NAG-LULUTO ako ngayon ng agahan para sa amin ni miss, total hindi narin naman masyadong masama ang pakiramdam ko hindi kagaya kaninang madaling araw.
Sana hindi na sunog masunog 'to.
Nauna akong nagising kay miss, pag-kagising ko nga kanina ay naka-subsob parin ako sa leeg ni miss habang mag-kayakapan kaming dalawa. Nang bumangon ako ay dahan-dahan kong pinalitan ng unan ang kayakap ni miss, buti na lang hindi siya nagising kahit kanina ay ang bilis niyang naramdaman na bumangon ako. Mahimbing ang tulog niya, napagod ata sa pag-aalaga sa 'kin kagabi at kanina.
Ang niluto ko lamang ay bacon at itlog nag-sangag narin ako ng kanin. Buti na lang hindi nasunog. Hindi naman siguro magagalit si miss na pinakaelman ko ang kusina niya. Siyanga pala, pagkalabas ko kanina sa kwarto ay nalaman ko na nasa second floor pala kami at nakita ko kung gaano kalawak itong tinitirahan niya. Kagaya lang din ng kwarto, puti at itim din yung kulay.
Nang matapos akong mag-luto ay inihanda ko na ang mesa at pinuntahan si miss sa kwarto upang gisingin. Pag-pasok ko ay nakita ko na mahimbing parin ang idlip ni miss. Nakayakap siya sa unan habang nakadantay yung paa niya rito. Yung muka rin niya ay naka subsob sa may unan at ang pwesto niya ay nakabaluktot.
Isa lang ang masasabi ko. Ang ganda parin niya kahit tulog. Napaka lambot din nang matawan kaya ang sarap at komportable ako nung kayakap ko siya.
"Miss, gising na po. Kain na po tayo" Saad ko habang maingat siyang niyugyog upang gisingin. Dahan-dahan naman siyang nag-mulat ng kanyang nga mata.
"Why are you up so early? 'You okay now?" Inaantok niyang saad pag matapos ay humikab. Inilagay niya yung kamay niya sa noo ko at nakita ko ang pag-hinga niya ng maluwag ng malaman na hindi na ako mainit kagaya kanina. Ang galing kasi ng nurse ko, pa'ano hindi gagaling?
"Ayos na po ako. Tara na po" Pag-aaya ko sa kanya para makakain na kami. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom.
"I'll just fix my self" Pag-katapos niyang sabihin ang nga katagang 'yon ay hindi na niya ako hinintay pa na mag-salita at umalis na siya papunta sa banyo.
Lumabas ako ng mwarto at hinintay siya sa may kusina. Ilang sandali pa akong nag-hihintay bago lumabas si miss na medyo basa pa ang buhok. Naligo pa ata.
"Tara na po" Pag-yakag ko sa kanya at pinag hila siya ng upuan para makaupo at makakain na kami. Nag-simula na kaming kumain tahimik, tanging kubyertos lamang ang maririnig sa buong kusina. Walang sino man ang nag salita sa aming dalawa.
Nang natapos kaming kumain ay nag-prisinta na si miss na siya na ang mag huhugas ng pingan. Ako naman ay nakaupo sa upuan pinapanood siya habang nag-hugas, wala kasi akong nagawal.
"Stay here, I will just tell your professor's to excuse you. You need to rest more" Saad niya ng matapos mag hugas at humarap sa akin at sumandal sa lababo habang naka kros ang mga braso.
"Kaya ko naman pong pumasok" Totoo, kaya ko naman dahil hindi na talaga masyadong masama ang pakiramdam ko. Himala nga kasi kung dati ay inaabot pa ng mga aoat na araw bago ako gumaling tapos ngayon ang bilis, kahapon lang ako nilagnat tapos ngayon medyo maayos na ang pakiramdam ko.
"No, you will rest here. Kailangan mong gumaling ng tuluyan" Medyo slang pa yung pag-tatagalog niya. Cute.
Tumango na lang ako ahil wala rin namang patu-tunguhan kung makikipag talo pa ako, dahil alam ko narin naman kung sino ang mananalo. Siyempre siya.
Nang makita niya ang pag-tango ko ay siya namang pag-ngiti niya ng tipid.
"Good girl" Para naman akong bata sa sinabi niya. Nag-paalam siya na mag-papalit na raw siya ng damit para nag-handa papuntang eskwalahan.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...