NAPA-HAWAK ako sa ulo ko dahil sa sakit, Alas dos na kasi ng umaga ako naka-uwi dahil sa trabaho, tapos ang aga pa ng first class ko. Ilang oras lang ata ang tulog ko. Hays, puyat nanaman.
Tumingin ako sa labas ng bintana, na ulan, ang sarap matulog. Hayaan na, babawi na lang ako mamaya ng tulog, wala naman akong pasok sa trabaho. Nag ta-trabaho ako sa isang coffee shop bilang isang waitress o kaya naman ay cashier depende kung saan mas kailangan. Minsan inaabot na ako ng madaling araw bago makauwi sa apartment kagaya na lang kagabi, open kasi ng twenty-four hours ang cofee shop at pang night shift ako.
Wala akong makausap kahit ang i-ingay ng mga kaklase ko. Hindi talaga ako magaling makipag-salamuha sa ibang tao kaya medyo hirap din ako lalo na pag kinakailangan kong makipag usap sa iba na hindi ko naman kilala. Gusto kasi ng magulang ko na mag home school ako dati, kaya medyo na hihirapan ako makipag-socialize. Ilan lang ang nga kaibigan ko at kasama na don sina Mari at Cris. Kasapi sa panilyang Tan.
Tan, ang angkan nila ay isa sa mayayaman sa asya, may roon silang ibat ibang negosyo na nag-kalat, hindi lang sa asya, pati narin sa europe.
Nasaan na kaya sila? Ang tagal naman dumating ng kambal late nanaman siguro ang mga yon, sana lang mauna silang dumating sa professor namin. Mahigpit pa naman at masungit 'yon, laging galit. Ayaw na ayaw din sa mga late pero sya yung laging late, ang gulo diba? May inis nga yung kambal don dahil puro pagawa ng mga project at activity hindi naman nag tuturo.
Tiningnan ko kunga nong oras na sa relo ko. Hmm, dalawangpung minuto pa bago mag simula ang klase.
"Beh, may chika ako sayo" Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala si Cris, isa sa kambal. Tumabi sya sa akin---sa kaliwa ko at inilapag nya yung bag nya. Teka nasaan ang kakambal nito? Na gala nanaman siguro.
"Asan si Mari?"
"Nasa Comfort room. Thyra, alam mo na ba?" Akala ko na gala nanaman, hilig kasi non na magala, daig pa si dora. Lagi din may kasamang babae, lingo-lingo bago. Si Cris naman ang hanap lagi ay tsismis at mga poging lalaki. Parehong baliko, kambal nga talaga. Buti pa ako straight.
As a circle.
"Ang alin?" Takang tanaong ko, ano nanamang tsismis kaya ang nasagap nito? Halos araw-araw meron. Hindi lumilipas ang isang araw na wala syang balita na dala, dapat pala nag Journalism na lang siya at hindi nag nursing.
"May bago daw tayong professor at papalitan nya raw si sir Alaras." Talaga? Seryoso? Siguradong masaya ang mga kaklase ko nito, nabawasan ba naman ng guro na masungit at laging may pa-project. At kasama na ako don. Hehe.
"At alam mo ba ang bata pa daw at ang ganda ng papalit kay sir, sexy pa. Usap-usapan din na may lahi raw ito at mayaman. Pinag u-usapan nga ng mga estudyante kanina dahil ngayong araw daw mag-sisimula ang pag-tuturo niya dito" Ah, mag-kakaroon na pala ng dalagang professor dito. Wala pa akong nakikitang guro na wala pang thirty ang edad dito eh, puro kasi may edad na at may asawa. Ewan ko din, baka naman kasi wala lang talaga akong nakikita na medyo bata pa na guro kahit meron.
"Sige, sana magaling siyang mag-turo at hindi masungit" Hindi na tinging saad ko. Sawa na ako sa masu-sungit na guro, high school palang lagi ng masungit nagiging adviser at subject teacher ko. Iilan lang yung hindi masungit eh. Pero kahit na masungit sila ay nagaling parin naman mag turo kaya ngayon ang gusto ko ay magaling nagturo yung bagong guro tapos hindi masungit.
