Chapter 11

985 34 5
                                    

Before the UNKNOWN pov.
_______

"Thyra!"

Lumingon ako sa aking likuran ng marinig ko na may tumawag sa panglan ko. Kaka alis ko lang ngayon sa opisina ni miss, nanaman.

Pa lingon ko ay nakita ko na si Cris pala ang tumawag sa akin kasama si Mari. Tiningnan ko ang likuran niya at napansin na hindi nila kasama si Sylvia. Saan naman pumunta yun? Himala at hindi siya ngayon kasama nina Cris eh kami-kami lang naman ang nakakasama niya dito sa paaralan.

"Bakit?" Tanong ko ng tuluyan na silang maka lapit sa akin.

"Nakita namin ang nangyari kanina.  Yung sasampalin kana dapat nung babae" Saad ni Cris. Nandon pala sila non. Hindi ko sila napansin.

"Talaga?"

"Oo, kasama pa nga namin si Sylvia n'on eh. Dapat nga ay pupuntahan ka namin kaso nga lang ay nakita namin na kasama mo pala si Prof. Guivera at ang ate mo." Ani naman ni Mari. Kasama nila si Sylvia non? Eh, bakit hindi nila ito kasama ngayon?

"Eh nasaan si Sylvia? Akala ko ba kasama niyo?" Takang tanong ko.

"Yun na nga. Matapos niyang makita na paalis na kayo ng ate mo at ni prof. Bigla na lang din umalis. May emergency daw."

"Oo nga. Kanina nga ay dapat susugurin na niya yung dalawang babae buti na lang napigilan namin. Galit na galit eh." Saad naman ni Cris. Ganyan naman talaga si Sylvia. Ayaw na ayaw niyang makita na masakatan ang mga taong malalapit sa kanya lalo na ng mga kaibigan niya.

Tumango tango ako bago kasabay sila na mag lakad papunta sa susunod namin na klase.

Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ay pumasok na kami i-ilang estudyante pa lang naman ang nasa loob kaya naisipan ko na lang na i-review ang mga pinag-aralan namin sa subject na 'to nitong mga nakaraang araw para kung maisipan man ng professor namin na mag pa surprise quiz 'di may maisasagot ako. Ang mag kapatid naman ay panay ang pag k-kwentuhan at nag tabi pa sila kahit na ang kanilang upuan talaga ay sa mag kabilang gilid ko.

Ilang sandali pa ako nag review bago pumasok si prof. Hilarious at tama nga ang desisyon ko na mag review dahil pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa classroom ay sinabi na niya ka aagad na magpapa-quiz siya.

"Grabe naman si sir, kung mag pa quiz parang gusto tayong pakyatin sa mount everest. Buti na lang nakapag review ako kagabi" Pag re-reklamo ni Mari kahit na naka sixty five over seventy siya. Kung makapag reklamo kala mo ang baba ng nakuha niya eh isa nga siya sa may pinakamataas na iskor sa klase.

"Kaya nga. Ang haba pa mag pa quiz. Buti na lang hindi niya naisipan na ipa one hundred yung quiz" Pag sabay pa ni Cris sa pag rereklamo ni Mari. Isa pa 'to kung mag reklamo,  eh naka sixty four nga siya.

Hindi naman kasi ganoong kahirap ang pina quiz sa amin ni sir. Parang inulit nga lang yung mga tanong dahil yung mga tinanong sa unang bahagi ay yun naman yung sagot sa pahuli. Kung baga, mag ta-tanong siya at mag bibigay ng ilang pag pipilian na minsan naman ay walang binibigay tapos sa bandang pahuli na ng quiz ay yung sagot naman sa nauna yung sinasabi niya at gusto niya na isulat namin ang kahulugan non.

"Hindi naman ganon kahirap"

"Porket kasi naka-perfect." Pairap na saad sa akin ni Mari. Nag kibit balikat na lang ako bago lumabas para pumunta sa susunod namin na subject. Ang susunod namin na subject ay ang subject na itinuturo ni Miss Talia. Dalawa kasi klase namin sakanya ngayon eh.

"Wait. Miss Alarie."

Napahinto ako ng marinig ko na may tumawag sa epelyido ko. Nang lingunin ko ito ay si sir Laughter pala isa din sa professor namin sa isang subject na medyo may katandaan na. May dala siyang mga papeles at libro, may nakapatong din na loptop sa libro at halatang nahihirapn si sir sa bitbitin yung mga dala niya. Paano hindi na huhulog ang mga 'yon?

Serendipity Where stories live. Discover now