Chapter 6

1.2K 48 16
                                    

Our professor Guivera on the media  ^_^
_______

NAG LALAKAD ako ngayon sa hallway papunta sa office ni sir Orsini or should I say Tito Martin, boyfriend ng pinsan ni mama. Si tito Martin nga pala ay isa sa matalik na kaibigan din ni na mama at papa kaya naman ay medyo close kami dahil madalas siyang pumunta sa bahay, dahil narin pamangkin ako ng kasintahan niya. 

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag pero may ideya na ako kung bakit.

Sa tingin ko ay kukulitin nanaman niya ako na sumali sa volleyball team ng HU. Nalaman niya kasi kila mama na isa ako sa magaling na player ng paralan namin noong senior highschool ako.

Maliit lang ako pero mataas ako tumalon.

Malakas pa pumalo at, hindi mabilis mapagod.

Pero ang daming hindi nani-niwala. Pagkinu-kwento ko nga sa iba lalo na sa mga pinsan ko na isa akong volleyball player ay hindi sila naniniwala. Ang lagi nilang sinasabi ay 'sa liit mong 'yan?'

Wala ba silang tiwala sa 'kin?

Buti na lang si tito Martin meron pero lagi naman ako kinukulit.

Pagkinu-kulit ako ni tito ay laging 'pag iisipan ko muna po' dahil sa totoo lang ay gusto kong mag-focus sa pag-aaral, highschool palang kasi ako ay sinasabi saakin ng mga nakatatanda kong mga pinsan na mahirap daw ang kolehiyo at ngayong unang taon ko ay na patutunayan kong totoo nga ang sinasabi nila.

Pero anyways kailangan ko na pumunta sa office ni tito baka mamaya pag-nag-tagal pa ako maging angry birds na siya. Mainipin pa naman 'yon.

"Thyra! Pa-sa'an ka?" Tanong sa 'akin ni Mari. Ka gagaling niya lang sa Comfort room. Bago kasi ako umalis pag-katapos namin kumain ay bigla na lang siyang umalis habang nakatingin sa telepono niya na para bang kinakabahan at nag-paalam na pupunta lang daw siya sa CR dahil nasakit ang tiyan niya.

Halos tumakbo na nga siya eh.

Pero, ako lang ba? Bakit parang may nag-iba kay Mari? Kung kanina ay kinakabahan siya ngayon naman ay masaya. 'Bat parang ang saya niya naman? Abot tenga ang ngiti eh. Gusot din ang kanyang kasootan at magulo ang buhok. Saan ba 'to nag susuot?

"Punta ako kay tito, pinapatawag daw ako."Saad ko. "Ayusin mo nga 'yang damit mo pati narin 'yang buhok mo. Ang gulo eh." Naka-kunot noo kong sabi sa kanya. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung hindi malinis, lalo na pag-dating sa katawan. Na di-distract ako.

Tumingin naman siya sa kanyang damit at inayos ito, ibinuton din niya ang kanyang uniform dahil merong isang hindi naka buton. Ano ba ang ginawa nito?

Pag-katapos niyang ayusin ang sarili ay tinanong niya ako.

"So, bakit ka pinata-tawag ni sir?"

"Ewan, pero baka pi-pilitin nanaman ako na sumali sa volleyball team. Maiba ako, Wala ka bang gagawin? Samahan mo naman ako." Gusto ko siyang isama maging pananga ko pag-galit si tito.

"Sige"

Mabuti naman ay sumangayon siya. Nag-simula na kaming mag-lakad papuntang opisina ni tito, may na ka-kasalubong kaming mga estudyante at pinag titinginan nila kami lalo na si Mari. Kumakaway naman si Mari na para bang isang artista sa mga estudyante lalo na sa mga babae.

Nakapasok na kami sa office ni coach at halatang matagal na siyang naghi-hintay. Buti na lang mukang good mood si tito, hindi namumula na nakakunot ang noo eh, naka-ngiti pa nga siya ng makita kami.

"Thyra good thing you're already here. Hindi na ako mag papa-ligoy-ligoy pa. Ilang buwan na lang ay magsi-simula na ang volleyball tournament. And next week will be the try out for the students who wants to be a player, and I'm gonna ask you again for the nth time......" Mukang alam ko na ang susunod na sasabihin ni tito. Naka-tingin na siya sa 'kin ng seryoso habang naka sandal sa upuan niya at naka dekwatro.

Serendipity Where stories live. Discover now