Chapter 16

865 31 0
                                    

Warning: This chapter contains mentions of violence and rape. Reader discretion is advised. If you are sensitive to such a content, please proceed with the caution. READ AT YOUR OWN RISK.
_________

WALANG BUHAY.......

Iyan ang makikita sa litrato ng nanay ni Lia. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ng makita yung larawan.

Naaawa ako at na susuka nang makita yung sinapit ni Miss Rodriguez. Sino ang gumawa nito?

Naroon siya sa isang madilim na lugar na sa tingin ko ay imbakan ng basura dahil sa dami ng mga sako na nasa paligid niya. Makakapal din ang mga damo, may katabi rin itong poste ng kuryente. Sa tingin ko ay sa probinsya ito dahil sa paligid na maraming puno at makakapal na damo. Gaya ng suot niya nang ilagay niya si Lia sa loob ng kotse ni Miss, butas butas at madumi ang kanyang mga kasuotan--- mas malala lang ngayon kaysa nang makita namin yung suot niya sa CCTV.

Makikita mo sa larawan ang kanyang duguan na damit at tila ba ay naliligo siya sa kanayang sariling dugo. Ni halos hindi na nga naasult ito sa kanya. Makikita mo rin ang kan'yang muka na kitang kita ang pasa at mga sugat, yung kanyang butas-butas na damit ay sirang sira talaga na para bang pinunit ito ng kung sino. Sa kanyang itsura ay masasabi ko na siya pinahirapan muna bago namatay, binugbog at hinampas ng matigas na bagay, mapapansin moyon dahil sa bukol at pasa sa kanyang m-muka na basag na. Ni halos hindi na makilala ang muka nito dahil sa tindi nang pag hampas.

Ang sakit sa puso na makita 'to.

Sinong tao ang kayang gasin ang bagay na ito?

Napayukom ang aking kamao dahil sa nakikita. Hakatang halata na nag hirap muna siya bago nama--- pinatay.

Hindi lang 'yon, y-yung katawan niya... m-mag kakahiwalay ang ibat ibang parte nito; binti, kamay, braso, paa at maging ang ulo nito ay hindi pialampas at pinutol. Punong puno ng dugo ang bawat parte ng katawan niya na hindi kona ipinagtaka.

Putulin ba naman, malamang dudugo nga.

Yung nasa litrato ay pinag tabi tabi muna yung parte ng katawan niya bago nila ito kinuhanan ng litarato.

"Ma, sinong...anong nangyare?"

Nang dahil sa tanong ko ay nag simula nang mag kwento si mama na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Miss.

Sabi ni mama, ayon daw sa kanyang mga tauhan, ilang lingo matapos ilagay ni Miss Rodriguez si Lia sa kotse ni Miss ay pagala gala lamang daw ito sa siyudad hangang nitong nakaraang araw lamang ay natagpuaan itong walang buhay at putol putol ang katawan sa kalapit na probinsya. Ayon pa sa polisya ay pinag hihinalaang ginahasa rin raw ito.

May roong isang testigo silang nakalap, ayon sa testigo habang nag lalakad raw siya banda alas-onse nang gabi pauwi galing inuman, may nakita siyang van na nakaparada sa kung saan natagpuan ang nga nakapaligid na parte ng katawan ng biktima, hindi na niya sana ito papansinin dahil sa tingin raw niya ay baka may iihi lang kaya ito tumigil sa ginta ng daan, ngunit nang nag-patuloy siya sa paglakad ay may narinig siyang halinghing ng isang lalaki na nang gagaling sa direksyon ng van na kung saan natagpuan ang bangkay.

Ngunit hindi niya ito pinansin dahil ang akala niya ay wala lamang ito at naririnig niya lamang ito dala sa kalasingan. Kinabukasan, nang mabalitaan niya ang nakitang bangkay ay dali-dali siyang nag punta sa polisya upang ipag bigay alam ang kanyang nakita at narinig nung gabing iton ng mapagtanto niya na hindi lang pala dala ng kalasingan yung mga narinig niya.

Wala raw plate number yung van ngunit may may nakita naman na naka pinta sa may bandang kaliwang-gilid-likuran ng van na ipinag bigay alam naman niya kaagad sa mga polis kung ano ito. Malaking tulong narin ito ayon sa polisya. Hangang ngayon ay pinag hahanap parin nila yung suspect.

Serendipity Where stories live. Discover now