ANG GULO ni Miss, hindi ko siya maintindihan. Ginugulo niya ako. Bakit naman kasi bigla na lang siya nagawa ng bagay na hindi dapat ginagawa ng isang guro? Lalo na at ngayon lang kami nag-kakilala.
Bahala na nga si Miss.
Hangang ngayon ay nasa labas parin ako at hindi maka-paniwala sa ginawa ni miss, at mabilis parin ang tibok ng aking puso.
Wala lang siguro 'to, baka kinakabahan lang ako kanina kay miss. Ikaw ba naman ang lapitan ng isang napaka-gandang dilag at halikan sa noo, hindi ka ba naman ka-kabahan?
Kaba lang to.
Kabag lang to.
Pumasok na ako sa loob at ngayon ay nasa tapat na ako ng pinto ng apartment ko. Bubuksan ko na sana nang mapansin ko na hindi pala naka-lock ang pintuan. Hindi ko ba ito na i-lock bago pumasok sa trabaho?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pag-pasok ko ay wala naman akong nakitang tao, pero may narinig akong ingay na nagmu-mula sa kusina, kaya naman ay dali-dali akong pumunta do'n at may nakita akong isang bulto ng babae na nag a-ayos ng lamesa.
Si ate!
"Ate!" Lumingon siya sa aking direksyon ng marinig ang aking boses. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kinar-roonan niya at patalon na yumakap sa kanya na parang bata, muntikan na kaming matumba 'buti na lang ay mabilis akong nahawakan ni ate sa bewang.
Ang tangkad ni ate, sana ako rin.
"Careful, baby" Natatawang saad sa akin ni ate at pinupog ng halik ang aking muka. Kahit na madalas naman kaming magkita ay lagi ko parin siyang na m-miss. Madalas naman dumalaw si ate sa 'kin pero nitong lingong ito ay ngayon pa lamang siya dumalaw, siguro busy sa trabaho. Isa kasi siyang doctor sa isang sikat na ospital, kaya nga nag-tataka ako kung papaanong mayroon parin siyang oras para sa 'kin, sa trabaho niyang kuha lahat ang oras niya.
Siguro 'pag mahal mo talaga yung tao, kahit ga-ano ka pa ka-busy ay mak-kahanap ka parin ng oras para sa taong 'yon.
Malapit kaming dalawa sa isat-isa dahil halos si ate na ang nag-alaga sa akin nung bata ako, laging busy sina mama sa trabaho, at hindi rin sila kumuha ng yaya para sa 'min. Isang lawyer si mama at doctor naman si papa kagaya ni ate at sa i-isang ospital lamang nagt-trabaho sila ate at papa. Buti na lang ngayon ay hindi na masyadong busy si mama kaya naman ay nag kakaroon na siya ng oras para saaming dalawang mag-kapatid dahil i-ilan na lang ang tinatangap niyang kliyente. Pero si papa ay talagang busy, pero nadalaw parin naman siya pa minsan-minsan.
Sa totoo lang, ayaw nila akong pag-trabahuhin dahil kaya naman daw nila akong pag-aralin, gusto din nila na sa binili nilang condo ako tumira dahil malapit din daw 'yon sa school, pero makulit talaga ako at tinangihan ko. Gusto ko kasing sariling pera ko yung gagastusin ko lalo na at kaya ko naman na mag-trabaho. Nag bibigay parin sila ng allowance ko buwan-buwan, ginagamit ko lang yun kapag para sa pag-aaral pero pag-dating sa luho ko ay sarili kong pera ang ginagamit ko.
"Did you eat na ba?" Malambing ang tono ni ate habang tinatanong ako. Seyoso siya lagi at malamig makitungo sa ibang tao pero pag-dating sa 'kin ay para siyang kandila na natunaw, bumabait. Mabait naman talaga si ate, kailangan lang ay maging komportable siya sa'yo.
Tumango ako sa kan'yang tanong dahil kinain at naubos ko anaman ang ibinigay sa akin ni miss na pag-kain. "Ikaw, ate? Kumain kana?" Malambing kong tanong habang naka-lambitin parin sa kan'ya. Kay ate talaga pinaka-close dahil nga siya na ang nag-alaga sa 'kin, kay ate lang din ako nag-sasabi ng mga problema ko o kung may bumabagabag sa 'kin. Naiba lang nung dumating siya.
"Hindi pa, I actually wanted to eat dinner with you. Nag-luto pa nga ako ng mga favorite mong foods" Saad ni ate habang naka-nguso. Tiningnan ko naman ang lamesa at nakita doon ang mga paborito kong pagkain. "Pero kumain kana pala" Tila nagt-tampo ang boses niya.
YOU ARE READING
Serendipity
Romance"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to come in our way, to take you away from me. So don't they dare try me. Because If they do? They will suffer to the point that they will wish to...