ILANG ARAW na ang lumipas nang mag-bago ang subject teacher namin, nang dumating si miss Talia. Ilang araw narin na lagi niya akong inuutusan at sinusungitan ni miss.
Ewan ko kung bakit ako sinusungitan, basta makita niya lang ako na may kasamang babae o lalaki s-samaan na agad ako ng tingin o kaya naman ay on-the-spot ako kung utusan. Mga kaklase ko lang naman ang nakakasama ko o kaya naman ay sina Mari at Cris. Wala ng iba.
Ang weird talaga ni miss. Hindi ko siya maintindihan.
Ngayon naman ay nasa Cafe ako, actually dapat day off ko kaso may sakit yung nanay ng isa kong ka-trabaho at nasa hospital, kaya pinakausapan niya ako na ako na muna ang pumalit sa kanya.
Medyo din maulan ngayon at mag-gagabi na, madamin parin ang customer ngayon, mostly puro mga estudyante na sa tingin ko ay nag r-review o advance reading? Ewan. Ilang oras narin naman akong nag-ta-trabaho at hinihintay ko na lang ang papalit sa akin kaya makakapag pahinga na ako.
Ngayon ay ako muna ang cashier since lahat ng mga kasamahan ko ay busy sa pag-bibigay ng order ng mga customer.
"Good evening, Ma'am, what's your orde---Miss Talia" Nagulat ako nung nag angat ako ng tingin ay si Miss yung nakita ko. Naka suot siya ng off shoulder dress, nakalugay din ang kanyang mahabang buhok. May bitbit din siyang isang pouch at may suot din siyang isang kwintas.
Pamilyar yung necklace, parang nakita ko na yun dati.
Naka tingin nanaman siya sa akin ng seryoso, at na'n 'don nanaman ang kakaiba niyang tingin. Tumikhim ako at inayos ang tindig. Medyo natulala ako eh. Ang ganda kasi.
Lumalabas tuloy kabaklaan ko.
Biro lang.
"Ano pong order niyo?, Miss?" Pag-tatanong ko muli.
Nagsalita si Miss, ngunit hindi ko naintindihan kaya naman ay tinanong ko siya muli.
"A mocha latte and a two-pieces of croissant, also a glass of water. Dine in" Inilista ko naman ka-agad ang kanyang in-order at nag pasalamat sa kan'ya. Pag-katapos niya yun sabihin ay pumunta na siya sa lamesa na ka'sya ang apat na tao. Hmm, may hinihintay kaya si ma'am? Sino kaya yun?
Ano bang pake ko kung meron?
Ays, bahala nga na muna si ma'am, mag-tatrabaho na muna ako, hindi ko muna siya papansinin. Mamaya baka mapagalitan pa ako ng manager namin pag-nakita niya na naka tingin lang ako sa isang customer at hindi nag t-trabaho. Masungit pa naman 'yon kagaya nina miss.
Bakit ba ako na p-palibutan ng mga masusungit?
Nag-patuloy na ako sa pag t-trabaho habang si miss naman ay payapang iniinom at kinakain yung in-order niya.
Habang nag t-trabaho ay nararamdaman ko na parang may nakatitig sa akin kaya naman ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng cafe at natagpuan ko ang kan'yang mala dagat na mata na sa tuwing tinitinganan ko ay tila ba ay ni-lulunod ako.
Bakit nakatingin sa akin si miss? May kailangan ba siya?
Nang makita na ako ay nakitingin sa kanya ay nag-iwas na siya ng tingin at nag-patuloy sa pag-inom. Eh? Bahala nga siya diyan. Weird talaga.
Medyo busy pa ako dahil lalong dumadami ang mga customer at mag a-alas otso narin kaya siguradong pagod nanaman ako nito pag-dating sa bahay.
Ilang sandali pa ay dahil sa pa-giging abala ko ay hindi ko napansin na may kasama na pala si miss na dalawang babae.
Hmm, maganda din.
Siguro mga kaibigan 'yon ni ma'am. Nag-uusap sila ngayon at hindi ko maiwasang mapatitig kay miss nang makita ko siyang nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...