Chapter 11: Confession

43 6 0
                                    

Karina's POV

"I don't need your concern.." tumayo ako sa kinauupuan ko tsaka na sana aalis pero pinigilan niya ako.

"Karina.. Iniiwasan mo ba ako?" Rinig kong tanong niya. But he was telling the truth kanina ko pa siya iniiwasan. "I asked you earlier kung may nagawa ba akong mali?"

"I-its really nothing, Azi.." Inalis ko ang pagkahawak niya sa forearm ko. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapaiyak nanaman ako.

"Are you sure? Karina tandaan mo lang lagi nandito ako bilang kaibigan mo.." I clenched my fist and looked at him.

"Yun nga yung problema ko eh Azi. The way you only see me as a friend. Ewan ko ba kung manhid ka lang o ano, I tried my very best ways para ipakita or bigyan ka ng sign na may gusto ako sayo but you ignored the fact that I liked you.." Nagulat siya sa sinabi ko. Ako naman itong nanghihina na at pumapatak ang luha ko.

"Y-you liked me?" Hindi makapaniwalang tanong niya. I covered my mouth at hindi mapigilang mapaupo sa upuan dahil alam ko na ang kalalabasan nito pero hindi ko parin napigilan sarili ko na ilabas ang nararandaman ko para sa kanya. "So T-that's the reason kung bakit laging sakin ang attention mo.." I heard him whispered. "I'm sorry, Karina pero-" Rinig kong pag sosorry nito. Pero agad na akong tumayo at tumakbo paalis don dahil ayaw ko ng marinig ang susunod na sasabihin niya.

"W-wait karina!" Rinig kong tawag at pag hihinto niya sakin.

"Karina? Hoy san ka pupunta?" Rinig kong tawag at sabi ni Leona habang kasama sila Avery at Maddie na papunta palang papasok sa room namin pero eto ako ngayon tumatakbo papunta sa parking lot para puntahan ang kotse ko at makauwi na. Pero nagulat ako ng may  bigla akong nakabangaan.

"P-pasensya na." Pagpapatawad ko habang naka yuko pa rin ako. I didn't take a look at his/him kung sino man siya pero nagulat ako sa familiar na boses niya na bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

Napatingin ako sa kanya. "Where are you going running around like a maniac in the hallway?" Rinig kong tanong niya tsaka ako hinila papalapit sa kanya.

"L-let go, Haze! U-uuwi na ako." I said while resisting his hands on mine.

"You cried again aren't you?" He asked. "Iniwan lang kita ng ilang Oras umiyak ka nanaman? Just what kind of man is that Azi para paiyakin ka niya ng ganyan? Why did you even liked that guy..?" Rinig kong inis na sabi niya.

"It's none of your business so let me go Haze! Bitawan mo ako." Napatingin ako kay Tyrone at Roan na papalapit samin.

"Aye, What's going on here?" Tyrone asked, Alalang nakatingin naman sakin si Roan.

"Let her go Haze." Roan.

"Tsk, Fuck off. You two." He let go of me. Hindi naman mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko nanghihina lang talaga ako sa ngayon.

Hindi ko na sila pinansin at agad na dumeretso papunta sa parking lot. Pagdating ko sa sasakyan ko ay nagulat ako ng biglang pumasok si Haze sa loob ng sasakyan ko ng buksan ko ito. He was following me?!

"Haze, bakit ba-" Nahinto ako dahil seryoso niya akong tinignan.

"Give me your keys." Ma awtoridad na sabi niya kaya agad ko itong ibinigay sa kanya. I don't want to make him mad. "Get inside." Sumunod nalang ako tsaka pumasok sa likod ng sasakyan. "No not there." Huminga ako ng malalim tsaka nalang tumabi sa kanya sa front seat ng car ko.

"San mo'ko dadalhin?" Medyo malungkot na tanong ko sa kanya.

"Somewhere you probably have never went to."

Your Heart Calls My Name (Currently Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon