagtitig ay wala siyang kahit anong sinabi. Muli lamang siyang nagbalik sa dating pwesto at nagbutonghininga ilang sandali ang makalipas.
BINABASA MO ANG
Between a Rock and a Hard Place
RomanceCarpe Noctem Duology #2 Youngest in the three Fabregas brothers, Alexis is known as the black sheep of the family. Growing up in a political ménage where his parents compelled him to be like them, he always felt like he's been in the wrong place his...