"Sana nga, Tayo pa naman ang unang magiging students niya dito"
Unang estudyante? Eh sabi niya kanina ngayong araw mag sisimula mag turo yung bagong guro ah, pa-palitan niya na pala ka agad si Sir Alaras sa pag tuturo sa amin.
"Good morning madlang people! Pati narin sa isang pandak at panget di'yan" Napaigtad naman ako ng may isang babaeng biglaan na lang sumigaw. Sa lakas pa lang ng boses alam ko na ka agad kung sino. Si mari.
Ako ba ang tinutukoy niyang pandak? Grabe naman, porque five-one height ko. Bakit kasi biniyayaan sila tapos ako hindi? Daya.
Yaan na, kung wala naman kaming mga maliliit hindi sila mag mumukang matangkad. Tama, tama naman diba?
"Mas panget ka. Ano bayan, ang aga aga ang ingay mo" May pag ka irita sa tono ni Cris. Para talaga silang aso't pusa. Tamo baka mag-away nanaman ang dalawang ito. Bangayan na naman. Hindi ko na lang pinansin pa si Mari para hindi na ako lalong asarin, kilala ko to eh, pag nag papa-apekto ka lalo ka lang niya aasarin.
"Pake mo?" Masungit na sabi ni Mari sa kakambal sabay irap. Hindi na talaga mag kasundo ang dalawang ito. Lagi na lang nag aaway. Kailan ba 'to mag kakasundo?
"Tama na yan, mag-aaway nanaman kayo eh" Inawat ko na baka mamaya kung saan pa mapunta ang ang bangayan ng dalawang to, may pag ka baliw pa naman sila. Baka mamaya makita ko na lang nag sasabunutan o suntukan na to.
Hangang ngayon ay maingay parin ang mga tao sa loob ng silid na ito ngunit ang kaninang mala-palengkeng silid ay biglang natahimik ng nag-bukas-sardo ang pinto. Nag angat ako ng tingin at hindi maiwasang mapa tulala sa nakita.
Nasa langit na ba ako? A-ang ganda.
Isang napakagandang dilag ang nasa harapan namin ngayon na seyosong nakitingin sa amin.
Mayroon siyang asul na mga mata gaya ng karagatan.
Tunog lang ng takong nya ang maririnig sa buong silid.
Walang ni isa sa amin ang nagsalita, halos lahat ng estudyante na nasa silid na ito ay nakatitig sa magandang binibini na nasa harapan. Isang babae na maganda ang tindig, may asul na mga mata at ang aura niyang kaya kanag pasunudin sa lahat ng i-uutos niya.
Napaka ganda niya.
Muka mang oa pero yon talaga ang nakikita ko sa kan'iya.
Sinong hindi magagandahan sa kanya?
May maamo siyang muka, asul na mga mata, maliit na ilong at ang mahaba niyang buhok na lalong nag-palitaw ng kagandahan niya. May roon din siyang perpektong kilay at mamula-mulang labi. Muka siyang barbie sa totoong buhay.
Napabitaw naman ako sa pag titig sa kanya ng mahina akong tinapik ni Mari. "Tutulo na laway mo oh" Naka ngisi niyang saad kaya naman ay pinunasan ko ang labi ko pero wala naman napasimangot tuloy ako. Nang a-asar nanaman
"Good morning, class"
Nabaling naman muli ang pansin ko sa magandang binibini na nasa harapan namin ng nag salita siya. Inilalag niya sa mesa ang kanyang dalang mga gamit. Ano bayan, pati ang boses maganda. Kumuha siya ng marker at pumunta sa harapan ng white board upang isulat ang kaniyang pangalan.
Artemisia Natalia Guevara
Ang ganda pati ng pangalan niya. Kasing ganda ng may ari. Mukang magiging maganda ang sem na 'to para sa 'kin.
Biglang nawala ang sakit ng ulo ko.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...